Seminary
Mateo 18:11–14


Mateo 18:11–14

Ang Pagkahabag ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Blind man gains sight. Outtakes include Jesus anointing his eyes, and going to the pool of Siloam.

Itinuro ni Jesucristo na Siya at ang ating Ama sa Langit ay may pagmamahal at malasakit sa lahat. Ang lesson na ito ay ginawa upang tulungan kang madama na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mahabagin at nagnanais na iligtas ang bawat nawawalang kaluluwa.

Pagtutuon sa mga katangian at pagkatao ng Tagapagligtas. Gamitin ang mga banal na kasulatan hindi lang upang ituro ang ginawa ni Jesucristo kundi upang bigyang-diin din ang Kanyang mga banal na katangian at pagkatao. Aanyayahan nito ang Espiritu Santo na magpatotoo tungkol sa Kanya, na tutulong sa mga estudyante na mas maunawaan kung sino Siya at hangaring maging katulad Niya.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga salaysay sa banal na kasulatan na nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa mga taong espirituwal na nawawala.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Upang matulungan ang mga estudyante na maging komportable sa pagsagot nang tapat sa sumusunod na tanong, maaari mong sabihin sa kanila na isulat sa maliit na piraso ng papel ang numero ng sagot na pinili nila (nang hindi isinusulat ang kanilang pangalan). Maaari mong kolektahin ang mga piraso ng papel at ibahagi ang mga resulta sa klase.

  • Sa iyong palagay, alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na naglalarawan sa nadarama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa mga nagkasala?

  1. Nakalulungkot sa Kanila na patawarin ang mga makasalanan, ngunit gagawin Nila ito kung taos-puso tayong magsisisi.

  2. Mas gugustuhin Nilang magsisi tayo upang mapatawad Nila tayo, ngunit masaya Sila sa anumang pipiliin natin.

  3. Nakadarama Sila ng malaking kagalakan sa pagpapatawad sa mga makasalanan na nagsisisi.

  • Paano maaaring makaimpluwensya ang pag-unawa ng isang tao sa katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa kanyang mga pagpili?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, isaalang-alang kung ano ang natutuhan mo tungkol sa katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at kung paano makakaapekto ang kaalamang ito sa iyong buhay.Matapos ituro sa Kanyang mga disipulo kung gaano kabigat ang kasalanang hamakin o saktan ang mga anak ng Diyos, ipinahayag ng Tagapagligtas ang Kanyang maawaing hangaring “iligtas ang nawala” ( Mateo 18:11). Nilinaw sa Joseph Smith Translation ng Mateo 18:11 na naparito rin ang Tagapagligtas upang anyayahan ang mga makasalanan na magsisi.

Basahin ang Mateo 18:11–14 , at alamin ang nadarama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo tungkol sa mga taong espirituwal na nawawala.

  • Anong mga salita o parirala mula sa mga talatang ito ang nakatutulong sa iyo na maunawaan ang katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo?

  • Ano ang iba’t ibang paraan na nagiging espirituwal na nawawala ang mga tao?

Ang isa sa mga katotohanang matututuhan natin mula sa mga talatang ito ay ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mahabagin at nagnanais na iligtas ang mga taong espirituwal na nawawala.

Ipinaliwanag ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Sa paglipas ng mga siglo, ang pagkaunawa sa talinghagang ito [ng nawawalang tupa] ay isa itong utos sa atin na ibalik ang nawawalang tupa at tulungan ang mga naliligaw ng landas. Bagama’t angkop at mabuti naman ito, iniisip ko na baka higit pa ito rito.

Posible kaya na ang layunin ni Jesus, una sa lahat, ay ituro ang gawain ng Mabuting Pastol?

Posible kaya na pinatototohanan Niya na mahal ng Diyos ang mga anak Niyang suwail? …

Hindi mahalaga kung paano kayo nawala—ito man ay dahil mali ang inyong mga pagpili o dahil sa mga sitwasyong hindi ninyo mapipigilan. …

Dahil mahal Niya kayo, hahanapin Niya kayo. Papasanin Niya kayo sa Kanyang balikat, na natutuwa. At kapag kayo ay Kanyang iniuwi, sasabihin Niya sa lahat, “Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka’t nasumpungan ko ang aking tupang nawala” [ Lucas 15:6 ].

(Dieter F. Uchtdorf, “Papasanin Ka Niya sa Kanyang Balikat at Iuuwi,” Ensign o Liahona, Mayo 2016, 102)

  • Sa iyong palagay, bakit nais ni Jesucristo na malaman natin kung gaano Siya kahabagin at ang ating Ama sa Langit?

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-unawa sa Kanilang mahabaging katangian sa kalagayan mo sa buhay ngayon?

Katibayan ng mahabaging katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo

Maraming paraan upang matulungan ang mga estudyante na makita ang katibayan kung gaano kamaawain at mapagpatawad ang Diyos. Piliin ang mga paraan na pinakamainam para sa mga estudyante. Narito ang ilang ideya na maaaring makatulong.

Ang isang paraan upang mapalakas natin ang ating patotoo tungkol sa mga alituntunin ng ebanghelyo ay maghanap ng mga halimbawa na nangyari sa totoong buhay na naglalarawan sa katotohanan ng mga ito. Kapag nakakita ka ng katibayan ng mga alituntunin ng ebanghelyo sa buhay ng iba, matutulungan ka ng Espiritu Santo na makadama ng pag-asa at tiwala na pagpapalain din ng mga alituntuning iyon ang iyong buhay. Ang mga sumusunod na mungkahi ay makatutulong sa iyo na makita ang mga halimbawa na nangyari sa totoong buhay tungkol sa katotohanan na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mahabagin at nagnanais na iligtas ang mga espirituwal na nawawala.

Para sa sumusunod, maaari mong sabihin sa mga estudyante na magtulungan sa maliliit na grupo. Matapos saliksikin ng mga estudyante ang mga banal na kasulatan, maaaring isulat sa pisara ng isang estudyante mula sa bawat grupo ang mga halimbawang natagpuan nila. Kung nakibahagi ang mga estudyante sa aktibidad sa paghahanda ng estudyante, maaaring sabihin sa kanila na gamitin ang ilan sa mga banal na kasulatan na natagpuan nila bilang bahagi ng aktibidad na ito.

Saliksikin ang mga banal na kasulatan para sa mga salaysay na nagpapakita kung gaano kamahabagin at mapagpatawad ang Ama sa Langit at si Jesucristo. Kung kailangan mo ng tulong, maaari mong pag-aralan ang isa o lahat sa mga sumusunod na salaysay sa banal na kasulatan: Juan 8:1–11 ; Alma 36:6–21 .

Pumili ng ilang halimbawa sa isinulat ng mga estudyante sa pisara, at ipatalakay ang mga ito sa buong klase. Tulungan ang mga estudyante na makita na gaya ng pagpapakita ng Diyos ng awa sa mga tao noong unang araw, magpapakita rin Siya ng awa sa atin.

5:50

The Savior Wants to Forgive

A former addict and repeat convict shares his experiences with the Savior’s ability and willingness to forgive him again and again, even when he felt undeserving.

2:57

Principles of Peace: Repentance #PrinceofPeace

Thanks to the sacrifice of Jesus Christ, we all have the ability to repent—to be free from the guilt and burden of our past sins. Learn how Melody put her past behind her with Jesus’s help and was able to find peace in her new life. 

  • Sa palagay mo, ano ang nais ng Panginoon na matutuhan mo mula sa mga halimbawang pinili mo?

  • Sa anong mga paraan mo napansin ang Tagapagligtas na nagpapakita ng habag at naghahanap ng mga nawawala?

Ang paghahanap ng mga halimbawa ng mga alituntunin ng ebanghelyo sa sarili mong buhay at sa buhay ng mga taong kilala mo ay maaaring maging napakabisang paraan upang matulungan kang madama na totoo ang mga ito.

Kung sinabi sa mga estudyante na ibahagi nang malakas ang sumusunod, hikayatin sila na huwag magbahagi ng mga pangalan o detalye na masyadong personal.

Nang hindi nagbabahagi ng mga personal na detalye o pangalan, ilarawan ang isang taong kilala mo na ang buhay ay katibayan na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mahabagin at naghahanap ng mga nawawala sa ating panahon.Pag-isipan kung paano nakatutulong ang mga halimbawang ito na mapalakas ang iyong patotoo tungkol sa mahabaging katangian ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Isipin kung bakit mahalagang malaman mo ito tungkol sa Kanila.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Sino ang kinakatawan ng tupa na naligaw sa Mateo 18:12–13 ?

Ipinaliwanag ni Isaias, “Tayong lahat ay gaya ng mga tupang naligaw; bawat isa sa atin ay lumihis sa kanyang sariling daan” ( Isaias 53:6 ; idinagdag ang pagbibigay-diin). Samakatuwid, ang nawawalang tupa na kailangang iligtas ng Mabuting Pastol ay kumakatawan sa bawat isa sa atin.

Ano ang nadarama ng Ama sa Langit tungkol sa mga taong nagsisikap na sundin Siya ngunit paulit-ulit na nalilihis ng landas?

Tumulong si Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan, na sagutin ang tanong na ito. Maaari mong panoorin ang video na “Apat na Titulo,” na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 3:07 hanggang 4:49.

2:3

Four Titles

I would like to suggest four titles … that may help us recognize our individual roles in God’s eternal plan and our potential as priesthood holders.

//media.ldscdn.org/webvtt/general-conference/april-2013-general-conference/2013-04-3040-president-dieter-f-uchtdorf-en.vtt

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Nakakita na tayong lahat ng isang lumalaking sanggol na natututong lumakad. Maliit ang kanyang hakbang at pagewang-gewang ang lakad. Natutumba siya. Pinagagalitan ba natin siya dahil doon? Siyempre hindi. Anong klaseng ama ang magpaparusa sa isang sanggol sa pagtumba nito? Tayo ay naghihikayat, natutuwa, at pumupuri, dahil sa bawat maliit na hakbang, ang anak ay lalong nakakatulad ng kanyang mga magulang.

Ngayon, mga kapatid, kumpara sa kasakdalan ng Diyos, tayong mga mortal ay hindi naiiba sa mga sanggol na pagewang-gewang sa paglakad. Ngunit nais ng ating mapagmahal na Ama sa Langit na maging higit na katulad Niya tayo, at, mahal kong mga kapatid, iyan din dapat ang ating walang-hanggang mithiin. Nauunawaan ng Diyos na hindi natin mararating iyan kaagad kundi sa paisa-isang hakbang lamang.

Hindi ako naniniwala sa isang Diyos na magtatakda ng mga tuntunin at kautusan para lamang hintayin tayong matumba upang maparusahan Niya tayo. Naniniwala ako sa isang Ama sa Langit na mapagmahal at mapagmalasakit at nagagalak sa bawat pagsisikap nating tumindig at maglakad patungo sa Kanya. Kahit matumba tayo, hinihikayat Niya tayong huwag manghina—huwag sumuko o tumakas sa ating mga responsibilidad kailanman—kundi palakasin ang ating loob, sumampalataya, at patuloy na magsikap.

(Dieter F. Uchtdorf, “Apat na Titulo,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 58)

Dahil lubos na mapagmahal ang Diyos, talaga bang kailangan nating sikaping sundin ang Kanyang mga kautusan upang maligtas?

Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Tila pinahahalagahan ng ilan ang pag-ibig ng Diyos dahil sa pag-asa nilang ang Kanyang pag-ibig ay napakadakila at walang hinihinging kapalit kung kaya’t buong awang bibigyang paumanhin sila nito sa paglabag sa Kanyang mga batas. …

Kung nauunawaan ng isang tao ang mga turo ni Jesus, hindi niya sasabihing ang ating mapagmahal na Ama sa Langit o ang Kanyang banal na Anak ay naniniwala na ang pagmamahal nila ay maipapalit sa kanilang mga kautusan. …

Itinuro ni Jesus, “Hindi ang bawa’t nagsasabi sa akin, Panginoon, Panginoon, ay papasok sa kaharian ng langit; kundi ang gumaganap ng kalooban ng aking Ama na nasa langit” ( Mateo 7:21).

(Dallin H. Oaks, “Pag-ibig at Batas,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 26, 28)

Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Mateo 18:1 . “Sino ang pinakadakila sa kaharian ng langit?”

Isulat sa pisara ang tanong sa itaas, at sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng iba’t ibang paraan kung paano masasagot ang tanong na ito. Pagkatapos ay sabihin sa kanila na ilarawan ang ginawa ng Tagapagligtas sa Mateo 18:2 bago Niya sinagot ang tanong. Itanong sa mga estudyante kung ano ang matututuhan nila sa di-pasalitang sagot ng Tagapagligtas sa tanong.

Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Mateo 18:3–4 at talakayin ang mga katangiang tulad ng kay Cristo na taglay ng mga bata. Ano ang madalas nating makita sa mga bata na makapagpapaalala sa atin tungkol kay Jesucristo? Paano makatutulong sa atin ang pagiging katulad ng isang bata para mas makapaghanda tayo sa pagpasok sa kaharian ng langit? Maaari mong sabihin sa mga estudyante na iugnay ang Mateo 18:1–4 sa Mosias 3:19 at talakayin kung ano ang idinaragdag ng talatang ito sa kanilang pang-unawa.

Sabihin sa kanila na mapanalanging sikaping magkaroon ng mga katangiang tulad ng kay Cristo na nakita nila sa halimbawa ng mga bata.