Seminary
Mateo 18; Lucas 10


Mateo 18; Lucas 10

Buod

Itinuro ni Jesucristo na Siya at ang ating Ama sa Langit ay may pagmamahal at malasakit sa lahat. Nagturo Siya ng dalawang talinghaga na makatutulong sa atin na maunawaan ang Kanilang pagmamahal at matutong pakitunguhan ang iba tulad ng ginagawa Nila. Ipinapaalala sa atin ng talinghaga tungkol sa lingkod na hindi nagpatawad na maging maawain sa iba, tulad ng Diyos na maawain sa atin. Makatutulong sa atin ang talinghaga ng mabuting Samaritano na tularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagmamahal sa kapwa. Tinuruan Niya rin sina Marta at Maria tungkol sa kahalagahan ng pagsentro ng ating buhay sa Kanya.

Maghandang Magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Mateo 18:11–14

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay ginawa upang matulungan kang madama na ang Ama sa Langit at si Jesucristo ay mahabagin at naghahangad na iligtas ang bawat nawawalang kaluluwa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang magbahagi ng mga salaysay sa banal na kasulatan na nagpapakita ng pagmamahal ng Diyos sa mga taong espirituwal na nawawala.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang simulan ang lesson, maaari kang gumamit ng online survey tool upang maanyayahan ang mga estudyante na sagutin ang tanong tungkol sa nadarama ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa mga taong nagkasala.

Mateo 18:21–35

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maging higit na katulad ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa pagsisikap nilang patawarin ang iba.

  • Paghahanda ng estudyante: Sa isang doctrinal mastery passage, ipinahayag ng Panginoon, “Kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao” ( Doktrina at mga Tipan 64:10). Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan kung bakit iniuutos ni Jesucristo na patawarin natin ang isa’t isa. Maaari ding makatulong na sabihin sa mga estudyante na basahin ang Doktrina at mga Tipan 64:9–11 at pagnilayan ang mensahe ng Panginoon sa mga talatang iyon.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Upang simulan ang lesson, maaari mong ipakita ang sumusunod na talata upang mapag-isipan ng mga estudyante: “Ako, ang Panginoon, ay magpapatawad sa yaong aking patatawarin, subalit kayo ay kinakailangang magpatawad sa lahat ng tao” ( Doktrina at mga Tipan 64:10). Matapos ang sapat na oras na makapag-isip ang mga estudyante, sabihin sa kanila na ibahagi kung bakit isang pagpapala sa ating mga buhay ang kautusang ito. Sabihin din sa kanila na ibahagi kung bakit kung minsan ay mahirap itong sundin.

Lucas 10:25–37

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay nilayong tulungan ang mga estudyante na matularan ang halimbawa ng Tagapagligtas sa pagmamahal sa kapwa.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Lucas 10:30–35, at hanapin kung saan nila nakikita si Jesucristo sa talinghagang ito. Sabihin sa kanila na hanapin din kung saan nila makikita ang kanilang mga sarili sa talinghaga.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Sa bahagi ng lesson kung saan tatalakayin ng mga estudyante ang mga tanong kaugnay ng pagmamahal sa ating kapwa sa iba’t ibang sitwasyon, maaari kang gumamit ng mga breakout room. Bigyan ang bawat grupo ng isa sa mga sitwasyong nakalista sa lesson, at bigyan ng oras ang mga grupo na talakayin ang tatlong tanong habang iniisip nila ang sitwasyong itinalaga sa kanila.

Lucas 10:38–42

Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na malaman ang pipiliin at mga gagawing aktibidad na tumutulong sa kanila na gawing sentro si Jesucristo ng kanilang mga buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga aktibidad na ginawa nila isang araw bago ang lesson na ito at dalhin ang kanilang listahan sa klase.

  • Mga materyal sa object lesson: Isang lalagyan at mga bato na iba’t iba ang laki na mas marami pa kaysa sa magkakasya rito.

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 6Layunin ng lesson: Bigyan ang mga estudyante ng mga pagkakataong palalimin ang kanilang pag-unawa, at maipaliwanag ang mga katotohanan tungkol sa isa o mahigit pa sa mga doctrinal mastery scripture passage mula sa Bagong Tipan.

Paalala: Maaaring kailanganing ituro ang isang doctrinal mastery passage lesson kapalit ng lesson sa pagrerebyu na ito. Tingnan ang iskedyul sa pagtuturo na ibinigay ng area o region director o coordinator upang matiyak na maituturo ang bawat doctrinal mastery passage lesson habang may klase sa seminary.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na tumukoy ng isang kasanayan o estratehiya sa pag-aaral ng banal na kasulatan na epektibo para sa kanila, at pag-isipan kung bakit kapaki-pakinabang sa kanila ang kasanayan o estratehiyang ito.

  • Handout: Maghandang ipakita ang listahan ng mga doctrinal mastery scripture passage at ang mga kaugnay na mahahalagang parirala ng mga ito, o ibigay ito sa mga estudyante bilang handout.

  • Mga Materyal: Tiyaking may mga panulat at study journal o piraso ng papel na gagamitin ang mga estudyante sa mga aktibidad ng lesson.

  • Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaaring opsiyonal na gumawa ang mga estudyante ng digital na page na “Taludtod sa Taludtod” o visual representation ng isang doctrinal mastery scripture passage. Pagkatapos ay maaaring ibahagi ng mga estudyante ang kanilang screen upang ipakita at ipaliwanag sa klase ang kanilang ginawa.