Seminary
Marcos 9:14–29


Marcos 9:14–29

“[Panginoon], Nananampalataya Ako; Tulungan Mo ang Kawalan Ko ng Pananampalataya”

A man holding his son in his arms as he presents the boy to Jesus Christ to be healed. Christ is depicted standing and reaching with His and toward the boy’s head. The painting depicts Jesus Christ healing and casting a devil out of the boy.

Pinuntahan ni Jesucristo ang isang grupo ng mga taong nagdududa sa Kanyang mga disipulo dahil hindi mapalayas ng mga disipulo ang masamang espiritu sa anak ng isang lalaki. Pagkatapos turuan ang amang ito tungkol sa pananampalataya, pinagaling ni Jesucristo ang anak nito. Ang lesson na ito ay tutulong sa iyo na suriin ang iyong pananampalataya sa Panginoon at humingi ng paghahayag tungkol sa kung paano mo ito mapalalakas.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga karanasan na nagpalakas ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Maaari din silang magtanong sa ibang tao tungkol sa sarili nilang karanasan na nagpapalakas ng pananampalataya.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Mga hamon sa pananampalataya

Isipin kunwari na nararanasan mo ang mga sumusunod na hamon:

Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na sitwasyon o iba pang sitwasyon na mas nauugnay sa mga estudyante.

Nadaramang hindi ka malugod na tinatanggap sa SimbahanDepresyonPag-alis sa Simbahan ng isang kapamilyaAng pagkamatay ng isang kaibigan

  • Paano maaaring makaapekto ang mga karanasang ito sa paniniwala at pagtitiwala ng isang tao kay Jesucristo?

  • Anong iba pang mga karanasan ang maaaring sumubok sa pananampalataya ng isang tinedyer kay Cristo?

  • Ano ang mga naranasan mo o ng iba na nagpakita sa iyo ng kahalagahan ng pagkakaroon ng malakas na pananampalataya kay Jesucristo sa mahihirap na sitwasyon?

Color Handouts Icon

Maaari mong ibigay ang sumusunod na pag-assess sa sarili bilang handout o ipakita ito sa mga estudyante para magamit nila habang isinusulat nila ang kanilang mga sagot sa kanilang study journal.

Attribute Activity Card

Kumpletuhin ang sumusunod na pag-assess sa sarili:

Aktibidad sa Katangian: Pananampalataya

Piliin ang numero na pinakamahusay na naglalarawan kung gaano kadalas naaangkop sa iyo ang bawat pahayag. Tandaan na ang espirituwal na pag-unlad ay paunti-unting proseso at walang sinumang perpekto.

1 = hindi kailanman; 2 = paminsan-minsan; 3 = madalas; 4 = halos palagi; 5 = palagi

________ 1. Naniniwala ako kay Jesucristo at tinatanggap ko Siya bilang aking Tagapagligtas. ( 2 Nephi 25:29)________ 2. Taglay ko ang pananampalatayang kailangan na makatutulong upang mangyari ang mabubuting bagay sa buhay ko o sa buhay ng iba. ( Eter12:12)________ 3. Sapat ang tiwala ko sa Tagapagligtas para tanggapin ang Kanyang kalooban at gawin ang anumang ipinagagawa Niya. ( 1 Nephi 3:7)

  • Pag-isipan ang mga aspekto kung saan ka malakas. Anong mga karanasan ang nakatulong sa iyo na maging malakas sa mga aspektong ito?

  • Aling mga aspekto ang kailangan mong palakasin pa?

“Maawa ka sa amin”

Pagkatapos ng Kanyang karanasan kasama sina Pedro, Santiago, at Juan sa Bundok ng Pagbabagong-anyo, may nakatagpo si Jesus na isang lalaking nagnanais na mapagaling ang kanyang anak mula sa masamang espiritu.

Maaari mong ipabasa ang Marcos 9:14–22 at 23–27 sa buong klase, at anyayahan ang isang estudyante na basahin ang mga salita ng Tagapagligtas, ang isa pa na basahin ang mga salita ng ama, at ang isa pa na basahin ang natitirang bahagi ng mga talata bilang tagapagsalaysay. (Maaaring makatulong na i-assign ang mga bahaging ito at sabihin sa mga estudyante na hanapin ang naka-assign na mga linya sa kanila bago magklase.) Magagamit din ng mga estudyante ang paraang ito upang magbasa sa mga grupo na may tigta-tatlong estudyante.

Bilang alternatibo sa pagbabasa ng mga talatang ito, maaari mong ipanood ang video ni Elder Jeffrey R. Holland na muling ikinukuwento ang salaysay na ito sa “Panginoon, Nananampalataya Ako,” na mapapanood sa ChurchofJesusChrist.org, mula sa time code na 0:00 hanggang 3:33.

14:43

Basahin ang Marcos 9:14–22, at alamin ang mahirap na sitwasyon na kinaharap ng mag-amang ito.

  • Ano sa palagay mo ang nadama ng ama nang hindi mapagaling ng mga disipulo ng Tagapagligtas ang kanyang anak?

Mag-ingat sa pagsasabi sa mga estudyante na sagutin nang berbal ang susunod na tanong. Maaaring masyadong personal ang mga sagot upang ibahagi.

  • Kailan ka nagkaroon o ang isang kakilala mo ng dahilan na sabihin sa Panginoon, “Maawa ka sa amin, at tulungan mo kami”?

  • Mula sa iyong mga karanasan, ano ang alam mo tungkol sa kahandaan ng Panginoon na magpakita ng awa?

  • Bakit nagagawa ni Jesucristo na maawa sa bawat isa sa atin?

Basahin ang Marcos 9:23–27 upang malaman ang sumunod na nangyari. Maaari mong markahan ang anumang salita, parirala, o katotohanan na sa palagay mo ay mahalagang tandaan.

  • Ano ang sinabi ng Tagapagligtas sa amang ito nang humingi ito ng tulong?

  • Ano ang pinakanapansin mo sa tugon ng ama sa Tagapagligtas sa talata 24 ?

  • Ano ang mga naranasan mo na nakatulong sa iyo na sabihing, “Panginoon, nananampalataya ako”?

Binigyang-diin ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mahahalagang katotohanang matututuhan natin mula sa salaysay na ito:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Nang magkaroon ng hamon sa pananampalataya, ginawa muna ng ama ang kanyang magagawa at saka niya kinilala ang kanyang limitasyon. Sumagot muna siya ng oo at walang pag-aatubiling sinabing: “[Panginoon,] nananampalataya ako.” Sasabihin ko sa lahat ng nais maragdagan ang pananampalataya, alalahanin ang lalaking ito! Sa mga sandali ng takot o pag-aalinlangan o problema, panindigan ang inyong pananampalataya, kahit limitado pa iyon. … Manangan nang mahigpit sa nalalaman na ninyo at manindigan hanggang sa dumating ang karagdagang kaalaman. …

… Kapag kayo ay nag-aalinlangan o nahihirapan, huwag matakot na humingi ng tulong. … Magpapadala ang Diyos ng tulong mula sa magkabilang panig ng tabing upang patatagin ang ating paniniwala.

(Jeffrey R. Holland, “Panginoon, Nananampalataya Ako,” Ensign o Liahona, Mayo 2013, 93–94)

  • Ano ang matututuhan natin mula sa salaysay na ito sa banal na kasulatan at sa mga turo ni Elder Holland?

Ang isang katotohanan na matututuhan natin mula sa talang ito ay kapag pinili nating maniwala sa Ama sa Langit at humingi ng tulong sa Kanya sa pamamagitan ng panalangin, tutulungan Niya tayong palakasin ang ating pananampalataya kay Jesucristo.

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “panindigan ang inyong pananampalataya” at “manangan nang mahigpit sa nalalaman na ninyo”?

Ang isang paraan upang “panindigan ang inyong pananampalataya” at “manangan nang mahigpit sa nalalaman na ninyo” ay alalahanin at umasa sa mga nakaraang karanasan na nagpalakas sa iyong pananampalataya. Inilarawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga karanasang ito:

Official Portrait of Elder Jeffrey R. Holland. Photographed January 2018.

Kasama ng mapayapang patnubay na natatanggap natin mula sa Espiritu Santo, paminsan-minsan, makapangyarihan at napakapersonal na tinitiyak ng Diyos sa ating lahat na kilala at mahal Niya tayo at na pinagpapala Niya tayo nang personal at hayagan. …

… Kapag pinadidilim ng personal na paghihirap, pagdududa, o panghihina ng loob ang ating landas,… ang mga alaala na espirituwal na nagpapatibay… ay parang kumikinang na mga bato na nililiwanagan ang daang tinatahak natin, na tinitiyak sa atin na kilala tayo ng Diyos, mahal Niya tayo, at isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang tulungan tayong makauwi.

(Neil L. Andersen, “Mga Alaala na Espirituwal na Nagpapatibay,” Ensign o Liahona, Mayo 2020, 19, 21)

Sa iyong study journal o sa isang piraso ng papel, ibakat ang isang kamay mo. Sa gitna ng bakat na ito, isulat ang pariralang “Panginoon, nananampalataya ako” na kakatawan sa pagtangan sa nalalaman mo na. Sa paligid ng pariralang ito, ilista sa maikling detalye ang mga dahilan kung bakit alam o pinaniniwalaan mo na “kilala [ka] ng Diyos, mahal [ka] ng Diyos, at isinugo Niya ang Kanyang Anak na si Jesucristo upang tulungan [kang] makauwi.”

Sa halip na bakatin ang kanilang mga kamay, maaaring itala lamang ng mga estudyante sa kanilang journal ang mga dahilan kung bakit naniniwala sila sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Maaari nilang isama ang mga naging espirituwal na karanasan nila. Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang isinulat nila, kung angkop, at ang kanilang mga sagot sa sumusunod na tanong.

  • Paano makatutulong sa iyo ang pag-alala sa mga karanasang ibinigay na ng Diyos sa iyo at sa mga aral na itinuro na Niya sa iyo upang mapalakas ka sa mahihirap na sitwasyon?

Pag-isipang mabuti kung ano ang gagawin mo, o patuloy mong gagawin, upang magkaroon ng mga karanasan na tutulong sa iyong malaman na kilala at mahal ka ng Diyos.

Maaari kang magtapos sa pamamagitan ng pagpapatotoo, o pag-anyaya sa isang estudyante na magpatotoo, tungkol sa kung paano tayo pinalalakas ng Tagapagligtas sa ating mga paghihirap, at kung paano Niya tayo ginagantimpalaan sa anumang taos-pusong pagsisikap na magtiwala sa Kanya.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Marcos 9:29. Ano ang ibig sabihin ng Tagapagligtas nang sabihin Niyang, “Ang ganitong uri ay napapalayas lamang sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno”?

Ang pag-aayuno at panalangin ay makapag-aanyaya ng higit pang espirituwal na lakas mula sa Panginoon. Ang ilang hamon, tulad noong tangkain ng mga Apostol na palayasin ang maruming espiritu, ay maaaring mangailangan ng higit na kapangyarihang iyon. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Ang magiliw na kapangyarihan ng panalangin ay mapapalakas sa pamamagitan ng pag-aayuno… kapag angkop sa isang partikular na pangangailangan” (“Magiliw na Kapangyarihan ng Panalangin,” Ensign o Liahona, Mayo 2003, 7).

Saan ko matututuhan pa ang tungkol sa pananampalataya at pagdududa?

Itinuro ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol ang mga karagdagang katotohanan tungkol sa pagpapalakas ng pananampalataya at pagtugon sa mga pagdududa. Para marinig ang ilan sa mga karagdagang katotohanang ito, maaari mong panoorin ang video na “Panginoon, Nananampalataya Ako” mula time code na 5:57 hanggang 10:28.

14:43

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Isang alternatibong paraan upang simulan ang lesson

Kalaunan, maaaring tapusin ng mga estudyante ang panonood ng video bago kumpletuhin ang aktibidad na pagbabakat ng kamay.

3:5
5:55

Panalangin at pag-aayuno

Ang isa pang paraan upang mahikayat ang mga estudyante na palakasin ang kanilang pananampalataya kay Jesucristo ay matatagpuan sa Marcos 9:28–29 . Ipinaliwanag ng Tagapagligtas sa talata 29 na hindi maitaboy ng Kanyang mga disipulo ang diyablo dahil sa kakulangan nila ng pananampalataya. Maaari mong sabihin sa mga estudyante na pag-aralan ang mga talatang ito at maghanap ng alituntuning tulad ng sumusunod: Mapapalakas natin ang ating pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng panalangin at pag-aayuno. Maaaring talakayin ng mga estudyante kung bakit ipinagkakaloob lamang ng Panginoon ang ilang pagpapala dahil sa panalangin at pag-aayuno. Ang pahayag tungkol sa panalangin at pag-aayuno sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ay maaari ding gamitin bilang bahagi ng talakayang ito.