Mateo 15–17; Marcos 7–9
Buod
Pinagsalitaan ni Jesus ang mga eskriba at Fariseo na ginagamit ang tradisyon bilang dahilan upang labagin ang mga kautusan ng Diyos. Nagpatotoo si Pedro tungkol kay Jesus, na natanggap niya sa pamamagitan ng paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo. Nangako ang Tagapagligtas na ibibigay kay Pedro ang mga susi ng priesthood, na ibinigay Niya kalaunan kina Pedro, Santiago, at Juan sa Bundok ng Pagbabagong-anyo. Pinagaling ni Jesus ang anak ng isang lalaki na nagpahayag ng kanyang pananalig sa Tagapagligtas.
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mateo 15:1–9
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na malaman kung alin sa mga tradisyon nila ang tumutulong sa kanila na maging higit na katulad ni Jesucristo, at kung alin ang maaaring naghihiwalay sa kanila mula sa Kanya.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang kanilang mga tradisyon, o ang kanilang “mga paniniwala at kaugalian na nagpasalin-salin sa bawat sali’t salinlahi” (Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “ Kaugalian, Mga ,” scriptures.ChurchofJesusChrist.org), at kung bakit maaaring ginagawa nila ang mga ito. Maaaring makatulong sa mga estudyante na isama ang kanilang pamilya sa aktibidad sa paghahandang ito.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga papel o study journal
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Maaari mong gamitin ang whiteboard feature upang ipasuri sa mga estudyante ang iba’t ibang tradisyon sa halip na sa kanilang journal lamang. Hayaang isulat ng mga estudyante ang mga tradisyon sa whiteboard at magbigay ng komento sa whiteboard na ito sa buong oras ng lesson.
Mateo 16:13–18
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan at madama ang kahalagahan ng pagtanggap ng patotoo tungkol kay Jesucristo mula sa Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pumasok sa klase na handang ibahagi kung paano makagagawa ng kaibahan sa buhay ng isang tao ang pagkakaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel; mga naka-print na kopya ng mensahe ni Elder Ronald A. Rasband na “Magtayo ng Isang Muog ng Espirituwalidad at Proteksyon” (Ensign o Liahona, Mayo 2019, 107–10) para sa mga estudyanteng pipiliing gawin ang aktibidad C at walang access sa mensahe sa isang electronic device
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong hilingin sa isa o dalawang estudyante na mag-anyaya ng isang malapit na kaibigan o kapamilya na dumalo sa isang bahagi ng klase at ibahagi nila kung paano sila nagkaroon ng patotoo tungkol kay Jesucristo at kung bakit ito mahalaga sa kanila.
Mateo 16:18–19; 17:1–7
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maunawaan ang kahulugan ng mga susi ng priesthood at ang kahalagahan nito sa plano ng kaligtasan ng Diyos.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng isang susing ginagamit nila at dumating na handang ibahagi kung para saan ang susi, kung bakit ito mahalaga, at kung ano ang mangyayari kung mawawala ito. Kung gusto nila, maaaring dalhin ng mga estudyante ang kanilang mga susi sa klase.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference:Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na magdala ng kahit isang susi o isang set ng mga susi at ilarawan kung paano ginagamit ang mga ito at kung bakit mahalaga ang mga ito. Maaari itong gawin sa simula ng lesson upang matulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang mga susi ng priesthood.
Doctrinal Mastery: Mateo 16:15–19
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay magbibigay sa mga estudyante ng pagkakataong madagdagan ang kanilang kaalaman sa doktrinang ito habang isinasaulo nila ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan, ipinapaliwanag ang doktrina, at ginagamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang makatotohanang sitwasyon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng mga paraan kung paano napagpapala ang kanilang buhay ng mga susi ng priesthood.
-
Handout: Ang handout na may maraming susi. Maaari mong bigyan ng gunting ang mga estudyante upang gupitin ang mga ito, o gupitin nang maaga ang mga susi.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang mag-anyaya ng isang lokal na priesthood leader na may hawak ng mga susi ng priesthood na pumunta sa klase at sumagot ng mga tanong tungkol sa mga susi ng priesthood at magbahagi ng mga karanasang makatutulong sa mga estudyante na maunawaan ang kahalagahan ng mga ito. Maaari ding tulungan ng priesthood leader ang mga estudyante na gawin ang pagsasanay sa pagsasabuhay.
Marcos 9:14–29
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay tutulong sa mga estudyante na suriin ang kanilang pananampalataya sa Panginoon at humingi ng paghahayag tungkol sa kung paano nila ito mapalalakas.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na pag-isipan ang mga karanasan na nagpalakas ng kanilang pananampalataya kay Jesucristo. Maaari din silang magtanong sa ibang tao tungkol sa sarili nilang karanasan na nagpapalakas ng pananampalataya.
-
Video: “Panginoon, Nananampalataya ako” (14:43; manood mula sa time code na 1:12 hanggang 2:59 at, kung gusto mo, mula sa time code na 5:57 hanggang 10:28)
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga papel o study journal