Doctrinal Mastery: Mateo 16:15–19
Sinabi ni Jesus, “Ibibigay ko sa Iyo ang mga Susi ng Kaharian”
Sa nakaraang lesson, natutuhan mo ang kahalagahan ng mga susi ng priesthood at kung paano ipinagkatiwala ng Tagapagligtas ang Kanyang mga susi sa mga propeta sa lupa. Bibigyan ka ng lesson na ito ng pagkakataong madagdagan ang iyong kaalaman sa doktrinang ito habang isinasaulo mo ang reperensya at mahalagang parirala sa banal na kasulatan, ipinapaliwanag mo ang doktrina, at ginagamit mo ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa isang makatotohanang sitwasyon.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Ipaliwanag
Isipin kunwari na narinig ng isang taong kakilala mo ang salitang “mga susi ng priesthood” ngunit hindi ito naunawaan. Gamit ang Mateo 16:15–19 , ipaliwanag kung ano ang mga susi ng priesthood at kung bakit mahalaga ang mga ito. Kung maaari, ibahagi ang iyong paliwanag sa isang kaibigan o kapamilya. Maaari ding makatulong na basahin ang ilan sa mga pahayag sa mga bahagi 3.0–3.4.1.1 ng Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa ChurchofJesusChrist.org o sa Gospel Library app.
Isulat ang iyong paliwanag tungkol sa mga susi ng priesthood. Kung naibahagi mo ang iyong paliwanag sa ibang tao, magbigay ng maikling paglalarawan kung ano ang nangyari.
Isaulo
Magsanay na maisaulo ang mahahalagang parirala sa banal na kasulatan para sa Mateo 16:15–19 : “Sinabi ni Jesus, ‘Ibibigay ko sa iyo ang mga susi ng kaharian.’” Kung maaari, i-print ang sumusunod na handout at gupitin ang bawat susi. Bilang alternatibo, gumuhit ng mga susi sa isang papel, at gupitin ang mga ito. Sumulat ng isang salita ng parirala sa bawat susi. Isulat din ang reperensyang banal na kasulatan ng doctrinal mastery, Mateo 16:15–19 , sa isang susi. Paghalu-haluin ang mga susi, at subukang ibalik ang mga ito sa tamang pagkakasunud-sunod. Ulitin ang aktibidad na ito nang maraming beses hanggang sa maisaulo mo ang reperensyang banal na kasulatan at parirala. Maaari mong orasan ang iyong sarili at sikaping bumilis pa sa bawat paggawa mo nito.
Pagsasabuhay
Maglaan ng oras upang rebyuhin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga talatang 5–12 ng Doctrinal Mastery Core Document (2022) bago magpatuloy sa aktibidad sa pagsasabuhay.
May nakikitang video sa social media ang kaibigan mong si Vanya kung saan binabatikos ng isang miyembro ng Simbahan ang doktrina ng Simbahan. Matalino at mapanghikayat ang miyembrong ito at nananawagan siya sa Simbahan na baguhin ang ilang doktrina. Ginagamit din niya ang mga banal na kasulatan upang suportahan ang kanyang mga pananaw. Hindi sigurado si Vanya kung ano ang iisipin o paano tutugon.
-
Ano kaya ang mga tanong o alalahanin ni Vanya?
Pinadalhan ka ni Vanya ng text message na humihingi ng tulong. Isipin kung paano ka tutugon upang malutas ang kanyang alalahanin.
Sumulat ng tatlong text message kay Vanya. Isama ang sumusunod:
-
Text 1: Mga katotohanan tungkol sa kung paano ginagamit ng Panginoon ang mga propeta at mga susi ng priesthood sa plano ng kaligtasan na makatutulong kay Vanya na masuri ang sitwasyong ito nang may walang-hanggang pananaw.
-
Text 2: Sources na itinalaga ng Diyos na magagamit ni Vanya upang matuto pa tungkol sa mga propeta at mga susi ng priesthood. (Magsama ng kahit isang partikular na banal na kasulatan o pahayag ng propeta.)
-
Text 3: Mga mungkahi kung paano magagawa ni Vanya na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo sa kanyang pagsulong. Kung maaari, magsama ng personal na karanasan na nauugnay sa mga susi ng priesthood at kung paano nakatulong sa iyo ang paggamit ng mga susing iyon na mas mapalapit kay Jesucristo.