Apocalipsis 15–22
Buod
Inilarawan nang malinaw ni Juan na Tagapaghayag ang pagkawasak at kasamaan na pupuno sa mundo sa ipinropesiyang mga huling araw. Sa mga huling tagpo ng kanyang dakilang paghahayag, nakita niya “ ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa” at isang banal na lunsod na bumababa mula sa langit (tingnan sa Apocalipsis 21:1–2). Nagpatotoo siya na ang Diyos ay “maninirahang kasama” ng mga tao sa lunsod na ito, “at sila’y magiging bayan niya” ( Apocalipsis 21:3).
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa mga titser ng mga ideya tungkol sa kung ano ang kailangang ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Apocalipsis 15–19
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na umasa kay Jesucristo nang mas may kumpiyansa sa pagharap nila sa mga hamon sa mga huling araw.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang nalalaman nila tungkol sa mga pagsubok sa mga huling araw at ang mga dahilan kung bakit sila makaaasa kay Jesucristo.
-
Mga Handout: “Mga anghel at mga salot,” “Kasamaan at ang kapangyarihan ng Tagapagligtas,” at “Kasal ng Kordero”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Hatiin ang klase sa mga breakout room para sa mga opsiyon sa aktibidad na A, B, at C. Maaaring payagan ang mga estudyate na pumili ng kanilang opsiyon, o maaari silang igrupo nang random. Bisitahin ang bawat breakout room paminsan-minsan upang maobserbahan ang tinatalakay ng mga estudyante at tulungan sila kung kinakailangan. Kapag natapos na ang mga breakout room, maaaring makatulong na ibahagi sa buong klase ang ilan sa mga kaalamang tinalakay ng bawat grupo.
Apocalipsis 20:11–15
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na mas maunawaan ang Huling Paghuhukom at maghandang magkaroon ng magandang karanasan sa pagharap kay Jesucristo sa araw na iyon.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Apocalipsis 20:12 at pumasok sa klase na may mga inihandang tanong nila tungkol sa Huling Paghuhukom.
-
Larawang ipapakita: Ang larawan ng Huling Paghuhukom na matatagpuan sa itaas ng lesson
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Mga kopya ng mga pahayag sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” na maaaring maging kapaki-pakinabang
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Hikayatin ang mga estudyante na gamitin ang chat feature upang ibahagi ang mga tanong nila tungkol sa Huling Paghuhukom. Dahil dito makikita ng iba pang mga estudyante ang mga tanong ng kanilang mga kaklase habang pinag-iisipan nila ang mga tanong na gusto nilang saliksikin pa.
Doctrinal Mastery: Apocalipsis 20:12
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maisaulo ang doctrinal mastery reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Apocalipsis 20:12 , maipaliwanag ang doktrina, at maipamuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na rebyuhin ang Apocalipsis 20:12 at maghandang ibahagi sa klase ang natutuhan nila tungkol sa Huling Paghuhukom at kung paano tayo makapaghahanda para dito.
-
Content na ipapakita: Ang limang tanong na tutulong sa mga estudyante na maipaliwanag ang doktrina
-
Paglalahad ng mga estudyante: Maaari mong sabihin sa tatlong estudyante bago magklase na rebyuhin ang isa sa mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at maghandang magbahagi ng maikling buod ng alituntuning iyon bilang bahagi ng lesson.
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari kang gumamit ng whiteboard feature upang makapag-type ang mga estudyante ng mga bagay na natutuhan nila tungkol sa Huling Paghuhukom. Pagkatapos ay sabihin sa ilang estudyante na talakayin sa klase ang tungkol sa mga bagay na iyon na natutuhan nila.
Apocalipsis 21–22
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na tulungan ang mga estudyante na maunawaan na mahalagang pagsikapan ang pagkakataong makapiling ang Ama sa Langit at si Jesucristo sa kahariang selestiyal.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin kung ano kaya ang kalagayan sa kahariang selestiyal at kung bakit gugustuhin nila na manahin ito.
-
Handout: “Bakit mahalagang magsikap tayo para sa kahariang selestiyal”
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Maaari mong i-share ang iyong screen upang ipakita ang handout na “Bakit mahalagang magsikap tayo para sa kahariang selestiyal” upang mapag-aralan ng mga estudyante ang mga kasamang resource nang mag-isa. Sabihin sa mga estudyante na i-type sa chat ang kanilang mga sagot sa sitwasyon ngunit huwag pa itong isumite. Sabihin sa isang handang estudyante na isumite ang kanyang sagot, at sabihin sa iba pang estudyante na rebyuhin at talakayin ang sagot. Maaari itong ulitin nang isa o dalawa pang beses. Bilang alternatibo, maaaring isumite ng lahat ng estudyante ang kanilang mga sagot nang sabay-sabay, at maaaring pumili ang mga estudyante ng mga sagot na gusto nila at ibahagi kung bakit nila nagustuhan ito.
I-assess ang Iyong Pagkatuto 12
Layunin ng lesson: Layunin ng lesson na ito na tulungan ang mga estudyante na suriin ang mga mithiing itinakda nila at ang pag-unlad na naranasan nila sa kanilang pag-aaral ng Bagong Tipan.
-
Paghahanda ng estudyante: Habang kinukumpleto ng mga estudyante ang pag-aaral nila ng Bagong Tipan, sabihin sa kanila na gumawa ng listahan ng tatlo hanggang limang pinaka-nakaimpluwensyang scripture passage na napag-aralan nila sa taong ito.
-
Content na ipapakita: Ang mga tagubilin para sa mga aktibidad A at B
-
Larawang ipapakita: Ang larawan ni Pablo na nagpapatotoo sa harapan ni Haring Agripa
-
Mungkahi sa pagtuturo sa pamamagitan ng videoconference: Kapag nagsimulang magsulat ang mga estudyante ng mga liham, maaaring mainam na anyayahan silang panatilihing naka-on ang kanilang mga camera. Magbibigay ito ng pagkakataon na maobserbahan ang kanilang mga ginagawa at makita kapag malapit na nilang matapos ang gawain.