Seminary
Apocalipsis 20:11–15


Apocalipsis 20:11–15

Ang Huling Paghuhukom

Resurrected Christ with arms outstretched stands above a throng of people of all races and times, some prone, some standing. The people on the right side of Christ are in the attitude of worship. The people on the left side of Christ are in anguish. Scenes of ruin are in the foreground and background. The Washington D.C. temple is pictured in the upper left corner.

Naisip mo na ba kung ano ang mangyayari sa Huling Paghuhukom? Ipinropesiya ni Apostol Juan ang dakilang araw na iyon. Layunin ng lesson na ito na tulungan kang mas maunawaan ang Huling Paghuhukom at maghandang magkaroon ng magandang karanasan sa pagharap kay Jesucristo sa araw na iyon.

Pag-obserba sa mga nadarama ng mga estudyante. Maging mapagmasid sa mga estudyante na maaaring mabalisa kapag tinalakay ang ilang partikular na katotohanan ng ebanghelyo. Sa buong lesson, humanap ng mga paraan upang matiyak sa kanila ang pagmamahal at habag ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Apocalipsis 20:12 at pumasok sa klase na handa sa mga tanong nila tungkol sa Huling Paghuhukom.

Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral

Ang Huling Paghuhukom

Maaari mong idispley ang larawan sa simula ng lesson.

  • Ano sa palagay mo ang madarama ng iba’t ibang tao sa Huling Paghuhukom? Bakit?

  • Paano mo kaya malalaman kung handa ang isang tao para sa araw na iyon?

  • Sa anong mga paraan tayo tinutulungan ni Jesucristo na maghanda para sa araw na iyon?

Sa iyong study journal, isulat ang inaasahan mong maiisip at madarama mo kapag nakatayo ka sa harapan ng Diyos upang hatulan. Gaano ka kahanda sa palagay mo?Mahal tayo ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at nais Nila na mapuspos tayo ng kapayapaan at kagalakan sa Araw ng Paghuhukom. Nakikipag-usap Sila sa atin sa pamamagitan ng mga banal na kasulatan at sa pamamagitan ng mga makabagong lider ng Simbahan upang ituro sa atin kung ano ang mangyayari sa Paghuhukom at kung paano ito paghahandaan.

Matapos makita ang pangitain tungkol sa Milenyo (tingnan sa Apocalipsis 20:1–3) at Pagkabuhay na Mag-uli ng mabubuti (tingnan sa Apocalipsis 20:4–6), nakita ni Juan ang Huling Paghuhukom. Basahin ang Apocalipsis 20:11–12 , at alamin ang inihayag ng Diyos kay Apostol Juan tungkol sa Huling Paghuhukom.

  • Anong mga katotohanan ang natutuhan mo mula kay Juan tungkol sa Huling Paghuhukom?

Ang isang katotohanang matututuhan natin mula sa scripture passage na ito ay hahatulan tayo ng Diyos batay sa mga aklat na isinulat ayon sa ating mga gawa.

Mga Tanong tungkol sa Huling Paghuhukom

Sa iyong study journal, isulat ang mga tanong mo tungkol sa scripture passage na ito o sa iba pang bagay na gusto mong mas maunawaan pa tungkol sa Huling Paghuhukom.

Maaari mong sabihin sa mga estudyante na ibahagi sa klase ang ilan sa mga tanong nila.

Maglaan ng ilang minuto upang maghanap ng mga sagot sa iyong mga tanong. Maaari mong piliing maghanap ng mahahalagang salita sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan. O maaari kang maghanap sa SimbahanniJesucristo.org o sa Gospel Library app. Narito ang ilang tanong at iminungkahing resource na maaari mong isama sa iyong pag-aaral:

Habang nag-aaral ang mga estudyante, maaari kang maglibot sa buong silid at alamin kung sino ang maaaring nangangailangan ng tulong. Kung makatutulong, maaari kang mag-aral sandali nang tahimik kasama ang isa o dalawang estudyante at magbahagi ng anumang makatutulong na pahayag na matatagpuan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson.

Hikayatin ang mga estudyante na isulat ang natutuhan nila sa kanilang study journal o sa kanilang mga banal na kasulatan malapit sa Apocalipsis 20:12 . Maaari din nilang isulat sa kanilang mga banal na kasulatan ang mga tanong at resource na tumutulong sa pagsagot sa mga tanong na iyon.

Para sa pagkakaiba-iba, maaaring idispley ang sumusunod na apat na tanong sa iba’t ibang bahagi ng silid na may mga iminungkahing resource na nakalista sa ilalim ng bawat tanong. Pagkatapos ay maaaring magtipon ang mga estudyante sa tanong na pinili nila at pag-aralan ito kasama ng kanilang mga kaklase. Bilang alternatibo, maaaring isulat ang bawat isa sa apat na tanong sa isang sobreng may mga nakasulat na resource sa isang pirasong papel sa loob nito. Ang mga sobreng ito ay maaaring ilagay sa harapan ng silid. Pipili ang mga estudyante ng sobreng may tanong na interesado sila, pag-aaralan ito gamit ang mga iminungkahing resource na nasa loob nito, at pagkatapos ay ibabalik ang sobre at pipili ng ibang sobre. (Maaaring kinakailangang maghanda ng ilang sobre para sa bawat tanong.)

1. Ano ang ilan sa mga aklat na nakita ni Juan na ginamit ng Panginoon sa paghatol?

Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Aklat ng Buhay”

Doktrina at mga Tipan 128:6–7

3 Nephi 27:24–26

2. Sino mismo ang ating magiging Hukom, at bakit Siya ang pinakakarapat-dapat na humatol sa atin?

Juan 5:22

3 Nephi 27:14–15

1 Samuel 16:7

3. Ano ang pagbabatayan ng paghatol sa atin?

Doktrina at mga Tipan 137:9

Mosias 4:30

Tingnan ang pahayag ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan sa bahaging “Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon” ng lesson.

4. Paano ako magiging handa para sa Huling Paghuhukom?

3 Nephi 27:16–20

Apocalipsis 20:13, 15 ; 22:11–12

Sabihin sa mga estudyante na ibahagi ang natutuhan nila sa klase. Ang ilan sa mga sumusunod na tanong ay magagamit upang makatulong sa talakayan.

  • Ano ang natutuhan mo tungkol sa Huling Paghuhukom?

  • Paano maaaring makaapekto sa ating mga ginagawa ang pag-unawa at paniniwala sa doktrinang ito?

  • Alin sa mga katangian ng Tagapagligtas ang tumutulong sa iyo na magtiwala sa Kanya bilang iyong Hukom? Paano ka Niya matutulungang maghanda para sa Huling Paghuhukom?

Ang aklat ng iyong buhay

Basahin muli ang Apocalipsis 20:12 at maaari mong markahan ang pariralang “ang aklat ng buhay.” Tungkol dito, ang aklat ng buhay ay talaan ng buhay ng bawat tao.

Para sa sumusunod na aktibidad, maaari kang magsulat sa pisara ng isang halimbawa upang maging sanggunian ng estudyante.

Kung gumagamit ang mga estudyante ng mga hiwalay na piraso ng papel sa halip na kanilang study journal, maaari nilang itupi ang kanilang papel sa kalahati upang mas magmukha itong aklat. Pagkatapos ay maaari nilang lagyan ng label ang pabalat ng aklat na “Ang Aking Aklat ng Buhay.”

Isulat ang pamagat na “Ang Aking Aklat ng Buhay” sa itaas ng isang blangkong pahina sa iyong study journal, at pagkatapos ay hatiin ang pahina sa dalawang column. Lagyan ang kaliwang column ng label na “Masaya ako na ginawa ko,” at ilista sa column na iyon sa iyong aklat ng buhay ang mga partikular na bagay na ipinagpapasalamat mong mayroon ka. Maaaring kabilang dito ang:

  • Mga ordenansang natanggap mo.

  • Mabubuting ginawa mo.

  • Ang iyong mabubuting hangarin.

  • Ang pag-unlad ng iyong ugnayan kay Jesucristo.

Ilarawan sa isipan kung gaano kasayang madama balang-araw na rerebyuhin ng Tagapagligtas sa iyo ang talaan ng iyong kabutihan!

Ngayon, lagyan ang kanang column ng pahina ng label na “Gusto ko.” Isulat o kahit pag-isipan lang ang mabubuting gawa at ordenansa na gusto mong idagdag sa iyong aklat bago ang Paghuhukom. Magsama rin ng mga pinili mo at pag-uugali mo na gusto mong burahin mula sa aklat ng buhay sa pamamagitan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo.

Ginawang posible ng Tagapagligtas na mabago ang nakatala tungkol sa iyo sa aklat ng buhay. Basahin sa Doktrina at mga Tipan 58:42–43 ang mga ipinangako Niya sa mga taong taos-pusong nagsisisi.

  • Paano nakakaapekto ang mga pangakong ito sa nadarama mo tungkol sa Huling Paghuhukom at tungkol sa ating Hukom?

Sinabi ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf, na noon ay kabilang sa Unang Panguluhan:

Official portrait of Elder Dieter F. Uchtdorf of the Quorum of the Twelve Apostles, 2006. Called as Second Counselor in the First Presidency, 3 February 2008. Made official portrait in 2008 replacing portrait taken in 2004.

Ang Araw ng Paghuhukom na iyan ay magiging araw ng awa at pagmamahal—isang araw na mapagagaling ang mga bagbag na puso, mapapalitan ng luha ng pasasalamat ang mga luha ng pagdadalamhati, at maitatama ang lahat.

Oo, magkakaroon ng matinding pagdadalamhati dahil sa kasalanan. Oo, magkakaroon ng panghihinayang at maging ng paghihinagpis dahil sa ating mga pagkakamali, kahangalan, at pagmamatigas na naging dahilan para mawala sa atin ang mga oportunidad para sa mas magandang bukas.

Ngunit tiwala ako na hindi lamang tayo masisiyahan sa kahatulan ng Diyos; tayo ay manggigilalas at mapupuspos din dahil sa Kanyang walang-katapusang biyaya, awa, kabaitan, at pagmamahal sa atin, na Kanyang mga anak.

(Dieter F. Uchtdorf, “O Kaydakila ng Plano ng Ating Diyos!Liahona, Nob. 2016, 21)

Isipin kung ano ang nahihikayat kang gawin upang makapaghandang humarap sa Tagapagligtas sa Araw ng Paghuhukom.

Magpatotoo na ang Huling Paghuhukom ay magiging napakagandang karanasan para sa lahat ng nagsisisi sa kanilang mga kasalanan at patuloy na nagsisikap na palakasin ang kanilang pananampalataya sa Tagapagligtas.

Komentaryo at Pinagmulang Impormasyon

Paano ko maihahanda ang aking sarili para sa paghuhukom na inaasam ko?

Ipinaliwanag ni Pangulong Russell M. Nelson:

Official portrait of President Russell M. Nelson taken January 2018

Bawat isa sa inyo ay hahatulan ayon sa inyong indibiduwal na mga gawa at hangarin ng inyong puso. … Ang paglalagay sa inyo sa huli sa kahariang selestiyal, terestriyal, o telestiyal ay hindi dahil nagkataon lamang. Ang Panginoon ay nagbigay ng mga di-nagbabagong kinakailangan para sa bawat isa. Malalaman ninyo kung ano ang itinuturo ng mga banal na kasulatan, at maiaayon ninyo ang inyong buhay sa mga ito.

(Russell M. Nelson, “Constancy amid Change,” Ensign, Nob. 1993, 35)

Sinabi ni Pangulong Dallin H. Oaks ng Unang Panguluhan:

Official Portrait of President Dallin H. Oaks taken March 2018.

Ang Huling Paghuhukom ay hindi lamang pagsusuri ng kabuuan ng mga nagawang mabuti at masama—kung ano ang ating nagawa. Ito ay pagkilala sa huling epekto ng mga pag-iisip at gawa natin—ang kung ano ang kahihinatnan natin. Hindi sapat para sa sinuman na basta gumawa lang. Ang mga kautusan, ordenansa, at tipan ng ebanghelyo ay hindi parang listahan ng mga depositong kailangang ilagak sa bangko ng langit. Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay isang plano na nagpapakita kung paano tayo magiging tulad ng ninanais ng ating Ama sa Langit na kahinatnan natin.

(Dallin H. Oaks, “The Challenge to Become,” Ensign, Nob. 2000, 32)

Paano naging karapat-dapat si Jesucristo na maging Hukom natin?

Itinuro ni Elder Richard G. Scott (1928–2015) ng Korum ng Labindalawang Apostol:

Final official portrait of Elder Richard G. Scott of the Quorum of the Twelve Apostles, 2004. Passed away 22 September 2015.

Pinatototohanan ko na sa pamamagitan ng di-masayod na paghihirap at walang kapantay na pagdurusa, nakamtan ng Tagapagligtas ang karapatan na maging ating Manunubos, ating Tagapamagitan, ating Huling Hukom.

(Richard G. Scott, “Matitiyak ng Pagbabayad-sala ang Inyong Kapayapaan at Kaligayahan,” Liahona, Nob. 2006, 42)

Mga Karagdagang Aktibidad sa Pag-aaral

Si Jesucristo ang perpektong Hukom

Upang matulungan ang mga estudyante na maunawaan na ang huling paghuhukom ng mga tao ay kailangang ipaubaya kay Jesucristo, sabihin sa klase na gumawa ng ilang detalye ng buhay ng isang tao na kathang-isip lamang. Maaaring kabilang sa mga detalye ang mga katungkulan niya sa Simbahan, gaano siya kahusay sa paaralan, ang kanyang pagkatao, at ang ilan sa kanyang mga lakas at kahinaan.

Pagkatapos ay itanong sa mga estudyante kung komportable silang magpasiya kung anong kaharian ng kaluwalhatian ang dapat puntahan ng taong ito na kathang-isip lamang. Itanong kung ano pa ang kailangan nilang malaman upang makagawa ng perpektong paghatol.

Sabihin sa mga estudyante na talakayin ang nalalaman ng Tagapagligtas tungkol sa atin na nagtutulot sa Kanya na gumawa ng perpektong paghatol tungkol sa ating buhay. Itanong kung bakit sila nagpapasalamat na malaman na Siya ang kanilang magiging personal na Hukom.

Igagapos si Satanas sa panahon ng Milenyo

Maaari kang magpakita ng isang tanikala o larawan ng isang tanikala o kadena. Sabihin sa mga estudyante na basahin ang Apocalipsis 20:1–3 , at hanapin ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong:

  • Sino ang iginapos sa tanikala sa mga talatang ito?

  • Gaano siya katagal igagapos?

  • Ano ang hindi na niya magagawa?

Ipabasa sa mga estudyante ang 1 Nephi 22:26 para makita ang isang dahilan kung bakit igagapos si Satanas.

Itinuro ni Pangulong Spencer W. Kimball (1895–1985) na “kapag iginapos si Satanas sa isang tahanan—kapag iginapos si Satanas sa buhay ng isang tao—nagsimula na ang Milenyo sa tahanang iyon, sa buhay na iyon” (The Teachings of Spencer W. Kimball, ed. Edward L. Kimball [1982], 172).

Ipabasa sa mga estudyante ang Alma 48:11–13, 17 upang makakita ng halimbawa ng isang mabuting tao na “iginapos” na ang impluwensya ni Satanas sa kanyang buhay.

Sabihin sa mga estudyante na pagnilayan kung paano sila babaling sa Panginoon at kung paano nila mababawasan ang impluwensya ni Satanas sa kanilang buhay.