Mga Bata at Kabataan
Isang Huwaran sa Pag-unlad


“Isang Huwaran sa Pag-unlad,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata (2019)

“Isang Huwaran sa Pag-unlad,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata

Isang Huwaran sa Pag-unlad

Ang huwarang ito ay makakatulong sa iyo na umunlad sa apat na aspeto na pinaunlad ni Jesus (tingnan sa Lucas 2:52).

alamin, planuhin, isagawa, pagnilayan

Alamin

mga kabataan na nagsisiyasat

Binigyan ka ng Ama sa Langit ng mga kaloob at talento. Maaari mong ipagdasal na malaman kung ano ang mga iyon at ano ang mapapaunlad mo ngayon.

Maghanap ng mga ideya sa mga pahina 44–61.

Planuhin

mga kabataan na gumagamit ng mapa

Matapos mong malaman kung paano mo gustong umunlad, magdasal at sabihin sa pamilya mo kung paano ito gagawin. Gumawa ng plano. Makakatulong sa iyo ang mga magulang at lider mo.

Isagawa

mga kabataan na kasama ang mga magulang

Pagkatapos mong gawin ang plano mo, subukan ito! Gumawa ng maliliit na hakbang. Matuto kasama ng iba sa pamamagitan ng paglilingkod at mga aktibidad. Mag-enjoy! Magdasal para matulungan ka, at magbago ng plano kung kailangan. Magsikap pa!

Pagnilayan

mga kabataan na nagninilay-nilay

Pag-isipan ang natutuhan mo at kung paano ito nakatulong sa iyo na masunod si Jesus. Magdiwang! Pasalamatan ang Ama sa Langit sa pag-unlad mo. Maghanap ng mga paraan na magagamit mo ang natutuhan mo para paglingkuran ang iba. Patuloy na gawin ang ideyang ito, o pumili ng isang bagong gagawin!