Mga Bata at Kabataan
Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos


“Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata (2019)

“Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata

Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos

Nakapiling mo noon ang Ama sa Langit, na nakakaalam ng lahat ng bagay at minamahal ang bawat tao. Nais Niyang maging katulad ka Niya! Binigyan ka Niya ng katawan, kakayahan, at mga espirituwal na kaloob. Gusto Niya na malaman at mapaunlad mo at ng lahat ng Kanyang mga anak ang mga kaloob na ito. Binigyan Niya tayo ng plano para tulungan tayong maging masaya at mapagpala ang iba.

Larawan
langit at mga pamilya

Pumarito ka sa mundo mula sa langit. Bahagi ka ng isang pamilya.

Larawan
binyag

Nakipagtipan ka na susundin si Jesucristo noong bininyagan ka at kapag tumatanggap ka ng sakramento.

Larawan
kumpirmasyon

Noong kinumpirma ka, natanggap mo ang kaloob na Espiritu Santo na gagabay sa iyo.

Larawan
mga tao sa labas ng chapel

Magiging masaya at payapa ka kapag pinili mong mabuhay na tulad ng pamumuhay ni Jesus.

Larawan
mga tao na gumagawa ng mga aktibidad

Maaari kang matuto at umunlad. Maaari mong mahalin at paglingkuran ang iba tulad ng gagawin ni Jesus.

Larawan
nagtuturo si Jesus sa mga tao

Ipinadala ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo, upang maging halimbawa at gawing posible para sa iyo na magsisi at magbago.

Larawan
pamilya sa labas ng templo

Maaari kang gumawa ng mga tipan sa templo na tutulong sa iyo na muling makapiling ang Ama sa Langit.

Print