Mga Bata at Kabataan
Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay


“Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata (2019)

“Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata

Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay

Ang kasunod na mga pahina ay may mga ideya kung paano ka makasusunod sa Tagapagligtas at uunlad sa lahat ng aspeto ng iyong buhay. Hindi mo kailangang gamitin ang mga ito—ang pinakamagagandang ideya ay maaaring manggaling sa iyo! Ipanalangin kung ano ang magagawa mo ngayon.

May mahahanap ka pang mga ideya sa ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org.

espirituwal, pakikipagkapwa, pisikal, intelektuwal

Mga Ideya para sa Espirituwal na Pag-unlad

Ano ang Iyong mga Ideya?

kabataan na nagdarasal

Magbasa ng Aklat ni Mormon Araw-araw

tinedyer na nagbabasa ng mga banal na kasulatan

Ugaliing magbasa araw-araw, kahit ilang talata lang.

Maghandang Pumunta sa Templo

kabataan na nasa templo

Pag-aralan at ipamuhay ang “Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo” (pahina 63), at anyayahan ang iba na gawin din ang gayon.

Pag-aralan ang Mga Saligan ng Pananampalataya

kabataan na nagbibilang

Kabisaduhin ang mga Saligan ng Pananampalataya (pahina 62), at alamin kung ano ang kahulugan ng mga ito.

Gawing Mas Taimtim ang Iyong mga Panalangin

kabataan na nagbabasa

Bago ka manalangin, isipin kung ano ang pasasalamatan mo at kung saan mo kailangan ng tulong.

Pasalamatan ang Ama sa Langit para sa Iyong mga Pagpapala

checklist

Sumulat ng tatlong bagay na ipinagpapasalamat mo. Sikaping magsulat ng tatlong bagay bawat araw.

Panatilihing Banal ang Araw ng Sabbath

pamilya sa labas ng simbahan

Magpasiya kung ano ang maaari mong simulang gawin o tigilang gawin para gawing espesyal na araw ang Sabbath.

Paglingkuran ang Isang Tao

kabataan na naglilinis

Humanap ng mga paraan na matulungan ang isang tao sa iyong pamilya, sa paaralan, o sa simbahan.

Gumawa ng Family History

mga lolo’t lola

Sulatan ang isang lolo o lola, tiya o tiyo. Sabihin sa kanila na kuwentuhan ka ng pangyayari sa buhay nila noong kaedad ka nila.

Ibahagi ang Ebanghelyo

mga taong nag-uusap

Kausapin ang isang kaibigan tungkol sa ebanghelyo. Imbitahin ang kaibigan mo na pumunta sa simbahan o sa isang aktibidad.

Ituro ang Ebanghelyo

pamilya na nagbabasa

Ituro ang paborito mong banal na kasulatan sa iyong pamilya. Isadula ito o magdrowing ng mga larawan para makatulong sa pagtuturo mo.

Kumanta ng isang awitin sa Primary

tinedyer na tumutugtog ng gitara

Kumanta kasama ang isang kapamilya. Obserbahan ang nararamdaman mo kapag nakikinig ka ng magandang musika.

Mga Ideya para Umunlad sa Pakikipagkapwa

Ano ang Iyong mga Ideya?

kabataan na nagdarasal

Mag-aral ng tungkol sa Pamilya

pamilya na magkakasamang naglalakad

Basahin ang “Ang Mag-anak: Isang Pagpapahayag sa Mundo,” at sabihin sa iyong mga magulang ang tungkol sa mga natutuhan mo.

Magpakita ng Pagmamahal sa Iyong Pamilya

pamilya sa hapag-kainan

Gawan ng mabuting bagay ang iyong pamilya.

Isama ang Iba

kabataang naglalakad

Humanap ng mga paraan na makapag-ukol ng oras sa isang tao na ang pakiramdam ay hindi siya nababagay o kailangan ng iyong pakikipagkaibigan.

Pag-aralan ang Iba pang mga Kultura

kabataan na may kasamang liyama

Magbasa tungkol sa ibang mga kultura, makipag-usap sa mga tao mula sa ibang bansa, o pumunta sa isang kultural na pagdiriwang na malapit sa inyo.

Maglingkod sa Iyong Kapwa

kabataang nagtutupi ng mga damit

Kasama ang iyong mga magulang o lider, gumawa ng isang bagay sa iyong komunidad para matulungan ang mga taong nangangailangan.

Matutong Humingi ng Paumanhin at Magpatawad

kabataan na may pinsala

Isadula ang mga sitwasyon kung saan may isang taong kailangang humingi ng paumanhin o magpatawad. Praktisin kung paano sabihin ang nadarama mo at tumugon.

Alamin ang tungkol sa Iyong Komunidad

kabataan sa labas ng gusali ng hukuman

Bumisita sa istasyon ng pulis, istasyon ng bumbero, o iba pang mga nagseserbisyo sa komunidad. Alamin kung ano ang ginagawa nila, at pasalamatan sila sa kanilang serbisyo.

Magkaroon ng Bagong Kaibigan

kabataan na nasa duyan

Makipagkilala sa isang bagong kasalamuha, at yayain ang bagong kakilala na makipaglaro sa iyo.

Maging Mabait sa Pagsasalita

happy face emoji

Ugaliing magsabi ng mga salitang magpapasaya, hindi magpapalungkot, sa isang tao. Sabihin kung ano ang masasabi mo kapag may nagsabi ng masasakit na salita sa iyo.

Magtimpi

kabataan na nagagalit

Praktisin na maging kalmado kapag nagagalit ka. Halimbawa, huminga nang malalim, bumilang hanggang 10, o isipin na kunwari ay nasa isang lugar ka na paborito mo.

Malugod na Tanggapin ang Iba

kabataang nag-uusap

Ipakilala ang iyong sarili sa isang bagong lipat sa inyong paaralan, komunidad, ward o branch. Ipakilala ang taong ito sa iba pa.

Mga Ideya para sa Pisikal na Pag-unlad

Ano ang Iyong mga Ideya?

tinedyer na nagdarasal

Matutong Magluto

tinedyer na nagluluto

Tumulong sa paghahanda ng masustansyang pagkain o meryenda. Ibahagi ito sa iyong pamilya o mga kaibigan.

Palakasin ang Iyong Katawan

kabataan na nag-eehersisyo

Regular na gumawa ng isang bagay na maigagalaw mo ang iyong katawan, tulad ng isport, sayaw, ehersisyo, o paglalaro sa labas.

Magpakita ng Paggalang sa Iyong katawan

kabataan na nagsisipilyo at nagsusuklay

Panatilihing malinis ang iyong katawan araw-araw. Maligo lagi. Magsipilyo at alagaan ang iyong buhok bawat araw.

Panatilihing Malinis ang Iyong Tahanan

kabataan na nagre-recycle

Gumawa ng isang bagay na makakatulong na mapaganda ang inyong tahanan tulad ng paglilinis, paglalagay ng dekorasyon, o pag-aayos ng bakuran.

Ingatan ang mga Gamit Mo

kabataan na nag-aayos ng mga gamit

Magpaturo sa iyong mga magulang kung paano ayusin o pangalagaan ang mga bagay na ginagamit mo.

Mag-aral ng Bagong Kasanayan sa Sining

kabataan na nagpipinta

Magdrowing, magpinta, o mag-sketch ng larawan, at ibigay ito sa isang taong mahal mo.

Mag-aral ng Bagong Kasanayan sa Musika

tinedyer na tumutugtog ng gitara

Mag-aral kumanta, tumugtog ng instrumento, o kumumpas. Magtanong kung maaari mong ibahagi ang natutuhan mong kasanayan sa home evening o iba pang aktibidad.

Sundin ang Word of Wisdom

kabataan na nag-iisip ng kakainin sa meryenda

Basahin ang Doktrina at mga Tipan 89 para makita ang mga ipinapangako ng Ama sa Langit kapag sinunod mo ang Word of Wisdom o Salita ng Karunungan. Magpasiya kung paano mo mas masusunod ito.

Gumawa ng mga Aktibidad sa Labas ng Bahay

pamilya na nagha-hiking

Mamasyal o mag-hiking kasama ng pamilya o mga kaibigan para malibot at mapag-aralan ang kapaligiran mo.

Ibahagi ang Iyong mga Talento

mga taong tumutugtog ng trumpeta

Ibahagi ang isa sa iyong mga talento sa taong nalulungkot.

Maging Handa sa Oras ng Emergency

mga tao na nakatingin sa mapa

Gumawa ng plano kasama ang iyong mga magulang o lider para sa dapat gawin sa oras ng emergency.

Mga ideya para sa Intelektuwal na Pag-unlad

Ano ang Iyong mga Ideya?

kabataan na nagdarasal

Pag-aralan ang Tungkol sa Tithing o Ikapu

tinedyer na nagbabayad ng tithing o ikapu

Alamin kung bakit mahalagang magbayad ng tithing o ikapu. Ibigay ang sampung porsiyento ng iyong kinikita sa Panginoon.

Paghusayin ang Kakayahan Mong Magbasa

mag-inang nagbabasa

Magbasa ng aklat tungkol sa isang bagong paksa, o magbasa ng aklat nang mas matagal kaysa sa karaniwang pagbabasa mo.

Alamin Kung Paano Maging Ligtas sa Paggamit ng Internet

pamilya na gumagamit ng computer

Gumawa ng listahan ng mga patakaran sa inyong pamilya sa paggamit ng internet o apps.

Matuto ng Bagong Bagay

kabataan na nagbabasa

Pumili ng isang bagay na interesado ka, at alamin ang lahat ng maaari mong matutuhan tungkol dito.

Dumalo o Manood ng mga Kaganapang Pangkultura

mga tao sa museo

Bumisita sa isang museo o kaganapang pangkultura sa inyong lugar. Sabihin sa iyong mga kaibigan o pamilya ang bago mong natutuhan.

Alamin ang Iba’t Ibang Trabaho

mga tao na nag-aayos ng kotse

Bisitahin sa pinagtatrabahuhan niya ang isang taong kilala mo para malaman kung ano ang ginagawa nila at kung paano nila ito ginagawa.

Alamin ang mga Bagay tungkol sa Taong Hinahangaan Mo

mga taong nag-uusap

Ito ay maaaring isang taong kilala mo o isang tao mula sa kasaysayan o mga banal na kasulatan. Magpasiya kung paano ka magiging higit na katulad nila.

Matutong Pumili nang Mabuti

tsart, sanhi at epekto

Ang lahat ng mga pagpili ay may ibinubunga, mga bagay na resulta ng mga ginagawa mo. Gumawa ng listahan ng ilang mga pinipili at ng ibinubunga ng mga ito.

Talasan ang Iyong Memorya

taong nag-iisip

Kabisaduhin ang isang paboritong talata sa banal na kasulatan, tula, o kanta.

Mag-aral ng Bagong Wika

kabataan na gumagamit ng smartphone

Matutong magsabi ng hello at iba pang mga simpleng salita sa ibang wika. Kausapin ang isang taong nagsasalita ng wikang iyon para makapagpraktis, kung maaari.

Sumulat ng Kuwento

kabataan na nagsusulat

Sumulat ng isang kuwento tungkol sa buhay mo o sa isang kapamilya.