Mga Bata at Kabataan
Ikaw ay May Layunin


“Ikaw ay May Layunin,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata (2019)

“Ikaw ay May Layunin,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata

Larawan
kabataan na gumagawa ng mga aktibidad

Ikaw ay May Layunin

Ang iyong Ama sa Langit at ang Kanyang Anak na si Jesucristo ay buhay at nagmamahal sa iyo. Mahalagang bahagi ka ng Kanilang gawain. Makakatulong ka sa pagpapabuti ng mundo.

Binigyan ka ng Ama sa Langit ng mga talento at mga espirituwal na kaloob. Gusto Niyang gamitin mo ang mga kaloob at mga talentong ito para maging masaya at mapagpala ang iba. Matutulungan ka Niya na malaman kung paano gagawin iyan sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

Ang gabay na aklat na ito sa pansariling pag-unlad ay makakatulong sa iyo habang pinapaunlad mo ang iyong mga kaloob at sinusunod si Jesucristo. Maaari kang maging uri ng tao na alam ng Ama sa Langit na kaya mo maging.

Print