Mga Bata at Kabataan
Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo


“Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata (2019)

“Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Bata

Mga Pamantayan Ko sa Ebanghelyo

Ang mga pamantayan ng ebanghelyo ay tumutulong sa iyo na kumilos sa paraan na tulad ng gagawin ni Jesus. Maaari kang mabigyan nito ng mga ideya para sa mga bagong aktibidad na paplanuhin at gagawin.

  • Susundin ko ang plano ng Ama sa Langit para sa akin.

  • Aalalahanin ko ang aking tipan sa binyag at makikinig sa Espiritu Santo.

  • Pipiliin ko ang tama. Alam kong makapagsisisi ako kapag ako ay nagkakamali.

  • Magiging tapat ako sa Ama sa Langit, sa ibang tao, at sa aking sarili.

  • Gagamitin ko nang buong paggalang ang mga pangalan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.

  • Hindi ako magmumura o gagamit ng masasamang salita.

  • Gagawin ko sa Sabbath ang mga bagay na makatutulong sa akin para mapalapit ako sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.

  • Igagalang ko ang aking mga magulang at gagampanan ko ang bahagi ko para mapatatag ang aking pamilya.

  • Pananatilihin kong sagrado at dalisay ang aking isipan at katawan, at hindi ako makikibahagi sa mga bagay na makapipinsala sa akin.

  • Mananamit ako nang disente para magpakita ng paggalang sa Ama sa Langit at sa aking sarili.

  • Tanging mga bagay lamang na nakalulugod sa Ama sa Langit ang babasahin at panonoorin ko.

  • Ang tanging pakikinggan kong musika ay iyong nakalulugod sa Ama sa Langit.

  • Mabubuting kaibigan ang hahanapin ko at magiging mabait ako sa iba.

  • Mamumuhay ako ngayon nang karapat-dapat para makapunta sa templo at gagampanan ang aking bahagi para magkaroon ng walang-hanggang pamilya.