Mga Bata at Kabataan
Magsimula!


“Magsimula!” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan (2019)

“Magsimula!” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan

Magsimula!

mga taong umaakyat ng bundok

Sikaping gamitin ang huwaran na Alamin, Planuhin, Kumilos, at Pagnilayan para matulungan kang masunod ang halimbawa ng Tagapagligtas habang umuunlad ka. Maaari kang gumawa ng mga mithiin sa bawat isa sa apat na aspeto para mapanatiling balanse ang buhay mo. Maaari mong gamitin ang kasunod na mga pahina para magabayan ka. O maaari kang gumamit ng isa pang study journal o magtakda ng mithiin sa pamamaraang akma sa iyo.

Tandaan, ikaw ang magpapasiya tungkol sa pag-unlad mo, pero hindi ibig sabihin nito na gagawin mo ito nang mag-isa. Nais ng inyong Ama sa Langit na tulungan ka, at maaari kang humingi ng tulong sa iyong mga magulang, lider, at kaibigan. Humanap ng mga pagkakataong matulungan din ang iba sa kanilang pag-unlad. Nais ng Ama sa Langit na suportahan at mahalin ng Kanyang mga anak ang isa’t isa.

Alamin

Ano sa palagay mo ang dapat mong pag-aralan o paghusayin pa? Magsulat ng mga impresyon at ideya habang iniisip mo ang mga tanong na tulad nito: Paano ko mapapaunlad ang aking mga talento? Ano ang gusto kong gawin? Anong mga responsibilidad ang mayroon ako ngayon? Paano ko makikilala ang Espiritu Santo? Sino ang maaari kong paglingkuran?

espirituwal, pakikipagkapwa, intelektuwal, pisikal

Espirituwal

Mga halimbawa: Magsulat sa journal, magdasal tuwing umaga, pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw, panatilihing banal ang araw ng Sabbath

Pakikipagkapwa

Mga halimbawa: Maglingkod sa iba, umiwas sa tsismis, makipagkaibigan sa mga hindi kakilala

Intelektuwal

Mga halimbawa: Magkaroon ng isang libangan o skill, magsanay magturo, matutong magbadyet

Pisikal

Mga halimbawa: Magluto at kumain ng masustansyang pagkain, mag-ehersisyo, linisin o pagandahin ang iyong kapaligiran

Planuhin

Ang aking mithiin:

Bakit mahalaga ito sa akin?

Paano ito makakatulong sa akin na maging higit na katulad ni Jesucristo?

Paano ko gagawin ito:

Ano ang ilang maliliit na hakbang na magagawa ko para makamit ko ang aking mithiin?

Petsa/Gaano Kadalas

Petsa/Gaano Kadalas

Petsa/Gaano Kadalas

Sino ang maaaring tumulong sa akin?

Kumilos

  • Ano ang natututuhan ko?

  • Anong mga pagbabago ang kailangan kong gawin?

Pagnilayan

  • Ano ang natutuhan ko?

  • Paano ako mas napalapit sa Tagapagligtas?

  • Paano ko magagamit ang natutuhan ko para mapaglingkuran ang iba?

icon, pagdiriwang

Petsa na natapos:

Ipagdiriwang ko ang aking pag-unlad sa pamamagitan ng:

logo, Pagpapaunlad ng mga Bata at Kabataan

Ano ang susunod kong gagawin?

Balikan ang form na Alamin para sa mga ideya.