“Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan (2019)
Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan
Mga Ideya para Umunlad sa Lahat ng Aspeto ng Buhay
Napakaraming paraan para mapaunlad mo ang iyong buhay! Kumuha ng mga ideya mula sa sumusunod na mga pahina, o mag-isip ng sarili mong ideya. Hilingin sa Ama sa Langit na tulungan kang malaman kung ano ang kailangan mong gawin ngayon.
Makakahanap ka ng karagdagang mga ideya sa ChildrenandYouth.ChurchofJesusChrist.org at sa Gospel Living app.
Espirituwal
-
Manalangin nang taimtim.
-
Pag-aralan ang mga banal na kasulatan at ang mga salita ng mga buhay na propeta.
-
Humanap ng mga pagkakataon upang ibahagi ang ebanghelyo.
-
Alamin at pagbutihin ang mga espirituwal na kaloob.
-
Maghanda para sa iyong patriarchal blessing.
-
Maging marapat na tumanggap at magkaroon ng temple recommend.
-
Gawin ang iyong family history at maglingkod sa templo.
-
Magpasalamat araw-araw.
-
Lalo pang sundin ang isang utos.
-
Pag-aralan ang buhay ni Cristo.
-
Tumanggap ng sakramento nang karapat-dapat bawat linggo.
-
Makibahagi sa seminary.
Pakikipagkapwa
-
Mas pag-ukulan pa ng pansin ang mga pangangailangan ng iba.
-
Matutong makinig nang mabuti at magpahayag ng ideya nang malinaw.
-
Mahalin at paglingkuran ang mga tao sa paligid mo.
-
Mag-ukol ng oras sa pamilya.
-
Maghanda na maging isang asawa at magulang.
-
Maging matatag—ang kakayahang makaakma at magpatuloy kapag nagiging mahirap na ang mga bagay-bagay.
-
Makibahagi sa mga aktibidad sa paaralan o komunidad.
-
Humanap ng mga paraan upang mapangalagaan ang mga maralita.
-
Matutong humingi ng paumanhin. Matutong magpatawad.
-
Magsalita at kumilos nang may kabaitan, at umiwas sa tsismis.
Pisikal
-
Maging mas malusog at malakas.
-
Pag-aralan o paghusayin ang isang kasanayan sa pisikal, tulad ng sa isports, sayaw, o mga aktibidad sa labas.
-
Pag-aralan o paghusayin ang isang kasanayan sa sining.
-
Kontrolin ang mga hilig at nais ng katawan sa mainam na paraan.
-
Alamin ang mga paraan na mapoprotektahan mo ang sarili mo mula sa pang-aabuso, at humingi ng tulong kung kinakailangan.
-
Iwasan ang pornograpiya.
-
Humanap ng mainam na paraan upang makontrol ang emosyon at makayanan ang problema o stress.
-
Pag-aralan ang pag-aalaga ng mga bata.
-
Ugaliing maging malinis sa katawan.
-
Pag-aralan kung paano gamitin nang maingat ang mga simpleng kasangkapan sa hardin at sa bahay.
-
Pag-aralan kung paano magbigay ng first-aid at mga dapat gawin para manatiling ligtas.
-
Gumamit ng angkop na pananalita, at huwag magmura.
Intelektuwal
-
Paghusayin ang kakayahan sa pagbabasa at pagsulat.
-
Magkaroon ng magandang gawi sa pag-aaral.
-
Alamin kung ano ang kailangan mong gawin para makakuha ng magandang trabaho, at simulang pagsikapan ang mithiing iyan.
-
Alamin pa ang tungkol sa isang bagay na interesado ka.
-
Makipag-usap sa mga taong hinahangaan mo para malaman kung paano nila nakamit ang mga katangiang gusto mong matamo.
-
Alamin kung paano humawak ng pera nang may katalinuhan.
-
Pag-aralan nang husto ang isang paksa ng ebanghelyo.
-
Alamin ang mga pangunahing kasanayan sa trabaho na maaari mong gamitin ngayon at kalaunan.
-
Dumalo sa mga pagtatanghal ukol sa kultura.
-
Matuto ng ibang wika.
-
Mas maging self-reliant.
-
Alamin at gawin ang mga alituntunin ng pagdisiplina sa sarili.