Mga Bata at Kabataan
Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos


“Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan (2019)

“Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos,” Pansariling Pag-unlad: Gabay na Aklat para sa mga Kabataan

Ikaw ay Minamahal na Anak ng Diyos

Ang Ama sa Langit at si Jesucristo ang lumikha sa lahat ng bagay, nakakaalam sa lahat ng bagay, at nakadaig sa lahat ng bagay. At nais Nila na ikaw ay maging katulad Nila! Sa paggawa mo ng mga tipan at sa pagsunod sa plano ng Diyos, magagamit mo ang pambihirang mga kaloob upang umunlad at maglingkod sa iba.

Larawan
mga espiritu sa langit

Ikaw ay pumarito sa lupa mula sa langit. Bahagi ka ng isang pamilya.

Larawan
isang taong binibinyagan

Nakikipagtipan ka na susundin si Jesucristo kapag bininyagan ka at kapag tumatanggap ka ng sakramento.

Larawan
isang taong kinukumpirma

Kapag kinumpirma ka, matatanggap mo ang Espiritu Santo para magabayan ka.

Larawan
ordinasyon sa priesthood

Maaari kang makibahagi sa gawain ng Diyos at maglingkod sa Simbahan sa ilalim ng awtoridad ng mga susi ng priesthood.

Larawan
mga tao sa labas ng chapel

Matututo ka at uunlad habang pinag-aaralan, ipinapamuhay, at ibinabahagi mo ang ebanghelyo.

Larawan
mga tao na gumagawa ng mga aktibidad

Magiging masaya ka kapag minahal at pinaglingkuran mo ang iba tulad ng gagawin ni Jesus.

Larawan
si Jesus na nagtuturo sa mga tao

Ipinadala ng Ama sa Langit ang Kanyang Anak na si Jesucristo para magsilbing perpektong halimbawa at maging posible para sa iyo na magsisi at magbago.

Larawan
mga tao sa labas ng templo

Sa templo, maaari kang maglingkod at gumawa ng mga tipan na nag-uugnay sa mga anak ng Diyos magpakailanman.

Print