Pagpapahusay ng Kurikulum at ng Guro
Kurikulum
Naglalaan ang Simbahan ng mga materyal ng kurikulum sa korum ng pagkasaserdote at pantulong na samahan. Ang Panguluhan ng Pook ang nagbibigay ng tagubilin hinggil sa mga materyal na gagamitin bawat taon. Ang mga tagubilin ay ibinibigay kasama ng taunang padala ng mga materyal mula sa sentro ng pamamahagi o service center ng Simbahan. Ang lathalaing Impormasyon para sa mga Pinuno ng Pagkasaserdote at Pantulong na Samahan (36363 893), na makukuha sa pamamagitan ng mga pinuno ng pagkasaserdote, ay naglalaman ng buod ng kurikulum ng Simbahan. Hinihikayat ang mga pinuno at guro na tanging ang mga sinang- ayunang materyal lamang sa Simbahan ang gamitin sa pagtuturo at iwasan ang paggamit ng mga produktong ginagawa at ipinagbibili ng iba.
Ang mga Mensahe ng Unang Panguluhan, Mensahe sa Pagdalaw na Pagtuturo, at mapagkukunan sa Liahona ay naglalaan ng materyal na magpapanariwa at magpapabuti sa mga araling nasa mga manwal ng kurikulum. Matatamo ang mga materyal na ito sa nakalimbag at sa electronic na kopya sa opisyal na Internet site ng Simbahan, ang www.lds.org. Kung may Liahona sa inyong lugar, bawat mag-anak sa sangay ay dapat magkaroon ng suskrisyon.
Pagpapahusay ng Guro
Ang mga magulang, pinuno, at guro ay may sagradong responsibilidad na ituro ang ebanghelyo ni Jesucristo. Sa pamamagitan ng kanilang pagsisikap, matututo ang iba kung paano ipamuhay ang mga katotohanan ng ebanghelyo sa pang-araw-araw na buhay. Sinabi ng Panginoon: "Binigyan ko kayo ng kautusan na turuan ninyo ang isa't isa ng doktrina ng kaharian. Masigasig kayong magturo at ang aking biyaya ay dadalo sa inyo" (D at T 88:77-78).
Ang panguluhan ng sangay ay may pananagutan sa uri ng pagtuturo sa sangay. Kapag sapat ang bilang ng matatatag na miyembro sa sangay, tumatawag ang panguluhan ng isang miyembrong lalaki o babae upang maglingkod bilang koordineytor ng sangay sa pagpapahusay ng guro.
Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagtuturo at pagpapahusay ng guro, tingnan sa Gabay na Aklat sa Pagtuturo.