Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro


Pagpapalakas sa Bago at Nagbabalik na mga Miyembro

Makipagsanggunian sa mga miyembro ng ward at mga missionary kung paano matutulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro na madamang sila ay minamahal, kabilang, at kailangan.

Ipinapakita mo ang iyong pagmamahal habang ikaw ay nagmiminister sa bago at nagbabalik na mga miyembro. Makakapagbahagi ka sa kanila kapag ikaw ay nakibahagi sa pagtuturo ng mga lesson para sa mga bagong miyembro at sinasamahan sila sa mga klase sa araw ng Linggo. Higit nilang mamahalin at paglilingkuran ang ibang tao kapag inanyayahan mo silang magminister at maglingkod sa mga calling sa ward.

Matutulungan mo rin ang bago at nagbabalik na mga miyembro na mapalalim ang kanilang pagkadisipulo at umunlad sa landas ng tipan habang tinutulungan mo silang magkaroon ng mga karanasang binanggit sa Ang Aking Landas ng Tipan sa Member Tools app. Para maunawaan kung paano tutulungan ang bago at nagbabalik na mga miyembro na magawa Ang Aking Landas ng Tipan, panoorin ang video sa ibaba.

Pambungan na Video para sa Pag-unlad sa Landas ng Tipan

Print