Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Mga Ideya para sa Lesson sa Ika-Limang Linggo


Young men at church meeting

Mga Ideya para sa Lesson sa Ika-Limang Linggo

Ang mga lesson sa Ika-Limang Linggo ay nagbibigay ng magandang pagkakataon para mahikayat ang mga miyembro na maipamuhay ang mga alituntunin na “magmahal, magbahagi, at mag-anyaya” at madama ang kagalakan at mga pagpapalang nagmumula sa pagbabahagi ng ebanghelyo ni Jesucristo. Maaari ninyong gawin na ang layunin ng isang lesson sa ika-limang Linggo ay tulungan ang bawat miyembro na maibahagi ang ebanghelyo ni Jesucristo sa normal at natural na mga paraan sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga alituntunin na “magmahal, magbahagi, at mag-anyaya.”

Sundin ang patnubay ng Espiritu habang ikaw ay naghahanda. Magturo sa paraan na mahihikayat ang mga miyembro ng inyong ward o branch na makilahok sa talakayan, lalo na ang mga kabataan. Ang sumusunod na mga ideya at mga resource ay makatutulong sa iyo sa iyong mga pagsisikap.

Mga Konseptong Pag-iisipan

Ang mga pagpapala at kagalakang dulot ng pagbabahagi ng ebanghelyo ay maaaring matanggap ng bawat isa sa atin. Lahat ng miyembro ng Simbahan ay pinagpapala habang minamahal natin ang Diyos at ating kapwa; ibinabahagi ang ebanghelyo bilang karugtong ng ating buhay sa personal, pampamilya, at pansimbahan; at inaanyayahan ang iba na pumarito at makita, pumarito at tumulong, at pumarito at mapabilang.

Ang pagbabahagi ng ebanghelyo ay naghahatid ng kagalakan sa atin, sa Panginoon, at sa ibang tao. Tumutulong din ito para higit nating matanggap sa ating buhay ang Espiritu at ang kapangyarihan ng Diyos (tingnan sa Mosias 18:10; Juan 15:4–5), maprotektahan tayo laban sa tukso (tingnan sa 3 Nephi 18:24–25), at naghahatid ng pagpapagaling at kapatawaran ng mga kasalanan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 62:3).

Mga Resource sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Ang mga resource na nakalista sa ibaba ay tutulong sa iyo na maunawaan ang mga paraan para matulungan ang mga miyembro ng Simbahan na ibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga alituntuning “magmahal, magbahagi, at mag-anyaya.”

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Paano tayo mas inilalapit kay Jesucristo ng pagbabahagi ng ebanghelyo?

  • Ano ang magagawa natin para ang iba ay maging bahagi ng ating buhay na nakasentro kay Cristo sa normal at natural na mga paraan?

  • Sa paanong mga paraan natin maibabahagi ang ebanghelyo sa natural na paraan? Paano natin mapagtitibay ang mga pagsisikap na iyon?

  • Paano makalilikha ang ating ward ng kapaligiran kung saan madali ang magmahal, magbahagi, at mag-anyaya?

  • Paano tayo magsisimula sa pagbabahagi ng mga resource ng Simbahan?