Epektibong Koordinasyon sa mga Missionary
Ang elders quorum presidency at Relief Sociey presidency ang nangunguna sa paghihikayat sa mga miyembro na mahalin ang mga anak ng Diyos, ibahagi ang ebanghelyo, at anyayahan ang iba na tanggapin ang mga pagpapala ng Tagapagligtas (tignan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 23.5.2, Gospel Library). Bilang mga lider, tandaan na ang iyong mga pagsisikap ay mas mapapahusay pa kapag ang mga miyembro at mga missionary ay nagtulungan sa pagdadala ng mga tao palapit kay Cristo.
Ang isa sa pinakamabisang paraan sa pagtutulungan na mailapit ang iba kay Cristo ay ang pagdaraos ng maikli at di-pormal na mga lingguhang miting kung saan “pinag-uugnay ng mga lokal na lider [at mga missionary ang] mga pagsisikap sa pagbabahagi ng ebanghelyo at pagpapalakas sa mga bago at nagbabalik na miyembro” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo [2023], 255).
Ang lingguhang mga coordination meeting ay dapat nakatuon sa mga indibiduwal at pagtugon sa apat na tanong na ito mula sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo:
-
Paano natin matutulungan ang mga taong tinuturuan?
-
Paano natin matutulungan ang mga bagong binyag?
-
Paano natin matutulungan ang mga nagbabalik na miyembro?
-
Paano tayo makakahanap ng mas maraming taong tuturuan?
Ang lingguhang mga coordination meeting ay magandang pagkakataon din para pag-isipan ang mga pangangailangan ng komunidad na maaaring matugunan ng mga resource ng Simbahan. Ang mga miting na ito ay pagkakataon din para maghanap ng mga paraan para mapalakas pa ang mga ginagawa na ng mga miyembro sa pagbabahagi ng ebanghelyo at tumukoy ng mga aktibidad sa ward o stake kung saan maaaring anyayahan ng mga miyembro na dumalo ang kanilang mga kaibigan at mga tao sa komunidad.