Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Pagbabahagi ng mga Resource ng Simbahan


Larawan
Young adults sit together reading and studying the scriptures. It appears to be a seminary, church, or Institute class.

Pagbabahagi ng mga Resource ng Simbahan

Noong narito sa lupa si Jesucristo, tinulungan Niya ang mga tao sa kanilang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan. Pinakain Niya ang nagugutom at pinagaling ang may sakit. Pinanatag at tinulungan Niya ang mga taong nakapaligid sa Kanya. Madalas na nahihirapan ang mga tao na umunlad sa espirituwal kung hindi nila matugunan ang kanilang pangunahing mga pangangailangan.

Ang Simbahan ay lumikha ng mga resource para matugunan ang pisikal at espirituwal na mga pangangailangan ng mga tao ngayon. Ang mga resource na ito ay kinabibilangan ng mga kurso sa self-reliance, klase sa EnglishConnect, addiction recovery group, klase at programa sa edukasyon, at marami pang iba. Ang pag-anyaya sa mga kaibigan na hindi miyembro na makilahok sa mga resource na ito ng Simbahan ay isang mabisang paraan para maibahagi ang ebanghelyo. Ang mga resource na ito ay makatutulong sa kanila na mapabuti ang kanilang kalagayan at magkaroon ng mga kaibigan sa mga miyembro ng Simbahan.

Bilang lider, isipin ang mga pangangailangan ng mga tao sa inyong komunidad. Paano makatutulong sa kanilang buhay ang mga resource ng Simbahan?

Print