Pagbabahagi ng Ebanghelyo
Mga Resource sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo para sa mga Lider


Sister missionaries share gospel with investigators in Ghana.

Ang Pribilehiyo ng Pagbabahagi ng Ebanghelyo

“Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay kailangan ngayon nang higit kailanman” (Russell M. Nelson, “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6).

Bilang lokal na lider ng Kanyang Simbahan, ikaw ay mayroong pribilehiyong makasama ang Panginoon sa pagpapalaganap ng Kanyang ebanghelyo sa buong mundo (tingnan sa Mateo 24:14).

“Mga kapatid, ang pinakamithiin natin sa pagbabahagi ng ebanghelyo ay tulungan ang mga anak ng Ama sa Langit na ibigkis ang kanilang sarili sa Tagapagligtas sa pagtanggap ng mga ordenansa at paggawa at pagtupad ng mga tipan para magmana sila ng buhay na walang-hanggan” (David A. Bednar, sa 2022 Pagbabahagi ng Ebanghelyo: Isang Brodkast para sa mga Lider, Hunyo 25, 2022, ChurchofJesusChrist.org). Ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng “pagmamahal, pagbabahagi, at pag-anyaya” ay magiging dahilan para ikaw at ang mga pinaglilingkuran mo ay madama sa mga normal at natural na paraan ang kagalakan at tagumpay ng dakilang gawaing ito.

Ipinangako ni Pangulong Russell M. Nelson, “Magiging maluwalhati ang bukas para sa mga handa at patuloy na naghahandang maging kasangkapan sa mga kamay ng Panginoon” (“Yakapin ang Bukas nang may Pananampalataya,” Liahona, Nob. 2020, 76). Habang sinisikap mong mamuno sa paraan ng Tagapagligtas, ang Pangkalahatang Hanbuk at ang iba pang mga resource sa ibaba ay tutulong sa iyo na maging pamilyar sa turo ng propeta na ibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagmamahal, pagbabahagi, at pag-aanyaya.

Pagbabahagi ng Ebanghelyo at Pagpapalakas ng mga Bago at Nagbabalik na Miyembro,” Pangkalahatang Hanbuk, kabanata 23.

Mga Resource sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

Ang mga resource na nakalista sa ibaba ay tutulong sa iyo na maunawaan ang mga paraan para matulungan ang mga miyembro ng Simbahan na ibahagi ang ebanghelyo sa pamamagitan ng pagkilos ayon sa mga alituntuning “magmahal, magbahagi, at mag-anyaya.”

Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo ni Jesucristo

Gary E. Stevenson, “Magmahal, Magbahagi, Mag-anyaya,” Liahona, Mayo 2022, 84–87

Marcus B. Nash, “Itaas Ninyo ang Inyong Ilawan,” Liahona, Nob. 2021, 71–73

Pagbahahagi ng Ebanghelyo: Mga Alituntunin ng Pagmamahal, Pagbabahagi, at Pag-anyaya

Paano Magsimula sa Pagbabahagi ng mga Resource ng Simbahan

Highlight ng Brodkast tungkol sa Pagbabahagi ng Ebanghelyo

2022 Pagbabahagi ng Ebanghelyo: Isang Brodkast para sa mga Lider

Russell M. Nelson, “Pangangaral ng Ebanghelyo ng Kapayapaan,” Liahona, Mayo 2022, 6–7