Resources for Leaders
Paglikha ng Plano ng Stake o Ward


“Paglikha ng Plano ng Stake o Ward,” Kahandaan ng mga Stake at Ward (2018)

Paglikha ng Plano ng Stake o Ward

“Humanda ka, oo, humanda ka, ikaw, at ang lahat ng iyong mga pulutong na napisan ko sa iyo, at maging bantay ka sa kanila” (Ezekiel 38:7).

Magagamit ng mga stake at ward council ang gabay sa pagpaplano na ito at ang kalakip na mga worksheet para lumikha o i-update ang mga plano sa pagtugon sa mga emergency (tingnan sa Handbook 1: Stake Presidents and Bishops [2010], 5.1.3, 5.2.11).

Ang mga plano ng stake at ward ay dapat itugma sa mga plano sa komunidad. Maaaring tumawag ang mga lider ng mga welfare specialist na tutulong sa mga pagsisikap para sa pagtugon sa mga emergency. Ang pinakamabisang plano ay maikli at hindi masyadong kumplikado. Ang plano ay dapat na regular na nirerebyu at ina-update ng mga council. Gamit ang sumusunod na mga hakbang at ang kasamang mga worksheet, dapat makalikha ang stake o ward ng:

  • Isang plano para sa kahandaan ng stake at ward

  • Isang pagsusuri ng mga pangangailangan at mga gagawin.