Kahandaan ng mga Stake at Ward Paglikha ng Plano ng Stake o WardMagagamit ng mga stake at ward council ang gabay sa pagpaplano na ito at ang kalakip na mga worksheet para lumikha o i-update ang mga plano sa pagtugon sa mga emergency. Unang Hakbang: Tukuyin ang mga Kalamidad na Maaaring MaganapIlista ang mga kalamidad (likas o gawa ng tao) na malamang na mangyari sa inyong lugar. Pangalawang Hakbang: Mangalap ng mga Kritikal na ImpormasyonTipunin at ingatan ang sumusunod na impormasyon. Pangatlong Hakbang: Gumawa ng Outline ng mga Tungkulin at PamamaraanPlanuhin kung paano isasaayos at isasagawa ng council ang bawat isa sa mga tungkulin na nakalista rito, na tinutukoy kung sino ang magsasagawa ng bawat gawain at kung anong mga pamamaraan ang kanilang susundin. Pang-apat na Hakbang: Tukuyin ang mga Pamamaraan ng Komunikasyong Pang-EmergencyIsang importanteng bahagi ng pagtugon sa kalamidad para sa mga lider ng Simbahan ay ang pagkakaroon ng bukas na mga linya ng komunikasyon sa headquarters ng Simbahan, mga miyembro ng Simbahan, at mga lider sa komunidad. Ikalimang Hakbang: Hikayatin ang mga Miyembro na MaghandaPalaging hikayatin ang mga miyembro na makibahagi sa mga aktibidad para sa kahandaan at sundin ang payo na nakabalangkas sa Kahandaan ng mga Pamilya at mga polyeto na Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay: Pag-iimbak ng Pagkain ng Pamilya sa Tahanan (04008) at Ihanda ang Bawat Kinakailangang Bagay: Kabuhayan ng Pamilya (04007). Gabay sa Pagpaplano para sa Emergency at mga WorksheetMaaaring gamitin ng mga stake at ward council ang mga worksheet ng pagpaplano para sa mga emergency ng mga stake at ward para lumikha o i-update ang kanilang mga plano sa pagtugon sa emergency.