Resources for Leaders
Pang-apat na Hakbang: Tukuyin ang mga Pamamaraan ng Komunikasyong Pang-Emergency


Pang-apat na Hakbang: Tukuyin ang mga Pamamaraan ng Komunikasyong Pang-Emergency,” Kahandaan ng mga Stake at Ward (2018)

Pang-apat na Hakbang: Tukuyin ang mga Pamamaraan ng Komunikasyong Pang-Emergency

Isang importanteng bahagi ng pagtugon sa kalamidad para sa mga lider ng Simbahan ay ang pagkakaroon ng bukas na mga linya ng komunikasyon sa headquarters ng Simbahan, mga miyembro ng Simbahan, at mga lider sa komunidad.

Tukuyin at planuhin ang mga alternatibong pamamaraan ng komunikasyon na maaaring magamit kung sakaling masira ang mga linya ng telepono, cellular phone, o mga ruta ng transportasyon sa panahon ng kalamidad. Maaaring kabilang sa mga pamamaraang ito ang:

  • Komunikasyon sa internet (kabilang ang email, social media, at instant messaging).

  • Text messaging sa cellular phone (na maaaring magamit kahit hindi makatawag).

  • Amateur radio.

  • Personal na pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng paglalakad, bisikleta, at iba pa. (Ang mga full-time missionary ay makatutulong din.)

Kung kinakailangan, ang mga lider ng priesthood ay maaaring tumawag ng mga miyembro ng kanilang mga unit para maging mga espesyalista sa komunikasyon. Madalas na ang mga kwalipikadong espesyalista ay mayroong sariling gamit sa komunikasyon at mayroong mahahalagang karanasan.

Sumangguni sa mga worksheet ng Rebyu ng mga Kalamidad at Pagpaplano Para sa Pagkaputol ng mga Serbisyo para sa makapagplano para sa mga pagkaantala ng komunikasyon. Gamitin ang worksheet ng Kritikal na Impormasyon—Mga Mapagkukunan ng mga Kagamitan, Kasanayan, at Komunikasyon para makumpleto ang hakbang na ito.