Resources for Leaders
Pangatlong Hakbang: Gumawa ng Outline ng mga Tungkulin at Pamamaraan


“Pangatlong Hakbang: Gumawa ng Outline ng mga Tungkulin at Pamamaraan,” Kahandaan ng mga Stake at Ward (2018)

Pangatlong Hakbang: Gumawa ng Outline ng mga Tungkulin at Pamamaraan

Planuhin kung paano isasaayos at isasagawa ng council ang bawat isa sa mga tungkulin na nakalista rito, na tinutukoy kung sino ang magsasagawa ng bawat gawain at kung anong mga pamamaraan ang kanilang susundin. Magtalaga ng isang pangunahin at isang alternatibong tampok na lugar kung saan magtitipon ang mga miyembro ng council pagkatapos ng isang emergency para pangasiwaan ang mga pagbibigay ng tulong.

Bago ang isang kalamidad:

  • Bumuo ng mabubuting pakikipag-ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon na tumutulong sa komunidad.

Pagkatapos ng isang kalamidad, kaagad na:

  • Alamin at ireport ang kalagayan ng mga miyembro at missionary. Ang mga report tungkol sa mga pangangailangan ng miyembro ay karaniwang nagmumula sa mga ministering brother o sister na ipinaaabot sa mga lider ng elders quorum at Relief Society, na nagrereport naman nito sa bishop. Ang mga bishop ay magrereport naman sa stake president.

  • Tumulong sa paghahanap at pagtitipon ng mga magkakapamilyang nagkahiwa-hiwalay.

  • Humingi ng medikal na tulong o pangangalaga para sa mga taong nasugatan o iba pang mga may problema sa kalusugan.

  • Makipag-ugnayan sa mga opisyal ng pamahalaan at iba pang mga organisasyon na tumutulong sa komunidad.

  • Alamin ang mga pangangailangan at isaayos ang pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan at serbisyo—tulad ng pagkain, pansamantalang kanlungan, kalinisan, at damit—para sa mga miyembro at iba pa. Maaaring tawagan ang mga lider sa area welfare at, kung saan mayroon, ang mga Church welfare operation para tumulong sa mga pangangailangan at serbisyo.

  • Alamin at ireport ang kalagayan ng mga gusali at ari-arian ng Simbahan.

Sa panahon na kasunod ng isang kalamidad:

  • Magbigay ng tulong sa mga miyembro na napinsala ang mga bahay o mga kagamitan, may emosyonal na trauma, o nawalan ng kabuhayan.

  • Makipagtulungan sa mga opisyal ng pamahalaan at mga organisasyong nagbibigay ng tulong para matukoy at tugunan ang mga oportunidad para sa Simbahan na makatulong sa mga pangangailangan ng komunidad.

Gamitin ang worksheet ng Kritikal na Impormasyon at ang worksheet ng Mga Gagawin at Tungkulin para makumpleto ang hakbang na ito.