Mga Young Single Adult
Resources at mga Solusyon na Mayroon na sa Simbahan


“Resources at mga Solusyon na Mayroon na sa Simbahan,” Pagpapalakas ng mga Young Single Adult (2022)

mga taong kumakanta

Resources at mga Solusyon na Mayroon na sa Simbahan

Pag-isipan ang sumusunod na resources at mga solusyon habang ginagawa mo ang iyong plano para sa YSA. Para sa bawat resource sa ibaba, may ibinigay na gabay kung hanggang saan maiaakma ng mga miyembro ng komite ng YSA ang mga solusyong ito.

Mga Unit ng Simbahan

Ang mga unit ng Simbahan (mga branch, district, ward, at stake) ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga young single adult na sumamba at makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan (tingnan sa Efeso 4:11–13). Sa mga unit na ito, regular na nagtitipon ang mga young single adult upang sambahin ang Diyos, magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo, tumanggap ng mga ordenansa, makihalubilo, at makahanap ng lakas sa panahong nahaharap sila sa mga hamon sa espirituwal at temporal (tingnan sa Moroni 6:4–6).

Kung kabilang ka sa isang YSA unit, tingnan ang “Mga YSA Unit” para sa mga ideya na maaari mong isaalang-alang.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Paano sinusuportahan ng mga unit ng Simbahan sa ating area ang mga young single adult?

  • Paano natin mapapaganda ang karanasan ng YSA sa mga unit natin sa Simbahan?

  • Marami pa ba tayong magagawa para magkaroon ng koneksyon ang mga young single adult sa ating ward at ang mga young single adult sa stake o rehiyon?

  • Mayroon ba tayong lugar kung saan maaaring magtipon ang mga young single adult (isang gusali ng meetinghouse o institute)?

  • May mga pagkakataon ba ang mga young single adult na makapaglingkod nang makabuluhan sa ating mga unit ng Simbahan?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Alalahanin ang kakayahan, lakas, at impluwensya ng mga young single adult at ang malaking magagawa nila sa mga unit ng Simbahan. Ang mga young single adult ay maaaring maglingkod sa halos lahat ng calling (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 14.0).

  • Isipin ang iba’t ibang pangangailangan at karanasan ng mga young single adult at kung paano susuportahan ang mga taong maaaring nakadarama na nag-iisa sila sa isang unit.

  • Tiyakin na lahat ng young single adult ay kilala at pinangangalagaan.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Mag-isip ng mga paraan na magkasama-sama ang mga young single adult sa pangalawang oras (tingnan sa “Pangalawang Oras”).

  • Hikayatin at makipagtulungan sa mga lokal na lider sa paghikayat sa mga young single adult sa paglilingkod sa at pagpapalakas ng mga unit kung saan sil nagsisimba (tingnan sa “Mga Calling sa Simbahan”).

  • Gumawa ng aktibidad na magiging interesado ang mga young single adult na kasalukuyang nasa ward o stake. Halimbawa:

    • Isang ward sa stake na itinalaga para daluhan ng mga young single adult

    • Lingguhang mga aktibidad

    • Isang buwanang pulong para sa pagpapatotoo

    • Mga lingguhan o buwanang pagkakataon para maglingkod

    • Isang lokal na lugar na pagtitipunan (tingnan sa “Establishing a YSA Gathering Place,” ChurchofJesusChrist.org)

  • Makipagtulungan sa mga lokal na lider para magmungkahi sa pagbuo ng isang YSA unit kung sa palagay mo ay iyan ang magiging pinakamainam na paraan para mapalakas ang mga young single adult sa inyong area (tingnan sa “Mga YSA Unit”).

Mga Hakbang na Gagawin

  1. Aprubahan ang mga pagbabago sa pamamagitan ng angkop na mga komite sa pamumuno.

  2. Gumawa ng plano para ipaalam ang mga pagbabago sa mga young single adult na nakikilahok sa mga geographic unit.

isang babae na may kausap na mga lalaki

Mga YSA Unit

Ang mga YSA unit ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga young single adult na sama-samang sumamba at makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan sa mga kapwa Banal na katulad nila ang estado sa buhay (tingnan sa Efeso 4:13). Sa mga unit na ito, regular na nagtitipon ang mga young single adult upang sambahin ang Diyos, magkaroon ng pananampalataya kay Jesucristo, tumanggap ng mga ordenansa, makihalubilo, at makahanap ng lakas sa panahong nahaharap sila sa mga hamon sa espirituwal at temporal (tingnan sa Moroni 6:4–6).

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Ano ang mga pakinabang at hamon sa pagkakaroon ng YSA unit?

  • Bakit pinipili ng mga young single adult na dumalo o hindi dumalo sa isang YSA unit?

  • Paano namin mapapaganda ang karanasan sa aming YSA unit?

  • Paano natin maisasama ang mga young single adult na dumadalo sa mga geographic unit sa mga aktibidad ng mga YSA unit?

  • Paano natin matitiyak na walang kumpetisyon sa mga aktibidad sa mga geographic unit at mga YSA unit?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Huwag bumuo ng bagong YSA unit nang hindi sinusunod ang proseso ng pahintulot para sa mga bagong unit (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 37.2). Kung kailangang bumuo ng isang YSA unit, makipagtulungan sa inyong stake president.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Paglipat ng mga young single adult bilang grupo (halimbawa, sa Enero 1) sa halip na sa kaarawan.

  • Bumuo ng pinagsamang mga unit para sa mga may-asawa at single young adult (karaniwan ay sa isang university setting).

Mga Hakbang na Gagawin

Makipagtulungan sa pamunuan ng stake para:

  1. Tukuyin ang mga hangganan ng mga kasalukuyang unit at kung paano sila maaapektuhan ng mga ninanais na pagbabago.

  2. Kumpletuhin ang isang membership assessment ng mga naapektuhan na unit.

  3. Kumpletuhin ang isang population tree upang matiyak na balanse ang mga miyembro sa bawat unit.

  4. Kumpletuhin ang Ward o Branch Organization Application form para sa lahat ng iminungkahing pagbabago (matatagpuan sa Leader and Clerk Resources).

lalaking nagtuturo sa klase

Mga Calling sa Simbahan

Ang mga young single adult ay makapag-aambag nang malaki sa kaharian ng Diyos. Nakapagbibigay din sila ng mga natatanging pananaw at karanasan na magpapala at magpapalakas sa lahat ng miyembro ng Simbahan. Maaari silang maglingkod sa anumang tungkulin sa stake maliban bilang bishop, stake president, o stake patriarch.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Anong bago at makabuluhang mga calling o assignment ang magtutulot sa mga young single adult na makibahagi sa gawain ng kaligtasan at kadakilaan?

  • Paano natin matutulungan ang mga young single adult na madama na kailangan sila sa mga calling na mayroon sila?

  • Sa paanong paraan hindi gaanong nagagamit ang paglilingkod ng mga young single adult sa kasalukuyan?

  • Anong uri ng mga calling, assignment, o paglilingkod ang malamang na tanggapin ng mga hindi nakikibahagi?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Iwasang lumikha ng mga calling na hindi makabuluhan. Magkakaiba ang ibig sabihin ng “makabuluhan” sa iba’t ibang tao, ngunit dapat madama ng lahat na kailangan sila kung saan sila naglilingkod.

  • Magsimula sa pagtutuon ng pansin sa mga calling sa ward at stake na maaaring matulungan ng impluwensya ng mga young single adult.

  • Sa mga YSA unit, tumawag ng mga young single adult para sa halos lahat ng katungkulan sa pamumuno (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 37.2.2, 37.3.2).

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Hikayatin ang mga lider na isipin ang mga young single adult kapag tumutukoy ng mga taong maaaring maglingkod sa isang calling, kabilang na ang mga tungkulin sa pamumuno.

  • Tiyakin na bawat young single adult ay may ministering assignment.

  • Isipin ang iba’t ibang oportunidad para sa mga young single adult na makapaglingkod sa templo, makibahagi sa gawain sa family history, at ibahagi ang ebanghelyo sa iba.

  • Isipin ang mga calling at assignment na maaaring maging daan para makaimpluwensya ang mga young single adult sa mas malawak na komunidad.

babaeng nagtuturo sa klase

Pangalawang Oras

Ang pangalawang oras ng mga pulong sa araw ng Linggo ay dapat makatulong sa mga young single adult na patatagin ang kanilang pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo, dagdagan ang kanilang pang-unawa sa ebanghelyo, madama ang pagiging kabilang at koneksyon, at pahalagahan ang kahalagahan ng ebanghelyo sa kanilang buhay.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Ano ang mas gustong mga resulta para sa mga mararanasan sa pangalawang oras? Sa anong mga karanasan sa mga pulong na ito ng Simbahan pinakamabisang makakamit ang mga resultang ito?

  • Ano ang mga pangangailangan ng mga young single adult na maaaring matugunan sa mga pulong sa pangalawang oras?

  • Ano ang mga hamon na ating nararanasan sa kasalukuyang pangalawang oras?

  • Paano tayo makalilikha sa pangalawang oras ng karanasan na kaaya-aya at matatamasa ng lahat ng young single adult (anuman ang kanilang lakas ng pananampalataya, pamamaraan ng pagkatuto, o karanasan sa buhay)?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Gamitin ang parehong kurikulum ng banal na kasulatan at ng doktrina na ginagamit ng iba pang mga miyembro ng Simbahan.

  • Panatilihin ang panatag na kapaligiran kung saan ang lahat ay hinihikayat na makipag-ugnayan at makibahagi.

  • Tiyakin na may iba’t ibang opsiyon sa titser at klase ang mga miyembro.

  • Sundin ang inaprubahang meeting pattern ng Simbahan (magkakahalong grupo para sa mga linggo ng Sunday School at elders quorum at Relief Society sa nakatalagang mga linggo).

  • Isipin kung paano makakaapekto ang mga potensyal na pagbabago sa mga young single adult kapwa sa mga geographic unit at mga YSA unit.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Magkaroon ng mas maliliit na klase na iniakma para masuportahan ang iba’t ibang estilo ng pag-aaral, maghikayat ng kaugnay na mga talakayan at pagbabahagi ng mga karanasan, at magkaroon ng makabuluhang pakikihalubilo. Kasama sa mga halimbawa ang mga sumusunod:

    • Mga klase na nakatuon sa paglilingkod

    • Mga klase na nakatuon sa musika

    • Mga klase na nakatuon sa multimedia

  • Magkaroon ng mga virtual o hybrid class upang ang mga hindi makadalo nang personal ay makabahagi pa rin sa pag-aaral ng ebanghelyo.

  • Bigyang-diin ang mga paksa sa panglimang Linggo na mahalaga sa mga lokal na young single adult. Kasama sa mga halimbawa ang mga sumusunod:

    • Kasalukuyan at potensyal na mga problema

    • Pag-asa sa sarili, self-reliance

    • Paggaling mula sa adiksyon

Aprubahan ang mga pagbabago sa mga pangalawang oras na pulong sa pamamagitan ng angkop na mga leadership council at gumawa ng plano para ipaalam sa mga young single adult ang mga pagbabago.

mga lalaking nag-aaral

Institute

Ang institute of religion program ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga young single adult na maisakatuparan ang paanyaya ng Tagapagligtas na “turuan ninyo ang isa’t isa ng doktrina ng kaharian” (Doktrina at mga Tipan 88:77) sa pamamagitan ng pag-aaral ng ebanghelyo sa karaniwang araw sa buong linggo.

Ang institute ay isang programang nakasentro kay Cristo, nakabatay sa mga banal na kasulatan, at programang nakatuon sa mga mag-aaral na naglalayong tulungan ang mga participant na mas mapalapit sa Diyos, mapalakas ang kanilang pananampalataya kay Cristo at sa Kanyang ipinanumbalik na ebanghelyo, at umunlad sa landas ng tipan (tingnan sa Josue 1:8; Juan 5:39; 2 Nephi 31:21).

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Ano ang itinuro ng mga lider ng Simbahan tungkol sa kahalagahan ng institute at pag-aaral ng ebanghelyo?

  • Ano ang mga karanasan ng mga lokal na young single adult sa institute?

  • Paano maiaangkop ang institute program para mas makaugnay at maka-access rito ang mga lokal na young single adult?

  • Kilala ba natin ang mga tauhan ng ating mga lokal na Seminaries and Institutes of Religion (S&I)? Anong bahagi ang maaari nilang gampanan sa mga pulong natin sa komite ng YSA?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Lahat ng young single adult na edad 18–30 ay hinihikayat na dumalo sa mga klase sa institute pumapasok man sila sa paaralan o hindi.

  • Ang mga programa sa institute of religion ay itinatatag sa ilalim ng pamamahala ng mga lider ng priesthood at mga tauhan ng S&I upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga young single adult.

  • Ang mga stake president ay maaaring bumuo ng mga stake-based institute class sa mga area kung saan walang mga klase na campus-based.

  • Ang mga stake-based institute program ay karaniwang nakatuon sa mga pangangailangan ng mga young single adult na hindi estudyante sa kolehiyo. Mas binibigyang-diin nila ang pagdalo at pagkatuto kaysa pagkakaroon ng credit.

  • Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang mga kinakailangan sa kurso para makatapos sa institute o makakuha ng credit na ililipat sa isang university ng Simbahan.

  • Maaaring naisin ng ilang young single adult na makatanggap ng diploma ng pagtatapos sa institute, at maaaring ayaw ng iba. Ang mga pangangailangan ng mga young single adult, hindi ang mga kinakailangan sa graduation, ay dapat makaimpluwensya sa istruktura ng institute program sa inyong area.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Maaaring magsama-sama ang mga stake para magkaroon ng mga klase sa institute sa multistake level.

  • Ang mga young single adult ay maaaring maging interesado sa isang “institute night” kung saan ang mga klase ay may kasamang kainan o aktibidad sa pakikisalamuha.

  • Isipin kung paano maaaring isama ang institute sa isang lugar na pagtitipunan ng mga YSA.

  • Alamin kung paano maiaangkop ang mga klase ng institute, tulad ng araw at oras, haba ng klase, bilang ng mga linggo na idinaraos ang isang klase, mga workshop tungkol sa mga espesyal na paksa, at iba pa.

Mga Hakbang na Gagawin

  1. Pakinggan ang mga young single adult para maunawaan kung ano ang mga karanasan nila sa institute at kung paano pa ito mapagbubuti.

  2. Makipagtulungang mabuti sa mga stake presidency at lokal na mga tauhan ng S&I upang mag-organisa o mag-adapt ng isang institute program na pinakamainam na tutugon sa mga pangangailangan ng mga young single adult sa inyong area.

grupong nagtatrabaho sa halamanan

Paglilingkod

Ang mga young single adult ay dapat tumanggap ng pormal at di-pormal na mga oportunidad na maging “sabik sa paggawa ng mabuting bagay” (Doktrina at mga Tipan 58:27) at gumawa ng tunay na kaibhan sa mga bagay na gustung-gusto nila.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Paano magagamit ang JustServe para tulungan ang mga young single adult sa ating area na matukoy ang mga makabuluhang pagkakataong maglingkod? (Gamitin ang link na ito para kontakin ang isang kinatawan ng JustServe sa inyong area.)

  • Paano makakaapekto nang positibo sa mga young single adult ang mga makabuluhang pagkakataong maglingkod?

  • Ano ang mga hamon sa paghahanap ng mga makabuluhang pagkakataong maglingkod?

  • Anong uri ng mga pagkakataong maglingkod ang maaaring magkaroon ng pinakamalaking epekto sa ating mga lokal na komunidad?

  • Anong mga grupo ang maaari nating makatulong o makatuwang?

  • Paano tayo makatutulong na makabuo ng mga ugnayan habang naglilingkod tayo?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Iwasan ang mga pagkakataong maglingkod na hindi makabuluhan (hindi sapat ang gawain para makapaglingkod ang lahat).

  • Hayaang piliin ng mga young single adult ang mga pagkakataong maglingkod nang madalas hangga’t maaari.

  • Siguraduhing mga young single adult ang nangunguna sa paggawa.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Gamitin o palawakin ang kasalukuyang resources ng Simbahan at komunidad, tulad ng JustServe, mga kurso sa self-reliance, addiction recovery program, gawain sa templo at family history, o EnglishConnect.

  • Makipagtulungan sa iba pang mga ward, branch, at stake tungkol sa mga proyekto.

  • Makipagtulungan sa iba pang mga organisasyong pangrelihiyon, pamahalaan, o mahahalagang proyekto na hindi pinagkakakitaan.

  • Tulungan ang komunidad sa isang bago at mahalagang proyekto (tulad ng pagtatayo ng isang soup kitchen).

  • Lawakan ang mga oportunidad para sa mga full-time o part-time service missionary.

  • Lawakan ang mga calling na nakabase sa paglilingkod (tingnan sa “Mga Calling sa Simbahan”).

  • Gawing regular ang mga kasalukuyang proyekto (tulad ng pagtu-tutor, pagtuturo, o buwanang shift sa isang food bank).

isang grupo na nakatayo sa harapan ng templo

Paglilingkod at Pagsamba sa Templo

Itinuro ni Pangulong Nelson, “Nadaragdagan ang positibong espirituwal na pagsulong kapag sumasamba tayo sa templo. … Nakikiusap ako sa inyo na labanan ang mga paraan ng mundo sa pamamagitan ng pagtutuon ng pansin sa walang hanggang mga biyaya ng templo. Ang oras na inilalaan ninyo roon ay may hatid na mga biyaya para sa kawalang-hanggan” (“Ngayon ang Panahon,” Liahona, Mayo 2022, 126).

Habang nagtitipon ang mga young single adult sa templo, makadarama sila ng pag-asa, kapayapaan, at pagmamahal, at matatanggap nila ang liwanag na kailangan nila upang madaig ang mga hamong kinakaharap nila.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Paano makatutulong ang pagsamba at paglilingkod sa templo sa mga young single adult sa mga hamong kinakaharap nila?

  • Ano ang nakahahadlang sa mga young single adult na sumamba at maglingkod sa templo? Paano tayo makatutulong?

  • Ano ang maituturo natin para matulungan ang mga young single adult na makahanap ng higit na lakas sa kanilang buhay sa pamamagitan ng pagsamba at paglilingkod sa templo?

  • Paano natin maihahanda ang mga young single adult na tumanggap ng mga tipan sa templo at manatili sa landas ng tipan?

  • Paano natin mahihikayat ang mga young single adult na magtipon at maglingkod sa templo?

  • Paano natin matutulungan ang mga young single adult na gawing bahagi ng kanilang gawain sa templo ang family history?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Sumangguni sa Pangkalahatang Hanbuk: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 25.5, 26–27 para sa mga patakaran tungkol sa pagdalo sa templo at mga tungkulin sa templo. Tandaan na ang mga young single adult ay maaaring “lumapit sa bishop at [m]agsabing nais nilang maglingkod” bilang mga temple worker (25.5.1).

  • Kapag gumagawa ng mga plano na dumalo sa templo, isipin kung paano tutulungan ang mga young single adult na maghandang magkaroon ng magandang karanasan sa templo.

  • Kapag nagpaplano ng aktibidad ng YSA sa templo, kumpirmahin nang maaga ang inyong appointment sa templo at ipaalam sa kanila ang anumang espesyal na pangangailangan ng inyong grupo.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Isiping mag-organisa ng klase sa paghahanda para sa templo para sa mga young single adult na naghahanda sa pagtanggap ng kanilang endowment o mabuklod.

  • Mag-organisa ng regular na pagpunta sa templo kasama ang mga young single adult. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson, “Regular na makipagkita roon sa Panginoon—sa Kanyang banal na bahay—gawin ito at gawin ito nang may [kahustuhan at] kagalakan” (“Pagiging Kapuri-puring mga Banal sa mga Huling Araw,” Liahona, Nob. 2018, 114).

  • Magplano ng mga paksa sa debosyonal, mga paksa sa sacrament meeting, mga paksa sa home evening, o mga aktibidad na nauukol sa templo o family history.

  • Makipag-usap sa mga lokal na lider ng priesthood, kabilang na ang temple presidency, tungkol sa mga paraan na mas aktibong makakabahagi ang mga young single adult sa gawain sa templo at family history.

  • Magplano ng mga paraan para maipaalam sa mga young single adult ang mga oportunidad na maglingkod bilang mga ordinance worker o boluntaryo sa templo.

grupo na nagse-selfie

Mga YSA Conference

Ang mga YSA conference ay opsiyonal at malalaking aktibidad para sa mga young single adult na idinaraos sa ilalim ng pamamahala ng Area Presidency. Ang YSA conference ay maaaring ibatay sa isang temang pinili ng isang YSA planning committee at lokal na pamunuan. Dapat kapalooban ito ng mga debosyonal, workshop, paglilingkod, at aktibidad na nilayong tulungang mapalakas ang pananampalataya kay Jesucristo at madama ang pagiging kabilang sa komunidad kasama ang iba pang mga young single adult.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Sapat ba ang bilang ng interesadong mga young single adult sa area para magdaos ng epektibong kumperensya?

  • Ano kaya ang mga pakinabang ng pagbuo ng isang YSA conference?

  • Ano ang mga hamon sa pagdaraos ng isang YSA conference?

  • Maaari bang makasama sa kumprerensya ang mga young single adult na hindi sakop ng area?

  • Anong iba pang mga konsiderasyon ang tutulong sa atin para malaman kung ito ay isang solusyon na dapat nating gawin?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Tumanggap ng pahintulot mula sa Area Presidency na mag-organisa ng isang YSA conference.

  • Magtatag ng YSA conference planning committee.

  • Hayaan ang YSA planning committee at lokal na pamunuan na mamuno sa pag-oorganisa at pagsasagawa ng kumperensya.

  • Pumili ng angkop na venue para magdaos ng kumperensya.

  • Isama ang mga karanasang maghihikayat sa mga young single adult na makipag-ugnayan sa isa’t isa at patatagin ang pananampalataya kay Jesucristo.

  • Tiyakin na ang mga paksa para sa mga workshop at debosyonal ay may kaugnayan sa mga lokal na YSA.

  • Ibalita nang maaga ang kumperensya para makapaghanda ang mga young single adult na makibahagi.

  • Maglaan ng libreng oras sa kumperensya para sa pagmumuni-muni at kaswal na pakikihalubilo.

Kapag pinili ng Area Presidency na magdaos ng isang YSA conference, gamitin ang Mga Tuntunin ng Young Single Adult Conference para makatulong sa pagpaplano.

lalaki at babae

Mga Debosyonal para sa YSA

Ang mga debosyonal para sa YSA ay mga opsiyonal na kaganapang idinaraos sa ilalim ng pamamahala ng bishop, stake president, o Area Presidency. Ang mga debosyonal para sa YSA ay karaniwang kinabibilangan ng panalangin, isang himno o piniling musika, at isang kaugnay na mensahe na nakasentro sa ebanghelyo mula sa isang piniling indibiduwal o mga indibiduwal.

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Ano kaya ang mga kapakinabangan ng pagdaraos ng mga debosyonal?

  • Ano ang mga hamon?

  • Anong mga pangangailangan ng mga young single adult sa ating area ang matutugunan sa pamamagitan ng debosyonal?

  • Dapat ba na personal, naka-broadcast, o gawin ang debosyonal sa parehong paraan?

  • Anong pormat (tulad ng mensahe, talakayan, o panel) ang magiging pinakaepektibo para sa mensahe at target audience?

  • Paano madadaluhan ng lahat ang mga debosyonal, kabilang na ang mga nagsasalita ng ibang wika at mga may kapansanan?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Kapag nagpaplano ng debosyonal, isipin ang mga interes, pangangailangan, at karanasan ng mga young single adult sa area.

  • Ang mga young single adult ang dapat na mga pangunahing nag-oorganisa at lider ng debosyonal.

  • Dapat suportahan at itaguyod ng mga stake presidency, bishopric, at iba pang mga lider ang debosyonal bago at matapos itong maganap.

  • Ang mga debosyonal ay maaaring idaos sa ward, stake, o multistake level.

Mga Posibleng Opsiyon para sa Pagsasaalang-alang at Pag-unlad

  • Isaalang-alang ang iba’t ibang format. Huwag matakot na subukan ang mga format na hindi pa nasusubukan sa inyong area. Halimbawa:

    • Personal na pagtitipon

    • Virtual na pagtitipon

    • Mga panel discussion

    • Mga pangkatang talakayan

    • Mga mensaheng istilong pang-sacrament meeting

    • Mga musikal na pagtatanghal

    • Mga workshop

  • Ang paksa ng isang debosyonal ay dapat palaging may espirituwal na bahagi at nakatutulong na mas mapalapit kay Cristo ang mga young single adult. Halimbawa, maaaring kabilang sa mga paksa ang mga sumusunod:

    • Ang gawain ng kaligtasan at kadakilaan

    • Mga paksa ng doktrina

    • Mga pagkakataong maglingkod

    • Mapaghamong mga isyu

    • Paggaling mula sa adiksyon

    • Kasaysayan ng Simbahan

    • Kahandaan sa emergency

    • Pag-asa sa sarili, self-reliance

    • Kalusugan ng isipan at katatagan ng damdamin

    • Kaligtasan sa media

    • Mga katangiang tulad ng kay Cristo

isang grupo na nakaupo nang pabilog

Lugar na Pagtitipunan ng mga YSA

Gustung-gusto ng mga young single adult at ng kanilang mga kaibigan na magtipon at makibahagi sa makabuluhang mga aktibidad at karanasan na naglalapit sa kanila sa isa’t isa at sa Diyos. Ang pinagtitipunang lugar ay isang itinalagang lugar (sa isang ginagamit na meetinghouse o institute building) para sa mga young single adult at kanilang mga kaibigan na magtipon at makibahagi sa isa o mahigit pa sa mga sumusunod:

  • Edukasyong pangrelihiyon at pag-aaral ng ebanghelyo (tulad ng mga klase sa institute, pangkatang pag-aaral ng Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin, talakayan tungkol sa ebanghelyo, o mga debosyonal)

  • Paglilingkod at mga aktibidad sa lipunan (tulad ng paglilingkod sa komunidad at pagkakawanggawa, kabilang na ang mga proyektong JustServe, mga sayawan, kultural na mga kaganapan, o mga home evening group)

  • Mga aktibidad sa templo at family history, kabilang na ang paghahanda para sa templo

  • Mga oportunidad sa self-reliance at edukasyon (tulad ng mga kurso sa self-reliance o BYU–Pathway Worldwide)

  • Mga aktibidad ng missionary (tulad ng fellowshipping o mga aktibidad sa paghahanda sa misyon)

  • Mga aktibidad sa pagtulong sa komunidad (tingnan sa “Connect with Communities: Share Church Resources,” ChurchofJesusChrist.org)

Para sa karagdagang impormasyon, tingnan sa “Establishing a YSA Gathering Place” (ChurchofJesusChrist.org).

Mga Posibleng Tanong sa Talakayan

  • Anong uri ng pakikipag-ugnayan ang makatutulong sa mga young single adult na madama na kabilang sila?

  • Paano makapagpapalakas ng pananampalataya kay Jesucristo ang mga aktibidad sa pakikisalamuha?

  • Paano mapagpapala sa espirituwal at sa pakikisalamuha ang mga young single adult kapag may tukoy na lugar na pagtitipunan nila?

Mga Partikular na Tuntunin

  • Ginagamit ng stake president ang stake YSA committee (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk:: Paglilingkod sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, 14.1.1.2) para pangasiwaan ang lugar na pagtitipunan ng YSA. Para sa mga lugar na pinagtitipunan na ginagamit ng maraming stake, maaaring isama sa komiteng ito ang mga young single adult mula sa bawat stake.

  • Ang YSA committee ng stake ay sumusunod sa mga tuntunin ng Simbahan para sa mga aktibidad (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, kabanata 20).

  • Kung ang YSA committee ng stake ay may access sa isang gusali ng institute, ang institute director (o coordinator) ay may mahalagang tungkulin sa pagsuporta sa lugar na pinagtitipunan ng YSA.

  • Ang mga gastusin at budget sa pamamahala rito ay mula sa YSA budget ng stake (o mga stake) (tingnan sa Pangkalahatang Hanbuk, 14.2.1.3), na daragdagan ng budget ng area kung kinakailangan.