“Paano Babangon Matapos Magpakamatay ang Isang Mahal sa Buhay,” Paano Tutulong (2018).
“Paano Babangon Matapos Magpakamatay ang Isang Mahal sa Buhay,” Paano Tutulong.
Paano Babangon Matapos Magpakamatay ang Isang Mahal sa Buhay
Sa kabila ng ating matitinding pagsisikap, hindi lahat ng pagpapakamatay ay mapipigilan. Matapos ang pagpapakamatay, normal para sa mga naiwan na hindi matanggap ang nangyari, mabigla, makonsensya, magalit, at malito. Sinabi ni Pangulong M. Russell Ballard, “Ang pagkitil sa sariling buhay ay talagang isang trahedya dahil ito ay nag-iiwan ng napakaraming biktima: una ay ang taong namatay, pagkatapos ay ang maraming iba pa—mga kapamilya at kaibigan—na naiwan, na ang ilan ay dumaranas ng ilang taon na puno ng matinding sakit at pagkalito” (“Suicide: Some Things We Know, and Some We Do Not,” Ensign, Okt. 1987, 7). Para sa mga indibiduwal na ito, ang paggaling ay dumarating sa pamamagitan ng Tagapagligtas, na “nagpakababa-baba sa lahat ng bagay” para malaman Niya “ayon sa laman kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Doktrina at mga Tipan 88:6; Alma 7:12). Maaari ring makatulong ang propesyonal na resources at pagpapayo.
Maaaring naisin ng mga stake at ward council na talakayin kung paano nila masusuportahan ang isang indibiduwal o pamilya matapos ang pagpapakamatay. Maaaring kabilang sa mga tanong na tatalakayin ang mga sumusunod:
-
Paano makapagdudulot ng pagpapagaling sa indibiduwal o pamilyang iyon ang mga turo at Pagbabayad-sala ni Jesucristo?
-
Ano ang mga pangangailangan ng tao o pamilyang iyon na napansin ng mga ministering brother at sister? Anong tulong ang naibigay na nila?
-
Ano ang emosyonal at espirituwal na suporta na patuloy na kakailanganin ng tao o pamilyang iyon? Sino ang makapagbibigay ng suportang ito?
-
Mayroon bang mga temporal na pangangailangan ang tao o pamilyang iyon, tulad ng transportasyon o pagkain?
-
Paano masusuportahan ng mga lider ng auxiliary sa ward ang mga bata at kabataan na nawalan ng mahal sa buhay?
Ang proseso ng pagdadalamhati matapos ang pagpapakamatay ay maaaring magtagal nang mahabang panahon. Kung ang isang tao ay patuloy na nakararamdam ng matinding sakit o pighati, sumangguni sa iba pang nagmamalasakit sa taong iyon. Mapanalanging pag-isipan kung paano ka pinakamainam na makapagbibigay ng suporta. Maaari mong tulungan ang taong iyon na makahingi ng basbas ng priesthood o makipag-ugnayan sa resources sa iyong lugar. Maaaring makatulong ang mga support group para sa mga nagdadalamhati, mga doktor, o iba pang propesyonal sa pangangalaga ng kalusugan.
Paalala: Kung namumuno ka sa isang talakayan, huwag pag-usapan ang tungkol sa kung paano kinitil ng isang tao ang kanyang buhay. Hindi man sinasadya, maaari itong makahikayat sa isang tao sa grupo na gawin din ang bagay na inilarawan. Kung mayroong isang tao sa grupo na nagsimulang magbahagi ng mga detalye tungkol dito, ibaling ang pag-uusap sa ibang bagay sa magalang na paraan.
Karagdagang Resources
-
“Grieving after a Suicide,” Dale G. Renlund (video, suicide.ChurchofJesusChrist.org).
-
“To Parents Who Have Lost a Child by Suicide,” Dale G. Renlund (video, suicide.ChurchofJesusChrist.org).
-
“Comfort after a Suicide,” Carol F. McConkie (video, suicide.ChurchofJesusChrist.org).
-
“I Have Lost Someone by Suicide,” suicide.ChurchofJesusChrist.org.
-
“Paano Gumagaling ang mga Naiwan,” LDS Family Services, Liahona, Set. 2017, 37.