Pagpapakamatay
Mayroon Pa Akong mga Tanong. Saan Ako Makahahanap ng mga Sagot?


“Mayroon Pa Akong mga Tanong. Saan Ako Makahahanap ng mga Sagot?” Paano Tutulong (2018).

“Mayroon Pa Akong mga Tanong,” Paano Tutulong.

Mayroon Pa Akong mga Tanong. Saan Ako Makahahanap ng mga Sagot?

Ang Ama sa Langit ay Diyos ng katotohanan, na mapagkakatiwalaan mo. Nangako Siya na pakikinggan at sasagutin ang iyong taimtim na mga panalangin. Kung minsan, hinihiling Niya na manampalataya ka at “mag-antay ka sa Panginoon” para sa mga sagot: “Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso; oo, umasa ka sa Panginoon” (Mga Awit 27:14).

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “May malasakit ang Diyos sa inyo. Siya ay makikinig, at sasagutin Niya ang inyong mga personal na tanong. Ang mga sagot sa inyong mga panalangin ay darating sa Kanyang sariling paraan at sa Kanyang sariling panahon, at samakatuwid, kailangan ninyong matutong makinig sa Kanyang tinig” (“Pagtanggap ng Patotoo sa Liwanag at Katotohanan,” Liahona, Nob. 2014, 21).

Binigyan ka ng Diyos ng mga banal na kasulatan, mga makabagong propeta at apostol, at kaloob na Espiritu Santo para makatulong sa iyo. Habang nag-aaral ka, hingin mo ang Kanyang payo sa panalangin, at manampalataya at magtiyaga, ang Kanyang mga sagot ay darating sa iyo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 9:8; 109:7).

Karagdagang Resources