“Mga Palatandaan ng Pagpapakamatay,” Paano Tutulong (2018).
“Mga Palatandaan ng Pagpapakamatay,” Paano Tutulong.
Mga Palatandaan ng Pagpapakamatay
Hindi naman nais mamatay ng karamihan sa mga taong nagtatangkang magpakamatay; nais lamang nila ng ginhawa mula sa pisikal, mental, emosyonal, o espirituwal na sakit na nararanasan nila. Maraming tao na may mabigat na pinagdaraanan ang nagpapakita ng mga palatandaan bago sila magtangkang magpakamatay. Kapag natutuhan mong tukuyin ang mga palatandaan, mas magiging handa ka na mag-minister sa mga taong nangangailangan ng tulong. Pansinin ang mga pahayag tulad ng “Wala akong pakialam kung mamatay ako” o “Mas makabubuti sa lahat kung wala ako.” Kabilang sa mga palatandaan ang mga sumusunod na gawi:
-
Paghahanap ng paraan para patayin ang kanyang sarili
-
Pagsasabi na wala na siyang pag-asa o wala na siyang dahilan para mabuhay
-
Pagsasabi na parang nakakulong siya o nakararanas siya ng napakatinding sakit
-
Pagsasabi na pabigat siya sa ibang tao
-
Pagtindi ng kanyang paggamit ng alak o droga
-
Pamimigay ng mga personal na gamit nang walang dahilan
-
Pagiging balisa o aligaga o padalus-dalos
-
Paglayo o paghihiwalay ng kanyang sarili mula sa iba
-
Pagpapakita ng matinding galit o paghahangad na maghiganti
-
Pagpapakita ng matitindi at pabagu-bagong mga emosyon (tingnan sa National Suicide Prevention Lifeline)
Ang isang palatandaan ay hindi kaagad nangangahulugan na may matinding pinagdaraanan ang isang tao. Ngunit kung ang indibiduwal na iyon ay nagtangka nang magpakamatay dati o kung mayroon kang napansin na biglaang pagbabago sa kanya o nagsimula kang makakita ng iba’t ibang palatandaan, kumilos kaagad. Mayroong mga libreng crisis helpline at karagdagang impormasyon sa suicide.ChurchofJesusChrist.org. (Tingnan ang “Paano Tutulungan ang Isang Taong May Mabigat na Pinagdaraanan” sa gabay na ito para sa mga karagdagang detalye.)
Sa kabila ng ating matitinding pagsisikap, hindi lahat ng pagpapakamatay ay mapipigilan. Ang ilang pagpapakamatay ay nangyayari nang walang anumang malinaw na palatandaan. Hindi mo pananagutan ang pagpili ng isang tao na tapusin ang kanyang buhay.
Karagdagang Resources
-
“I’m Worried about Someone,” suicide.ChurchofJesusChrist.org.
-
“Preventing Suicide,” Carol F. McConkie (video, suicide.ChurchofJesusChrist.org).
-
“Pag-unawa sa Pagpapakamatay: Mga Palatandaan Nito at Paghadlang Dito,” Kenichi Shimokawa, Liahona, Okt. 2016, 19–23.
-
“How do I know when to take a suicide threat seriously?” suicide.ChurchofJesusChrist.org.