Kabanata 6
Isinulat ni Nephi ang mga bagay ng Diyos—Ang layunin ni Nephi ay hikayatin ang mga tao na lumapit sa Diyos ni Abraham at maligtas. Mga 600–592 B.C.
1 At ngayon, ako, si Nephi, ay hindi nagbibigay ng talaangkanan ng aking mga ama sa bahaging ito ng aking talaan; ni hindi ko ito ibibigay kahit kailan sa mga laminang ito na aking sinusulatan; sapagkat ito ay ibinigay sa talaang iniingatan ng aking ama; kaya nga, hindi ko na ito isusulat pa sa akdang ito.
2 Sapagkat sapat nang sabihin ko na kami ay mga inapo ni Jose.
3 At hindi mahalaga sa akin na ako ay masusing magbigay ng buong ulat tungkol sa lahat ng bagay ukol sa aking ama, sapagkat ang mga yaon ay hindi maisusulat sa mga laminang ito, sapagkat nais kong magkaroon ng puwang upang maisulat ko ang mga bagay ng Diyos.
4 Sapagkat ang kaganapan ng aking hangarin ay mahikayat ko ang mga tao na lumapit sa Diyos ni Abraham, at sa Diyos ni Isaac, at sa Diyos ni Jacob, at maligtas.
5 Samakatwid, ang mga bagay na nakasisiya sa sanlibutan ay hindi ko isinusulat, kundi ang mga bagay na nakasisiya sa Diyos at sa kanila na hindi makamundo.
6 Samakatwid, ako ay magbibigay ng kautusan sa aking mga binhi, na huwag nilang lalagyan ang mga laminang ito ng mga bagay na walang halaga sa mga anak ng tao.