Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, 1 Mga Taga-Corinto 7


PJS, 1 Mga Taga-Corinto 7:1–2, 5, 26, 29–33 (ihambing sa 1 Mga Taga-Corinto 7:1–2, 5, 26, 29–33)

(Sinagot ni Pablo ang mga katanungan hinggil sa pag-aasawa ng mga yaong tinawag sa mga misyon.)

1 Ngayon hinggil sa mga bagay na isinulat ninyo sa akin, sinasabing, Mabuti para sa isang lalaki na huwag humipo sa isang babae.

2 Gayunpaman, sinasabi ko, upang maiwasan ang pangangalunya, hayaang ang bawat lalaki ay magkaroon ng kanyang sariling asawa, at hayaang ang bawat babae ay magkaroon ng kanyang sariling asawa.

5 Huwag kayong humiwalay sa isa’t isa, maliban sa pagkasunduan ito sa ilang panahon, upang maipagkaloob ninyo ang inyong sarili sa pag-aayuno at pananalangin; at muling magsama, upang hindi kayo matukso ni Satanas dahil sa inyong kapusukan.

26 Inaakala ko ngang makabubuti ito para sa kasalukuyang kahapisan, na ang isang tao ay manatili munang gayon upang siya ay makagawa ng lalong mabuti.

29 Subalit ako ay nangungusap sa inyo na mga tinawag sa ministeryo. Dahil dito ako ay nagsasabi, mga kapatid, ang panahong natitira ay maikli na lamang, na kayo ay isusugo sa ministeryo. Maging sila na may mga asawa, ay maging katulad sila sa wala; sapagkat kayo ay tinawag at pinili upang gawin ang gawain ng Panginoon.

30 At matutulad sa kanila na nananangis, na para bang sila ay hindi nanangis; at sa kanila na nagsasaya, na para bang sila ay hindi nagsasaya, at sila na bumili, na para bang walang inaari;

31 At sila na ginagamit ang daigdig na ito, ay katulad sa hindi ito ginagamit; sapagkat ang kaasalan ng daigdig na ito ay lumilipas.

32 Subalit ibig ko, mga kapatid, na inyong gampanan ang inyong tungkulin. Ibig ko na kayo ay mawalan ng kabalisahan. Sapagkat siya na walang asawa, ay nagsusumakit sa mga bagay na nasa Panginoon, kung paano siya makalulugod sa Panginoon; kaya nga siya ay magwawagi.

33 Ngunit siya na may-asawa, ay nagsusumakit sa mga bagay ng daigdig, kung paano niya mapalulugod ang kanyang asawa; samakatwid may pagkakaiba, sapagkat siya ay nahahadlangan.