PJS, Sa mga Hebreo 7:3 (ihambing sa Sa mga Hebreo 7:3)
(Ang banal na pagkasaserdote alinsunod sa orden ng Anak ng Diyos ay walang ama o ina at ni walang simula ni katapusan ng mga araw.)
3 Sapagkat ang Melquisedec na ito ay inordenang saserdote alinsunod sa orden ng Anak ng Diyos, kung aling orden ay walang ama, walang ina, walang pinanggalingan, wala ni simula ng mga araw, ni katapusan man ng buhay. At ang lahat ng yaong inordenan sa pagkasaserdoteng ito ay ginagawang katulad ng Anak ng Diyos, mananatiling saserdote magpakailanman.
PJS, Sa mga Hebreo 7:25–26 (ihambing sa Sa mga Hebreo 7:26–27)
(Ipinaliwanag ang tungkuling ginampanan ni Cristo bilang tagapamagitan.)
25 Sapagkat ang gayong mataas na saserdote ay napasaatin, na banal, walang sala, walang bahid-dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at ginawang puno sa kalangitan;
26 At hindi katulad ng yaong matataas na saserdote na naghahandog ng hain araw-araw, una para sa kanilang sariling mga kasalanan, at pagkatapos para sa mga kasalanan ng mga tao; sapagkat siya ay hindi na kinakailangang maghandog ng hain para sa kanyang sariling kasalanan, sapagkat hindi siya nakagawa ng anumang kasalanan; kundi para sa mga kasalanan ng mga tao. At ito ay ginawa niya minsan, nang ihandog niya ang kanyang sarili.