Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Marcos 9


PJS, Marcos 9:3 (ihambing sa Marcos 9:4)

(Si Juan Bautista ay naroon sa Bundok ng Pagbabagong-anyo.)

3 At doon nagpakita sa kanila si Elias na kasama si Moises, o sa ibang salita, sina Juan Bautista at Moises; at sila ay nakikipag-usap kay Jesus.

PJS, Marcos 9:40–48 (ihambing sa Marcos 9:43–48)

(Ang pagputol sa nagpapatisod na kamay at paa ay inihalintulad sa pag-iwas sa pakikipag-ugnayan na maaaring umakay sa isang tao na maligaw.)

40 Kaya nga, kung ang kamay mo ay makapagpapatisod sa iyo, putulin ito; o kung ang iyong kapatid ay makapagpapatisod sa iyo at hindi magtatapat at tatalikod, siya ay itatakwil. Makabubuti para sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw, kaysa may dalawang kamay kang mapapasa impiyerno.

41 Sapagkat higit na makabubuti sa iyo ang pumasok sa buhay nang walang kapatid, kaysa sa ikaw at ang iyong kapatid ay mabulid sa impiyerno; sa apoy na kailanman ay hindi maaapula, na roon ay hindi namamatay ang kanilang uod, at ang apoy ay hindi naaapula.

42 At muli, kung ang paa mo ay makapagpapatisod sa iyo, putulin ito; sapagkat siya na iyong huwaran, na siya mong tinutularan, kung siya ay maging makasalanan, siya ay itatakwil.

43 Makabubuti para sa iyo, ang pumasok kang pilay sa buhay, kaysa may dalawang paa kang mabubulid sa impiyerno; sa apoy na kailanman ay hindi maaapula.

44 Kaya nga, hayaang tumayo o bumagsak ang isang tao, sa kanyang sarili, at hindi dahil sa iba; o pagtitiwala sa iba.

45 Hanapin ang aking Ama, at mangyayari sa iyo anuman ang hingin mo sa oras na yaon, kung hihingi ka nang may pananampalataya, naniniwalang ikaw ay makatatanggap.

46 At kung ang iyong mata na nagbibigay-daan upang ikaw ay makakita, siya na itinalagang magbantay sa iyo upang ipakita sa iyo ang liwanag, ay naging makasalanan at makapagpapatisod sa iyo, alisin siya.

47 Makabubuti para sa iyo ang pumasok sa kaharian ng Diyos, na iisa ang mata, kaysa may dalawang mata kang mabubulid sa apoy ng impiyerno.

48 Sapagkat makabubuti para sa iyo ang maligtas, kaysa mabulid sa impiyernong kasama ang iyong kapatid, na roon ay hindi namamatay ang kanilang uod, at kung saan hindi naaapula ang apoy.