Mga Tulong sa Pag-aaral
PJS, Mga Awit 14


PJS, Mga Awit 14:1–7 (ihambing sa Mga Awit 14:1–7)

(Ang Mang-aawit ay nagsaya sa araw ng panunumbalik.)

1 Ang hangal ay nagsabi sa kanyang puso, Walang sinumang tao ang nakakita sa Diyos. Sapagkat hindi niya ipinakikita ang kanyang sarili sa amin, kaya nga walang Diyos. Masdan, sila ay masasama; sila ay nagsigawa ng mga karumal-dumal na gawa, at walang sinuman sa kanila ang gumagawa ng mabuti.

2 Sapagkat tinunghayan ng Panginoon ang mga anak ng tao mula sa langit, at sa kanyang tinig ay nagsabi sa kanyang tagapaglingkod, Magsihanap kayo sa mga anak ng tao, upang tingnan kung may sinumang nakakikilala sa Diyos. At ibinuka niya ang kanyang bibig sa Panginoon, at nagsabi, Masdan, lahat sila ay nagsasabing sila ay inyo.

3 Ang Panginoon ay tumugon at nagsabi, Silang lahat ay nagsihiwalay, sila ay magkakasama na naging kahalay-halay, wala kang makikita sa kanila na nagsisigawa ng mabuti, wala, kahit isa.

4 Lahat ng gurong mayroon sila ay mga manggagawa ng kasamaan, at sila ay walang kaalaman. Sila yaong nagsisikain sa aking mga tao. Nagsisikain sila ng tinapay at hindi nagsisitawag sa Panginoon.

5 Sila ay nasa malaking pagkatakot, sapagkat ang Diyos ay nananahan sa salinlahi ng mga matwid. Siya ang payo ng mga maralita, sapagkat ikinahihiya nila ang masasama, at nagsisitungo sa Panginoon, para sa kanilang kanlungan.

6 Ikinahihiya nila ang payo ng mga maralita sapagkat ang Panginoon ang kanilang kanlungan.

7 O kung ang Sion ay naitatag sa langit, ang kaligtasan ng Israel. O Panginoon, kailan ninyo itatatag ang Sion? Kung kailan ibabalik ng Panginoon ang mga nangabihag sa kanyang mga tao, magsasaya nga si Jacob, magagalak ang Israel.