2019
Talagang Makakagawa Kayo ng Malaking Kaibhan
Pebrero 2019


Talagang Makakagawa Kayo ng Malaking Kaibhan

Mula sa isang mensahe sa debosyonal na, “… But As for Me and My House, We Will Serve the Lord,” na ibinigay sa Brigham Young University–Idaho noong Mayo 16, 2017.

young adult painting wall

Gusto kong sabihin sa inyo na ang mga bayaning lalaki at babae sa kasalukuyan ay narito. At kayo iyon. Tiyak ko na ang kakayahan, ang pagganyak na kailangan upang makagawa ng kaibhan at magkaroon ng tinatawag na kapangyarihan ng isa, kapangyarihang kumilos, kapangyarihang magsalita, batay sa kaalaman sa ebanghelyo, at sa gayo’y makagawa ng pagbabago, ay narito; nasa inyong kalooban.

Hindi ba mga bayani tayong lahat bago tayo isinilang? Tinutulan nating lahat si Lucifer at ang kanyang plano. Isinilang tayong panalo, at nasa koponan tayo na mananalo sa labanan. Ngayon, sa kaalamang taglay natin, kailangang magdesisyon tayo na labanan ang sarili nating mga kahinaan at sumulong na nakatuon ang mga mata sa Kanya na nagliligtas sa atin.

Huwag piliing maging karaniwan, na nagmumula sa pagiging kampante at kawalan ng malasakit. Maging determinado na maging kakaiba; gamitin ang kapangyarihang nasa inyo, at gumawa ng kaibhan.

Maraming mararangal na adhikaing ipaglalaban. Maging isa sa unang mga tao na gumagawa ng kaibhan. Tandaan, kayo ay panalo, isinilang para manalo. Talagang makagagawa kayo ng malaking kaibhan.

Pumili ng isang marangal na adhikain para sa Panginoon na ipaglalaban, at gamitin ang inyong lakas. May mga taong tutulungan, mga kamay na itataas, nanghihinang mga tuhod na palalakasin, mga bihag na bibisitahin at sasagipin, mga gutom na pakakainin, mga hubad na daramitan, at mga maysakit na pagagalingin. Lakasan ang inyong tinig. Maging tapat sa inyong sarili at sa inyong misyon.

Kayo ang ‘pag-asa ng Israel.’ Nakamasid sa inyo ang kalangitan, at naghihintay sa inyo ang mundo.”1

Itatag ang inyong personal na tipan sa Kanya, na ating Tagapagligtas, at sabihing, “Sa ganang akin at ng aking sangbahayan ay maglilingkod kami sa Panginoon” (Josue 24:15). At sa paggawa nito, mapagpapala rin ang iba.

Tala

  1. Orson F. Whitney, Contributor, Hulyo 1888, 301.