2019
5 Hakbang para Maging Bahagi ng Buhay Mo ang Kumperensya
Mayo 2019


5 Hakbang para Maging Bahagi ng Buhay Mo ang Kumperensya

pamilya na magkakasamang naglalaro

Tuwing Abril at Oktubre, mayroon tayong kagila-gilalas na pagkakataong makinig sa mga makabagong propeta na magbigay sa atin ng payo na nagmula mismo sa Diyos. Mapanalangin nilang inihahanda ang kanilang mga mensahe para lang sa atin—para tayo gabayan, turuan, sagutin, at panatagin.

Ngunit pakatapos ng pangkalahatang kumperensya at sa paglipas ng mga araw, nagiging mahirap nang maalala ang partikular na mga sipi, paksa, pahiwatig, o kasagutang natanggap natin. Kung nadarama natin na hindi tayo bumuti o umunlad, maaari tayong panghinaan ng loob habang paparating ang susunod na pangkalahatang kumperensya.

Huwag matakot! May paraan para mapanatili natin sa ating puso ang payo ng Diyos mula sa isang pangkalahatang kumperensya hanggang sa susunod:

  1. Pagkatapos ng kumperensya, pumili ng isang sipi, aral, alituntunin, o buong mensahe na nagbigay ng inspirasyon sa iyo.

  2. Ibahagi ito sa inyong pamilya at isulat ito sa isang lugar kung saan mo ito makikita araw-araw.

  3. Magtakda ng mithiin kung paano mo ipamumuhay ang alituntuning iyon bawat araw.

  4. Suportahan ang isa’t isa. Ang pagkakaroon ng pananagutan sa ibang tao ay makagaganyak nang malaki!

  5. Kapag papalapit na ang susunod na pangkalahatang kumperensya, mag-usap-usap kayong magpapamilya at ibahagi ang natutuhan ninyo at ang mga pagpapalang natanggap ninyo sa pagsasabuhay ng alituntuning ito.

Kapag pinagsumikapan natin ang ating partikular na espirituwal na mga mithiin, mapapalakas natin ang ating patotoo at mas mapapalapit tayo sa Ama sa Langit.

Subukan ito ngayon!