Mga Taunang Brodkast
Gumagawa ng Malaking Kaibhan ang mga Guro


2:3

Gumagawa ng Malaking Kaibhan ang mga Guro

Taunang Training Broadcast ng S&I

Martes, Hunyo 09, 2020

Maraming salamat, mahal ko, sa pag-anyaya sa akin na ibahagi ang aking patotoo.

Una kong narinig ang tungkol sa Simbahan noong mga 9 anyos ako. At 8 taon akong nakiusap sa tatay ko na payagan akong makapagpabinyag, pero ayaw niyang pumayag. Masyado pa raw akong bata para gumawa ng gayong kahalagang desisyon at kailangan kong patunayan sa kanya na ito talaga ang gusto ko.

Bagama’t hindi pa ako miyembro ng Simbahan noon, natapos ko ang apat na taon ng daily seminary. Sa chapel noon ang klase sa Seminary tuwing alas-6:00 ng umaga, araw-araw. Pinayagan lang ako ni Itay na dumalo sa seminary basta susunduin ako ng guro ko. Buti na lang, napakabait ng guro ko, tuwing alas-5:30 n.u. sinusundo niya ako. Ginigising ako noon ni Itay tuwing alas-5:00 ng umaga para magbihis at maghintay sa aking guro. Palagi akong inaantok noon kaya sinasabi kong, “Sana hindi siya dumating. Sana hindi siya dumating,” pero palagi siyang dumarating. Nang masaya, palagi siyang dumarating.

Talagang mapalad ako at salamat at masigasig ang guro ko sa seminary na maaari naman sanang sumuko noon. Pero hindi siya sumuko.

Pagkaraan ng tatlumpung taon, nagkaroon ako ng pagkakataong turuan ng seminary sa bahay ang anak ko. Hindi siya makadalo sa seminary sa chapel noong taong iyon dahil sa iskedyul niya sa paaralan. Siya ay batang puno ng sigla at hindi kayang maupo lamang sa loob ng 45 minuto, lalo na’t ako ang teacher niya. Kaya nagpasiya akong maghanda ng kakaibang mga klase at ituring ang anak ko na parang siya ang pinakamagaling na estudyante sa seminary, kahit siya lang talaga ang estudyante ko. Pagkatapos ng taong iyon, masaya siya at dama niya ang pagmamahal ng Ama sa Langit para sa kanya, at nadama ko rin iyon.

Mga kapatid, tulad ng anak ko, alam ko na malaking kaibhan ang magagawa ng salita ng Diyos sa ating isipan, sa ating pag-uugali, at sa paraan ng pagtingin sa ating sarili at sa ibang tao.

Nais kong magtapos sa mensaheng mula kay Pangulong Henry B. Eyring:

“Kayong mga kahanga-hangang guro ay nagsisikap nang mabuti at nagsasakripisyo sa paghahandang ituro ang salita ng Diyos, sa mismong pagtuturo, at pangangalaga sa mga estudyante. … Maaari ninyong palakasin ang inyong pananampalataya na marami sa ating mga estudyante ang gagawa ng mga pagpili na hahantong sa tunay na pagbabalik-loob.”1

Pinatotohanan ko ito sa pangalan ni Jesucristo, amen.

Tala

  1. Henry B. Eyring, “We Must Raise Our Sights,” sa Scott C. Esplin and Richard Neitzel Holzapfel, eds., The Voice of My Servants: Apostolic Messages on Teaching, Learning, and Scripture, (2010), 17.