Matnog Seminary Video
Taunang Training Broadcast ng S&I para sa 2020
Richard Manahan: Ang Matnog ay isa sa mga bayan sa probinsya ng Sorsogon. Ito ang lagusan mula sa Luzon patungo sa Visayas. Kung ang Matnog ang lagusan ng milyun-milyong manlalakbay mula sa Luzon patungo sa Visayas at gayundin ng milyun-milyong manlalakbay mula sa Visayas patungo sa Luzon, ang seminary ay isa ring lagusan ng mga estudyante patungo sa mas magandang pagkakataon sa buhay.
Alex Castidades: Ako si Alex Castidades, isang guro sa seminary at ang bagong branch president ng Matnog Branch. Nais kong ipaalam sa lahat na noong taong 2012, nagsimula ang programa ng seminary sa Matnog nang mayroon lang 22 estudyante, ngunit patuloy na lumalaki ang bilang na ito hanggang ngayong taon. Taun-taon ay nadaragdagan ang aming enrollment, kabilang na ang bilang ng mga nakakatapos.
Richard Manahan: At gayon na nga nagpatuloy ito; mula sa 55 at pataas pa, ngayon ay mayroon nang 110 estudyante. Samakatuwid, ang kanilang enrolment ay 100%. Nagawa nilang i-enrol ang lahat ng potensyal na estudyante sa seminary. Nagawa nila iyon noong 2015, ‘16, ‘17, ‘18, ‘19, halos lahat ay 100% dahil naniniwala sila na ang seminary ay makapagpapabago ng mga buhay.
Edilberto Gabelo: Ako si Edilberto Gabelo ng Matnog Branch. Natawag ako bilang isang branch president anim na taon na ang nakararaan. Nirebyu ko ang aming CMIS, ang aming mga membership record. Nahanap ko ang listahan ng mga kabataan na potensyal na estudyante sa seminary. Napakaraming problema dahil walang nagbibigay-pansin sa seminary. Nag-interbyu ako ng mga returned missionary. Ang una ay si Brother Alex. Pumayag siya.
Richard Manahan: Sila ang brother at sister na inirekomendang magturo sa seminary. Sila sina Brother Alex Castidades at Sister Margie. Doon talaga iyon nagsimula, dahil nakita kong gusto at sinusuportahan nila ang programa.
Alex Castidades: Ang mga kabataan ay hindi nakakadalo noon sa seminary, maging sa institute. Ang pangunahing dahilan ay hindi miyembro ng Simbahan ang kanilang mga pamilya. Pangalawa, malayo ang kanilang tirahan sa chapel.
Margie Adiong: Bilang isang bagong guro, hindi ko alam noon kung ano ang aking tungkulin bilang isang guro sa seminary. Napakahirap simulan ng programa, lalo na pagdating sa paghikayat sa mga kabataan. Hindi sila interesado noon.
Edilberto Gabelo: Kinailangan ko ang impluwensya ng Espiritu Santo. Kabilang doon ang paghingi ng patnubay sa Diyos para mabuksan ko ang mga puso ng mga kabataan, pati na rin ng mga magulang para ibigay nila ang kanilang dedikasyon, kahandaan, at suporta para sa mga kabataan.
Alex Castidades: Bilang isang guro sa seminary noon, sumali ako sa council meeting kasama ang branch presidency at ang lahat ng lider ng Simbahan, at doon namin pinag-usapan kung ano ang una naming dapat gawin. Iminungkahi ng isang missionary na mag-ayuno ang buong branch, para matulungan ang mga yaong naliligaw ng landas.
Richard Manahan: Agad kaming sumang-ayon sa isa’t isa. Iisa lang ang aming layunin, ang matulungan sila, dahil prayoridad ng Simbahan na hangga’t maari, kailangan nating anyayahan nang taos-puso ang lahat ng potensyal na estudyante sa seminary. At iyon mismo ang ginawa namin. Lumabas kami at binisita namin silang lahat. Nag-anyaya kami nang nag-anyaya, at pagkatapos ay nagpatulong din kaming mag-anyaya sa mga aktibong estudyante sa seminary.
Stephanie Pantone: Pagkatapos ng klase, hinihintay namin ang isa’t isa sa labasan ng aming paaralan, at doon kami nagkikita-kita para magkakasamang pumunta sa klase sa seminary.
Alex Castidades: Nagtuturo ako sa pang-umagang klase sa branch na ito. Gumigising ako nang 3:00 n.u. para maghandang pumunta sa chapel para sa 5:00 n.u. na seminary. Kailangan nasa chapel na ako bago dumating ang mga estudyante para maihanda ko ang mga materyal na gagamitin namin sa seminary. Pagkatapos ng seminary, dumidiretso ako sa trabaho. Bumibiyahe ako nang dalawang oras mula sa chapel papunta sa aking trabaho. Noong una, nahirapan talaga ako. At pagkatapos, sa hapon, kailangan makabalik ako sa chapel sa Matnog bago sumapit ang 5:00 n.h. para magturo muli sa seminary. Pagdating ko sa Matnong nang 3:00 n.h., at kung mayroon pa akong oras, kailangan kong bisitahin ang aking mga estudyante sa seminary at ang kanilang mga magulang. Sa madaling salita, halos araw-araw akong naglilibot at bumibisita sa mga tahanan ng aking mga estudyante sa seminary.
Margie Adiong: Gayon na nga natawag siya bilang pang-araw-araw na guro sa seminary, at pagkatapos, ako ang naging guro sa home-study. Nahirapan akong pagtuunan ng pansin ang lahat ng kabataan, lalo na ang mga yaong nakatira sa malayo—hindi lang ilang metro kundi maraming kilometro ang layo sa chapel. Kailangan mo silang bisitahin sa kanilang mga tahanan para makabahagi sila sa programa ng seminary. Ngayon, mayroon akong 23 estudyante sa home-study, at isa-isa ko silang binibisita bawat linggo.
Richard Manahan: Hindi natin maaaring balewalain ang potensyal ng isang tao. Nakikita ko sila bilang mga minamahal na anak ng Diyos. Talagang naniniwala ako na ang programang ito ay makapagpapabago sa kanilang mga buhay. Iyon ang dahilan kung bakit matindi ang aming dedikasyon dito. Sa ngayon, 12 na sa kanila ang umalis para magmisyon ngayong taon, at marami pang susunod.
Margie Adiong: Maraming ginagawa ang mga lider, tulad ng paglikha ng mga aktibidad para sa mga kabataan, para mapatibay ang kanilang relasyon sa isa’t isa at mahiyakat ang mga kabataan na makibahagi sa programa ng seminary.
Erica Villareal: Talagang napagpala ako ng seminary dahil pinalakas nito ang aking pananampalataya at tinulungan ako nitong maging matatag at umasa sa lakas ng Panginoon.
Arnold Cariso: Inihahanda ko ang aking sarili na magmisyon sa pamamagitan ng pagdalo sa seminary.
Margie Adiong: Napakasaya ko na makitang kailangan ng ilan sa mga kabataan ang pagkalingang ito! Isa rin akong ina at nais kong maramdaman nila na mayroong nagmamahal sa kanila. Sa tuwing mayroong isang estudyante na hindi nakakadalo sa klase, nalulungkot ako dahil alam kong mayroong problema, at nais kong tumulong sa kanila at alamin kung ano ang dahilan. Kaya kahit nakatira sila sa malayo, ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para bisitahin sila at ipakita sa kanila na mahalaga at espesyal sila.
Richard Manahan: Tulad ng sinabi ko, hindi ako magugulat kung isang araw, marami sa mga kabataang ito ang maging lider ng Simbahan sa lugar na ito o maging sa district.
Mga Kalahok:
-
Richard ManahanCoordinator ng Seminary at Institute
-
Alex CastidadesGuro sa Seminary
-
Edilberto GabeloDating Branch President
-
Margie AdiongGuro sa Home-Study na Seminary
-
Stephanie PantoneEstudyante sa Seminary
-
Erica VillarealEstudyante sa Seminary
-
Arnold CarisoEstudyante sa Seminary