Kababaihan
Kabilang Kayo sa Relief Society.


5:57

Kabilang Kayo sa Relief Society.

Pandaigdigang Debosyonal ng Relief Society sa 2024

Linggo, Marso 17, 2024

President Camille N. Johnson: Mga kapatid, mahal na mahal ko kayo! Napakagandang oportunidad ang matipon sa buong daigdig sa makasaysayang okasyong ito, ang ika-182 anibersaryo ng organisasyon ng Relief Society. Saanman kayo nakatira, anuman ang inyong wika, saanman kayo naglilingkod, kabilang kayo sa samahan ng kababaihan na binuo ng langit upang maihatid sa iba ang pagmamahal at ginhawang dulot ni Jesucristo. At sa inyong lahat na 18-anyos na malapit na naming makasama sa Relief Society, welcome. Kailangan namin kayo; mahal namin kayo!

Kasama ko ang aking mga counselor, sina Sister Dennis at Sister Yee, at ang General Primary at General Young Women Presidency. Narito kami sa Relief Society Building, kung saan kami sama-samang gumagawa, nagdarasal, at nagsasanggunian. Iisa ang aming layunin: tumulong na magkaroon ng mga habambuhay na disipulo ni Jesucristo na tumutupad ng kanilang mga tipan at naghahangad at kwalipikado sa pinakadakilang pagpapala, ang buhay na walang-hanggan kasama ng Diyos at ng mga mahal nila sa buhay. Ang ilan sa inyo ay tinawag sa maikling panahon na maglingkod sa mga bata sa Primary o maglingkod sa ating mga young women. Saanman kayo naglilingkod, kabilang pa rin kayo sa Relief Society.

President Susan H. Porter: Sa pagiging miyembro ng Relief Society ay natutuhan ko mula sa inilaang kababaihan sa buong mundo ang ibig sabihin ng magmahal at maglingkod na tulad ng Tagapagligtas. Dahil dito, ako ay tinawag na tulungan ang mga bata ng Simbahan na lumapit kay Cristo. Nagpapasalamat ako na palagi akong magiging miyembro ng Relief Society.

President Emily Belle Freeman: Ilang taon na ang nakalipas, sinabi sa akin ng isang ministering sister, “Mahal ko ang Relief Society! Isinalig ko dito ang aking tahanan; dito ko isinalig ang aking buhay.” Itinuro niya sa akin ang paniniwala sa ginhawang nagmumula sa isang samahan na sumusunod kay Jesucristo. Itinuro niya sa akin na saan man ako naglilingkod sa Simbahan, ang Relief Society ang aking magiging tahanan.

President Johnson: Napakagandang pahayag ng gawain ng Relief Society—ihatid ang Kanyang ginhawa sa bagong henerasyon sa pagtulong na itatag at palakasin ang personal na ugnayan at katapatan kay Jesucristo sa ating mga anak at kabataan.