“Kumonekta,” Para sa Lakas ng mga Kabataan, Mar. 2021, loob ng pabalat sa harapan.
Kumonekta
Liah T.
16, Louisiana, USA
Malaking bahagi ng buhay ko ang musika. Mahilig akong tumugtog ng biyolin at viola. Noong bata pa ako, tinawag si Inay na magturo ng musika sa Primary. Tinuruan niya akong magustuhan nang husto ang mga awitin sa Aklat ng mga Awit Pambata, at damang-dama ko ang Espiritu tuwing tinutugtog ko ang mga ito.
Sumasayaw din ako para sa Louisiana Vintage Dancers at nagpipinta sa canvas para sa aking mga magulang at sa bahay ko. Labis ang pasasalamat at pagpapahalaga ko sa mga taong nag-uukol ng oras sa pagpipinta ng sining na nakikita natin sa simbahan. Sa palagay ko ay napakaganda na ang pagpipinta ng larawan ay isa pang paraan para maibahagi ng mga tao ang kanilang damdamin tungkol sa ebanghelyo.
Sa pangkalahatang kumperensya noong Oktubre 2018, binanggit ni Elder Gerrit W. Gong ng Korum ng Labindalawang Apostol ang ipinintang larawan ng dapit-hapon sa likod ng kagubatan. Talagang napakaganda nito! Ipinaalala sa akin ng painting na iyon na ang araw ay laging darating pagkatapos ng madilim na gabi.
Ang ebanghelyo ang buhay ko! Gustung-gusto kong iugnay sa ebanghelyo ang pagmamahal ko sa sining. Kung minsan hindi naman talaga kailangang maging isang relihiyosong painting upang madama ko ang pag-ibig ng Diyos. Tumingin pa ako sa mga painting ng ibon at naisip ko, “Ah, nilikha ng Diyos ang ibong iyon para sa akin.”