Seminary
Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan: Mahigpit na Kumapit sa Salita ng Diyos


“Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan: Mahigpit na Kumapit sa Salita ng Diyos,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Panimulang Materyal

Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan

Mahigpit na Kumapit sa Salita ng Diyos

Larawan
Dalagitang nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Natatangi ang mga banal na kasulatan sa kakayahan nito na mapalalim ang pananampalataya at pagmamahal sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Ang palagian at makabuluhang pag-aaral ay nanghihikayat ng pananampalataya at nagpapalakas sa ating buhay araw-araw. Ang layunin ng lesson na ito ay dagdagan ang iyong hangarin at kakayahang pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw at tumanggap ng mga ipinangakong pagpapala na kasama sa pag-aaral ng banal na kasulatan.

Pag-aaral ng banal na kasulatan araw-araw

Kung nais ng isang tao na mas lumakas sa pamamagitan ng pagpu-push-up, ano ang kailangan niyang gawin? Gaano katagal bago makita ang kapansin-pansing pag-iibayo ng lakas? Anong mga hamon ang maaaring kailangang madaig ng isang tao?

  • Paano ito maiuugnay sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan?

Basahin ang mga sumusunod na pahayag nina Pangulong Thomas S. Monson (1927–2018) at Julie B. Beck, na noon ay Unang Tagapayo sa Young Women General Presidency, at rebyuhin kung ano ang itinuturo nila tungkol sa pag-aaral ng banal na kasulatan:

Ang paggugol ng oras sa bawat araw sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay hindi mapag-aalinlanganang nagpapatibay ng ating mga saligan ng pananampalataya at ng patotoo natin sa katotohanan. (Thomas S. Monson, “Saligang Kaytibay,” Liahona, Nob. 2006, 67–68)

Bagama’t hindi ko itinuturing ang sarili ko na dalubhasa sa banal na kasulatan, … nagpapasalamat ako’t nasimulan ko ang panghabambuhay na gawi na basahin [ang mga banal na kasulatan]. Imposibleng matutuhan ang mga [aral na nilalaman] ng mga banal na kasulatan sa minsanang pagbasa lang nito o pag-aaral ng mga piling talata sa klase. (Julie B. Beck, “Ang Aking Kaluluwa ay Nalulugod sa mga Banal na Kasulatan,” Liahona, Mayo 2004, 107)

  • Ano ang nalaman mo?

Isipin kung ano ang nadarama mo tungkol sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

Larawan
icon, record
  1. Sa iyong study journal, kumpletuhin ang sumusunod:

Handout: “Ebalwasyon para sa Pag-aaral ng Banal na Kasulatan”

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)—“Pag-aaral ng mga Banal na Kasulatan”

Mga pagpapala para sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan

Anuman ang inilagay mong rank sa nakaraang ebalwasyon, maaari mong pag-ibayuhin ang iyong hangarin at kakayahan na tanggapin ang mga pagpapala ng mga banal na kasulatan. Ang pag-unawa sa mga pagpapalang nauugnay sa makabuluhang pag-aaral ng banal na kasulatan ay makatutulong para madagdagan ang pag-unlad na iyon.

Basahin ang mga sumusunod na talata, at alamin ang mga pagpapalang nagmumula sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan.

  • Anong mga katotohanan na nauugnay sa pag-aaral ng banal na kasulatan ang matutukoy mo mula sa mga talatang ito?

  • Alin sa mga katotohanan o pagpapalang ito ang naranasan mo?

Para sa mga karagdagang pagpapala na nagmumula sa pag-aaral ng banal na kasulatan, tingnan ang “Opsiyonal: Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?

Paano ako mas matututo pa mula sa pag-aaral ko ng banal na kasulatan?

  • Ano ang makatutulong sa isang tao para marami siyang matutuhan sa pag-aaral niya ng banal na kasulatan?

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Elder D. Todd Christofferson ng Korum ng Labindalawang Apostol at maghanap ng mga karagdagang kasanayan na makatutulong para maging mas epektibo ang pag-aaral ng banal na kasulatan.

Kung minsa’y magandang basahin ang isang aklat sa banal na kasulatan sa takdang haba ng panahon para maunawaan ang buong mensahe nito, ngunit sa pagbabalik-loob, mas mahalaga dapat ang oras ninyo sa pagbabasa ng mga banal na kasulatan kaysa sa dami ng nabasa ninyo sa oras na iyon. Kung minsa’y nawawari kong nagbabasa kayo ng ilang talata, tumitigil sandali para pag-isipan ito, at muling binabasa ang talata, at habang pinag-iisipan ang kahulugan nito, ay nagdarasal kayong maunawaan ito, nag-iisip ng mga tanong, naghihintay ng espirituwal na mga paramdam, at isinusulat ang damdamin at kabatirang dumarating para mas matandaan ito at matuto pa kayo. Sa ganitong pag-aaral, maaaring ilang kabanata o talata lang ang mabasa ninyo sa kalahating oras, pero bibigyan ninyo ng puwang sa inyong puso ang salita ng Diyos, at kakausapin Niya kayo. (D. Todd Christofferson, “Kapag Ikaw ay Nagbalik-loob,” Liahona, Mayo 2004, 11)

  • Ano ang nakikita mo sa mga ideyang ito na makatutulong sa iyong pag-aaral ng banal na kasulatan?

Sa susunod na 5 o 10 minuto, subukang gamitin ang mga mungkahing ibinigay ni Elder Christofferson. Maglaan ng oras na magnilay, muling magbasa, magdasal, magtanong, at magsulat ng mga impresyon. Narito ang ilang posibleng scripture passage na maaari mong gamitin (huwag mag-atubiling pumili ng iba’t ibang scripture passage sa Aklat ni Mormon).

Mosias 3; Alma 32; 3 Nephi 11

  • Ano ang inyong naranasan sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa ganitong paraan?

  • Paano maiimpluwensyahan ng pag-aaral sa ganitong paraan ang inyong personal na pag-aaral ng banal na kasulatan?

Magtakda ng mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan

Ang isa sa mga layunin ng seminary ay tulungan ka na mas mapalapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng araw-araw na pag-aaral ng mga banal na kasulatan. Upang matulungan ka, may kinakailangan para sa seminary credit na basahin ang aklat ng banal na kasulatan sa kasalukuyang taon nang hindi bababa sa 75 porsiyento ng mga araw sa kalendaryo ng semester.

Humingi ng inspirasyon sa pamamagitan ng Espiritu Santo para makapagtakda ng personal na mithiin sa pag-aaral. Upang makatulong, magsimula sa pagdarasal upang humingi ng inspirasyon mula sa Ama sa Langit. Isipin ang mga sumusunod na tanong habang nagtatakda ka ng mithiin:

  • Kailan at saan ko maaaring pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw?

  • Ilang oras ako mag-aaral sa bawat araw?

  • Ano ang magagawa ko upang mas lubos kong maanyayahan ang Espiritu Santo sa pag-aaral ko ng banal na kasulatan?

Larawan
icon, isulat
  1. Isulat ang iyong mithiin sa pag-aaral ng banal na kasulatan at ang iyong plano upang maisakatuparan ito.

Print