Seminary
Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya: Ang Responsibilidad ng Estudyante


“Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya: Ang Responsibilidad ng Estudyante,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Panimulang Materyal

Matuto sa pamamagitan ng Pananampalataya

Ang Responsibilidad ng Estudyante

San Jose de Ocoa Dominican Republic Seminary

Mahal ka ng Ama sa Langit at ni Jesucristo at nais Nilang ituro sa iyo ang ebanghelyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. Ano ang magagawa mo upang matanggap pa kung ano ang handa Nilang ituro sa iyo? Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na matuto mula sa iyong pag-aaral at karanasan sa seminary sa pamamagitan ng pag-unawa sa ibig sabihin ng matuto sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo.

Nais ng Panginoon na may pagsisikap

Panoorin ang video na “Isang Natatanging Dakilang Tungkulin,” na matatagpuan sa SimbahanniJesucristo.org, mula sa time code na 2:16 hanggang 3:49 o basahin ang pahayag sa ibaba. Isipin ang mga sitwasyon kung saan maiaangkop ang pahayag na ito.

Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:

11:25

An Especially Noble Calling

Sister Jones draws on the example and teachings of Joseph Smith to encourage women in striving to fulfill their great spiritual potential.

Nais ng Panginoon na may pagsisikap, dahil naghahatid ito ng mga gantimpala na hindi darating kung wala ito. (Russell M. Nelson, sa Joy D. Jones, “Isang Natatanging Dakilang Tungkulin,” Liahona, Mayo 2020, 16)

  • Paano natin maiaangkop ang pahayag ni Pangulong Nelson sa ating buhay? Halimbawa, paano ito maiaangkop sa gawaing misyonero, pagmiministeryo, o pag-aaral?

  • Sa iyong palagay, paano ito maiaangkop sa pag-aaral ng ebanghelyo ni Jesucristo sa seminary ngayong taon?

Upang tulungan kang masuri ang iyong sariling pag-aaral ng ebanghelyo, isipin ang mga sumusunod na tanong:

  • Anong mga pagsisikap ang ginagawa mo sa kasalukuyan upang matutuhan ang ebanghelyo ni Jesucristo? Paano mo inanyayahan ang Diyos na turuan ka?

  • Nadarama mo ba na nakukuha mo ang mga resultang gusto mo at kailangan mo? Bakit oo o bakit hindi?

Habang pinag-aaralan mo ang lesson na ito, mag-isip ng mga paraan na gusto mong matuto at umunlad ngayong taon sa seminary. Hingin ang patnubay ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng Espiritu Santo upang tulungan kang malaman kung paano isabuhay ang lesson na ito.

Mga turo sa Aklat ni Mormon

Basahin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na doctrinal mastery passage, at alamin kung ano ang nagagawa ng ating sariling mga pagsisikap at hangarin at kung ano ang ginagampanan ng Diyos sa pag-aaral natin ng ebanghelyo.

  • Ano ang nakita mo na makatutulong sa iyo na mas matuto mula sa Diyos sa panahon ng seminary?

  • Sa iyong palagay, ano ang mga magiging resulta kung umasa ang isang tao na bibigyan siya ng Diyos ng kaalaman ngunit hindi naman siya nagsisikap? O kung nagsisikap siya pero hindi naman siya humihingi ng tulong sa Diyos? Bakit?

Batay sa napag-aralan mo sa ngayon, ibuod sa isang pangungusap ang naunawaan mo tungkol sa pag-aaral ng ebanghelyo.

Mababago ba ng seminary ang iyong buhay?

4:14

Seminary Can Change Lives

President Thomas S. Monson teaches how seminary can help you build and strengthen your testimony. "Effort is required," he says. "But it is effort you will never, ever regret."

Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Russell M. Nelson, at alamin kung ano ang makatutulong upang malaman kung babaguhin ng seminary ang iyong buhay.

Kapag mas tinutularan ninyo ang halimbawa ni Jesucristo, mas magtatagumpay kayo.

Ano, kung gayon, ang makatutulong sa inyo na maging tapat na disipulo ni Jesucristo? Ang isang sagot ay ang seminary at institute—hindi lamang pagdalo kundi aktibong pakikibahagi sa klase at tapat na paggawa ng anumang assignment na ibinigay. …

Ang maka-graduate mula sa seminary at institute ay magpapaibayo sa kakayahan ninyong magpakahusay sa pinakamahahalagang bagay na gagawin ninyo sa buhay. Tunay na kagalakan ang mapapasainyo! (Russell M. Nelson, “A Personal Invitation to Participate in Seminary and Institute,” Peb. 2019, ChurchofJesusChrist.org)

  • Ano ang pinakamahalaga sa iyo sa pahayag ni Pangulong Nelson? Bakit?

  • Paano ka makapagtutuon sa pagsunod kay Jesucristo sa panahon ng iyong pag-aaral sa seminary?

  • Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng “aktibong pakikibahagi” sa seminary?

Paano matuto sa seminary

icon, isulat
  1. Isulat ang iyong payo para sa sumusunod na sitwasyon.

    Mga kalahok sa klase ng seminary

    Ipagpalagay na dadalo sa seminary ang binatilyo sa larawang ito sa unang pagkakataon. Nais niyang espirituwal na matuto at umunlad ngunit hindi siya sigurado kung paano ito gawin. Batay sa natutuhan mo ngayon at sa iyong nakaraang karanasan sa seminary at simbahan, isulat ang payong ibibigay mo sa kanya.

    Tiyaking isama

    • ang maaari niyang gawin bago magklase, habang nagkaklase, at pagkatapos ng klase upang madagdagan ang kanyang espirituwal na kaalaman

    • kung paano siya magtutuon sa pagsunod sa Tagapagligtas at anyayahan ang Espiritu Santo na turuan siya

Magtakda ng mithiin na lalong matuto sa iyong pag-aaral sa seminary ngayong taon. Upang magawa ito, maaari mong sagutin ang mga sumusunod na tanong:

  • Ano ang inaasam mong matutuhan sa seminary ngayong taon?

  • Ano ang handa mong gawin upang maipakita sa Panginoon na gusto mong matuto mula sa Kanya at maging higit na katulad Niya?