Seminary
Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1: Kumilos nang may Pananampalataya


“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1: Kumilos nang may Pananampalataya,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)

“Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1,” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser

Mga Panimulang Materyal

Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman, Bahagi 1

Kumilos nang may Pananampalataya

Mga dalagita na nagbabasa at nag-aaral

Ang isa sa mga layunin ng doctrinal mastery ay matutuhan at maisabuhay ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman upang itayo ang iyong saligan kay Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo habang naghahanap ka ng mga sagot sa mga tanong at alalahanin sa iyong buhay.

Mabuti o masama ba ang mga tanong?

Isipin kung alin sa mga sumusunod na sagot ang naaangkop sa tanong na ito:

  • Alin sa mga sumusunod ang mga posibleng dahilan kung bakit may mga tanong ang isang tao tungkol sa ebanghelyo o sa Simbahan ni Jesucristo?

    1. Wala pa silang patotoo tungkol sa ebanghelyo.

    2. Gusto nila ang ebanghelyo at nais nilang maunawaan pa ito.

    3. Nag-aalinlangan sila sa pananampalataya na mayroon sila noon.

    4. Maaaring bigyang-inspirasyon sila ng Diyos na mag-isip ng isang bagay na nais Niyang ituro sa kanila.

      Ang sagot ay depende sa pag-uugali at mga dahilan ng bawat tao sa pagtatanong. Basahin ang talata 3 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022), at alamin kung paano mapalalakas o mapahihina ng ating pagharap sa mga tanong tungkol sa ebanghelyo ang ating pananampalataya kay Jesucristo.

  • Ano ang pinakamahalaga para sa iyo sa talatang ito? Bakit?

Lahat ay may mga tanong at alalahanin. Dapat tayong mag-ingat na huwag husgahan ang pananampalataya ng iba kapag may mga tanong sila, at hindi natin kailangang pagdudahan ang ating sariling pananampalataya kapag may mga tanong tayo. Ang ating pananampalataya kay Jesucristo at ang ating patotoo tungkol sa ipinanumbalik na ebanghelyo ay mapalalakas o mapahihina depende sa paraan ng pagharap natin sa ating mga tanong at alalahanin. Habang nag-aaral ka ngayon, isipin ang nagagawa ng iyong mga tanong sa iyong espirituwal na pag-unlad. Ano ang mga tanong mo tungkol sa ebanghelyo o sa Simbahan ni Jesucristo? Nadarama mo ba na mas inilalapit ka ng iyong mga tanong sa Tagapagligtas at sa Kanyang Simbahan?

Pagtatamo ng espirituwal na kaalaman

Sa iyong buong karanasan sa seminary, magkakaroon ka ng pagkakataong magsanay gamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman. Ang sumusunod na tatlong alituntunin ay makatutulong sa iyo na mas mapalapit kay Jesucristo kapag may mga tanong o alalahanin sa iyong buhay:

  1. Kumilos nang may pananampalataya.

  2. Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw.

  3. Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos.

Ang natitirang bahagi ng lesson na ito ay magtutuon sa alituntunin ng pagkilos nang may pananampalataya kay Jesucristo.

Basahin ang talata 5–7 ng bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document, at alamin ang ilang paraan na matatapos mo ang sumusunod na pangungusap.

Kapag may mga tanong o alalahanin, maaari tayong kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo sa pamamagitan ng… .

icon, isulat
  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

    • Sa iyong palagay, alin sa mga paraan na pinili mo ang pinakaangkop sa mga tinedyer ngayon o maging sa iyong buhay? Bakit?

    • Paano nakakaapekto sa kaugnayan ng isang tao sa Tagapagligtas ang pagpiling kumilos nang may pananampalataya sa ganitong paraan?

    • Sino ang kakilala mo na kumilos nang may pananampalataya kapag nahaharap sa mga tanong o alalahanin? Ano ang ginawa niya?

4:56

Kumilos nang may Pananampalataya: Ang Kantero

Kapag ang doktrina o aral ay hindi akma sa batong-pader ng ating patotoo, iiwan lang ba natin ito at lalakad palayo?

Mga halimbawa sa banal na kasulatan

Ang mga banal na kasulatan ay naglalaman ng maraming salaysay tungkol sa mga taong naharap sa mahihirap na tanong o alalahanin nang may pananampalataya kay Jesucristo. Isa sa kanila ang propetang si Nephi. Basahin ang mga sumusunod na halimbawa mula sa buhay ni Nephi, at alamin kung paano siya kumilos nang may pananampalataya kay Jesucristo kapag may mga kinakaharap na tanong at iba pang problema.

  • 1 Nephi 2:16—Ang ilan sa kanyang mga mahal sa buhay ay nagalit sa ipinagawa sa kanila ng kanilang ama, ang propetang si Lehi.

  • 1 Nephi 3:7—Inutusan siya na gawin ang isang bagay na mahirap.

  • 1 Nephi 9:5–6—Inutusan siya ng Panginoon na gawin ang isang bagay para sa mga layuning hindi niya alam.

  • 1 Nephi 10:17; 11:1–5—Nais niyang makita ang mga bagay na itinuro ng kanyang ama, ang propeta.

  • 1 Nephi 11:17—Hindi niya lubos na nalalaman ang sagot sa isang bagay na itinanong sa kanya tungkol sa ebanghelyo.

  • Aling mga elemento ng pagkilos nang may pananampalataya ang pinakamahusay na ipinakita ni Nephi?

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

Ilarawan ang isang makabagong tanong o alalahanin na maaaring makaapekto sa pananampalataya ng isang tao kay Jesucristo o sa Kanyang Simbahan. Paano makakakilos nang may pananampalataya ang isang tao kapag nahaharap siya sa tanong o problemang iyon?

  • Paano makakaapekto ang pagpiling kumilos nang may pananampalataya o huwag kumilos nang may pananampalataya sa kanyang kaugnayan sa Tagapagligtas?

  • Ano ang pinakagusto mong ipamuhay mula sa napag-aralan mo ngayon? Paano ka nito matutulungan sa iyong buhay?