“Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7: ‘Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser (2024)
“Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7: ‘Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon,’” Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Titser
Doctrinal Mastery: 1 Nephi 3:7
“Hahayo Ako at Gagawin ang mga Bagay na Ipinag-uutos ng Panginoon”
Sa nakaraang lesson, nalaman mo na palaging naghahanda ng paraan ang Panginoon para maisakatuparan natin ang iniuutos Niya sa atin. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Nephi 3:7, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga makatotohanang sitwasyon.
Ipaliwanag at isaulo
Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay bigyan ka ng pagkakataong magsanay sa pagpapaliwanag ng mga katotohanan ng ebanghelyo ni Jesucristo sa sarili mong mga salita. Napakaraming paraan para mapagpala mo ang buhay ng mga tao sa paligid mo habang mas nauunawaan at sinasanay mong ipaliwanag ang doktrina ng Tagapagligtas na matatagpuan sa Kanyang mga banal na kasulatan.
Basahin ang 1 Nephi 3:7 at ibuod ang itinuturo nito sa sarili mong mga salita.
Subukang mag-isip ng sitwasyon kung saan makatutulong sa isang tao ang mga katotohanang itinuro sa talatang ito. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong:
-
Anong mga katotohanan mula sa talatang ito ang ibabahagi mo sa isang tao sa sitwasyong naisip mo? Bakit?
-
Ano ang iba’t ibang paraan na makapaghahanda ang Diyos ng paraan upang maisakatuparan natin ang iniuutos Niya?
-
Anong mga karanasan ang maibabahagi mo para maisalarawan ang katotohanan na naghahanda ang Diyos ng paraan upang maisakatuparan natin ang anumang iniuutos Niya sa atin?
Maglaan ng ilang minuto upang isaulo ang reperensya at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa 1 Nephi 3:7: “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” Ang isang paraan upang magawa ito ay isipin ang iba’t ibang kautusan na ibinigay ng Panginoon at ulitin sa iyong isipan ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan pagkatapos ng bawat isa.
Pagsasanay para sa pagsasabuhay
Lahat tayo ay makakaranas ng mahihirap na sitwasyon at uutusan ng Diyos na gawin ang mahihirap na bagay sa ating buhay. Ang pagsasabuhay ng mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman ay makatutulong sa iyo na mapalakas mo ang iyong pananampalataya kay Jesucristo sa pagharap mo sa mga sitwasyong ito.
Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at pumili ng isang sitwasyon na gusto mong pagtuunan para sa susunod na aktibidad.
-
Mahal ni Sarah ang Panginoon at gusto niyang maglingkod sa Kanyang Simbahan. Gayunman, kamakailan lang ay nakatanggap siya ng tungkulin sa Simbahan na sa palagay niya ay hindi siya kwalipikadong gawin. Tinanggap niya ang tungkulin ngunit nag-aalangan siyang gawin ito.
-
Nalulungkot si Rosa dahil nahihirapan siyang sundin ang isang kautusan. Sinusunod niya ang kautusan kung minsan ngunit hindi niya ito palagiang nagagawa.
Kumilos nang may pananampalataya
Basahin ang talata 5–7 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022).
Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw
Basahin ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document. Maaari mong markahan ang kahit dalawang parirala o ideya na sa palagay mo ay makatutulong kay Sarah o kay Rosa.
Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos
Basahin ang talata 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document.
Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala
Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)
Reperensyang Banal na Kasulatan |
Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan |
---|---|
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magbibigay [ang Diyos] sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kinakailangan kayong laging manalangin.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.” |
Reperensyang Banal na Kasulatan | Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan “[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.” |
© 2023 by Intellectual Reserve, Inc. All rights reserved.