Seminary
Doctrinal Mastery: Mosias 2:17—“Nasa Paglilingkod ng Inyong Diyos”


“Doctrinal Mastery: Mosias 2:17—‘Nasa Paglilingkod ng Inyong Diyos,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Doctrinal Mastery: Mosias 2:17,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Mosias 2:17

“Nasa Paglilingkod ng Inyong Diyos”

mga binatilyong bumibisita sa matandang lalaki

Sa lesson na “Mosias 2:1–18,” natutuhan mo na “kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17). Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery passage at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:17, maipaliwanag ang doktrina, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Ipaliwanag at isaulo

Basahin ang Mosias 2:17 at ang doctrinal mastery passage sa Bagong Tipan na Mateo 22:36–39, at alamin ang mga pagkakatulad.

  • Anong mga pagkakatulad ang nakita ninyo sa Mateo 22:36–39 at Mosias 2:17?

  • Paano ninyo ipaliliwanag ang doktrina ng paglilingkod gamit ang mga scripture passage na ito?

Maglaan ng ilang minuto upang isaulo ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:17. Isulat ang mga ito sa isang papel: “‘Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos’ (Mosias 2:17).” Maglaan ng ilang minuto upang ulitin ang mahalagang parirala at scripture reference nang maraming beses hangga’t kaya mo.

Dalhin ang piraso ng papel sa maghapon. Sa buong maghapon, kapag naramdaman mo o naalala mo na naroon ang papel na ito, subukang ulitin ang mahalagang parirala at scripture reference sa iyong isipan. Bago ka matulog, subukang ulitin ang mga ito ayon sa pagkakaalala mo.

Pagsasabuhay

Basahin ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa Doctrinal Mastery Core Document (2022). Pumili ng isang pangungusap mula sa bawat bahagi na sa palagay mo ay partikular na makabuluhan. Maaari mong markahan ang mga pangungusap na ito. Isaisip ang mga pangungusap na ito habang ginagawa mo ang sumusunod na pagsasanay.

Ang paglilingkod ay karaniwang magandang karanasan para sa mga nakikibahagi at naglilingkod. Gayunpaman, may mga hamon din na maaaring maging bahagi ng paglilingkod. Pagnilayan ang mga naging oportunidad mo sa paglilingkod kamakailan. Ano ang ilan sa mga hamong dumating kaakibat ng paglilingkod? Ano ang ilang dahilan kung bakit ayaw maglingkod ng mga tao?

Magsulat ng sarili mong sitwasyon na naglalarawan ng isang hamon sa paglilingkod. Narito ang isang halimbawa: Hiniling kay Sophia ng mga lider ng kanyang Simbahan na magdala ng regalo para sa kaarawan ng isang di-gaanong aktibong batang babae sa kanyang klase sa Young Women. Nang buksan ng batang babae ang pinto, hindi ito gaanong mabait kay Sophia. Nasaktan si Sophia, kaya umalis siya na nagsisisi na ginawa niya ang paglilingkod.

Kumilos nang may pananampalataya

icon, isulat
icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Paano naging pagpapakita ng pananampalataya ang maglingkod sa kabila ng mga hamon?

    • Paano makatutulong ang doktrinang itinuro sa Mosias 2:17 sa tao sa sitwasyong ito na kumilos nang may pananampalataya?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

icon, isulat
  1. Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

    • Ano ang nagbabago kapag nakikita mo ang sitwasyon nang may walang-hanggang pananaw?

    • Paano makatutulong ang doktrinang itinuro sa Mosias 2:17 sa taong ito na makita ang mga bagay-bagay nang may walang-hanggang pananaw?

    • Ano kaya ang gagawin ng Tagapagligtas sa sitwasyong ito?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Maghanap ng karagdagang banal na kasulatan o pahayag mula sa pangkalahatang kumperensya na maibabahagi mo upang matulungan ang isang tao na kusang-loob na maglingkod. Upang magawa ito, subukang maghanap ng tungkol sa “paglilingkod” sa Gospel Library app, at pagkatapos ay tingnan ang mga banal na kasulatan o mga mensahe sa kumperensya na lumitaw. Maaari mo ring hanapin ang “Paglilingkod” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

  1. Isulat ang banal na kasulatan o sipi na nahanap mo, at ilarawan kung paano ito makatutulong sa tao sa sitwasyon.