Seminary
Doctrinal Mastery: Mosias 2:41—“Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos”


“Doctrinal Mastery: Mosias 2:41—‘Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos,’” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Mosias 2:19–41,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Doctrinal Mastery: Mosias 2:41

“Ang Pinagpala at Maligayang Kalagayan ng mga Yaong Sumusunod sa mga Kautusan ng Diyos”

mga kabataan na nagtatawanan

Sa nakaraang lesson, natutuhan mo na kung susundin natin ang mga kautusan ng Diyos, pagpapalain Niya tayo sa temporal at espirituwal. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na maisaulo ang doctrinal mastery reference at ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan para sa Mosias 2:41, maipaliwanag ang doktrinang itinuro sa passage na ito, at magamit ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman sa mga sitwasyon sa tunay na buhay.

Isaulo at ipaliwanag

Magdrowing o gumuhit ng isang larawan na kumakatawan sa doktrinang itinuro sa Mosias 2:41.

Kapag natapos mo na ang iyong drowing, gamitin ito upang tulungan kang maisaulo ang mahalagang parirala ng banal na kasulatan: “Yaong mga sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

icon, isulat
  1. Sagutin ang sumusunod na tanong:

    • Paano mo magagamit ang iyong drowing upang ipaliwanag ang doktrinang itinuro sa Mosias 2:41?

Pagsasabuhay

Isipin ang sumusunod na sitwasyon:

Si Jenna ay may doctrinal mastery lesson sa seminary na nagbigay-diin na ang pagsunod sa mga kautusan ng Diyos ay nagdudulot ng higit na kaligayahan at mga pagpapala sa ating buhay. Pagkatapos, nagulumihanan si Jenna tungkol sa sarili niyang sitwasyon. Sinisikap niyang sundin ang mga kautusan ngunit tila hindi niya madama na mas madali, mas masaya, o mas maganda ang buhay niya. Nahihirapan pa rin siya sa paaralan at mayroon siyang ilang problema sa pamilya at mga kaibigan. Kung ang pagsunod niya sa mga kautusan ay dapat magdulot ng kaligayahan, bakit ganito ang nadarama niya?

Kumilos nang may pananampalataya

Basahin ang talata 5–6 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maghanap ng mga parirala na makatutulong kay Jenna.

  • Ano ang maibabahagi mo mula sa mga talatang ito upang matulungan si Jenna na kumilos nang may pananampalataya?

  • Sa iyong palagay, paano ito makatutulong kay Jenna?

Suriin ang mga konsepto at tanong nang may walang-hanggang pananaw

Basahin ang talata 8 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maghanap ng mga parirala na makatutulong kay Jenna.

  • Ano ang maibabahagi mo kay Jenna?

  • Bakit mo ito ibabahagi sa kanya?

Hangaring mas makaunawa sa pamamagitan ng sources na itinalaga ng Diyos

Basahin ang talata 11 sa bahaging “Pagtatamo ng Espirituwal na Kaalaman” ng Doctrinal Mastery Core Document (2022). Maghanap ng mga parirala na makatutulong kay Jenna.

  • Ano ang ilan sa iba pang mga sources na mula sa Diyos ang maaari mong irekomendang gamitin ni Jenna?

  • Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa kanya?

  1. Sagutin ang sumusunod na tanong sa isang talata na may 5 pangungusap man lang.

    • Paano maipamumuhay ni Jenna ang mga alituntunin ng pagtatamo ng espirituwal na kaalaman at ang Mosias 2:41 upang malutas ang kanyang alalahanin?