Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11: Isaulo at Unawain


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11: Isaulo at Unawain,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 11

Isaulo at Unawain

estudyanteng nagtataas ng kamay para magtanong

Ang pagsasaulo ng mga doctrinal mastery passage at pag-unawa sa doktrinang itinuturo nito ay makapag-aanyaya sa Espiritu Santo sa iyong buhay at makatutulong sa iyo na maging higit na katulad ni Jesucristo. Layunin ng lesson na ito na tulungan ka na maisaulo ang mahahalagang parirala ng banal na kasulatan mula sa unang 12 doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon at maghangad na makaunawa pa sa pamamagitan ng pagtatanong at pagsagot ng mga inspiradong tanong.

Isaulo ang mga reference at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan

Gamitin ang sumusunod na chart para marebyu ang unang 12 doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon. Pumili ng dalawa hanggang tatlong mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na hindi mo pa naisasaulo. Sa isang pirasong papel o sa iyong study journal, isulat ang scripture reference at mahalagang parirala ng banal na kasulatan habang sinasabi nang malakas ang mga salita. Ulitin ang prosesong ito nang ilang beses hanggang sa mabigkas mo ang buong parirala nang walang kopya. Pagkatapos ay magpatuloy sa iyong susunod na doctrinal mastery passage.

Unang 12 Doctrinal Mastery Passage at Mahahalagang Parirala

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

1 Nephi 3:7

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hahayo ako at gagawin ang mga bagay na ipinag-uutos ng Panginoon.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:25

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon, upang sila ay magkaroon ng kagalakan.”

Scripture Reference

2 Nephi 2:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At sila ay malayang makapipili ng kalayaan at buhay na walang hanggan … o … pagkabihag at kamatayan.”

Scripture Reference

2 Nephi 26:33

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Pantay-pantay ang lahat sa Diyos.”

Scripture Reference

2 Nephi 28:30

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Ang Diyos ay “magbibigay sa mga anak ng tao ng taludtod sa taludtod, ng tuntunin sa tuntunin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:3

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Magpakabusog kayo sa mga salita ni Cristo; sapagkat masdan, ang mga salita ni Cristo ang magsasabi sa inyo ng lahat ng bagay na dapat ninyong gawin.”

Scripture Reference

2 Nephi 32:8–9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan kayong laging manalangin.”

Scripture Reference

Mosias 2:17

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung kayo ay nasa paglilingkod ng inyong kapwa-tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos.”

Scripture Reference

Mosias 2:41

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Ang] mga yaong sumusunod sa mga kautusan ng Diyos … ay pinagpala sa lahat ng bagay.”

Scripture Reference

Mosias 3:19

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Hubarin ang likas na tao at maging banal sa pamamagitan ng pagbabayad-sala ni Cristo, ang Panginoon.”

Scripture Reference

Mosias 4:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maniwala sa Diyos; … maniwala na taglay niya ang lahat ng karunungan.”

Scripture Reference

Mosias 18:8–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Mag]pabinyag sa pangalan ng Panginoon, bilang saksi … na kayo ay nakikipagtipan sa kanya.”

Pagbibigay ng mga inspiradong tanong

Ang mga inspiradong tanong ay mahalagang bahagi ng proseso ng pagkatuto. Sa Kanyang mortal na ministeryo, madalas magtanong ang Tagapagligtas na nag-aanyaya sa mga mag-aaral na mag-isip, makadama, at kumilos ayon sa mga katotohanang itinuro Niya (tingnan sa Mateo 16:13–16; Juan 6:66–69). Siguro napansin mo ang isang magulang, titser, o lider ng Simbahan na nagtanong ng mga bagay na nakatulong sa iyo na mas maunawaan ang ebanghelyo o maiugnay ang natututuhan mo sa sarili mong buhay. Ang pagtatanong at pagsagot ng mga inspiradong tanong ay magagawang mas nakahihikayat at makabuluhang karanasan para sa iyo ang proseso ng pagkatuto.

Maraming iba’t ibang uri ng mga tanong. Ngayon ay magkakaroon ka ng pagkakataong magsanay sa pagtatanong at pagsagot ng mga inspiradong tanong upang matulungan kang maunawaan ang mga doctrinal mastery passage.

Ang sumusunod ay mga halimbawa ng iba’t ibang uri ng mga tanong na magagamit kapag pinag-aaralan ang mga banal na kasulatan. Ang mga halimbawang tanong ay nauugnay sa mga katotohanang itinuro sa 2 Nephi 32:8–9.

Mga tanong na tutulong sa iyo na maunawaan ang konteksto ng mga banal na kasulatan

Mga tanong na tutulong sa iyo na maunawaan ang nilalaman o kahulugan ng mga banal na kasulatan

Ang mga tanong na ito ay makatutulong sa atin na matukoy ang doktrina at mga alituntunin.

  • Ano ang nais ng may-akda na matutuhan natin?

  • Ano sa palagay mo ang ibig sabihin ng “laging manalangin, at huwag manghina”? (2 Nephi 32:9).

Mga tanong na tutulong sa iyo na maunawaan ang doktrina at mga alituntunin sa mga banal na kasulatan

  • Sa iyong palagay, paano nakakaimpluwensya sa ating kaugnayan sa Ama sa Langit ang laging pagdarasal?

  • Ano ang makatutulong sa atin para maalala natin na laging manalangin, kahit hindi natin nais na manalangin?

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Pumili ng isa sa mga doctrinal mastery passage sa pagitan ng 1 Nephi 3:7 at Mosias 18:8–10. Sumulat ng tatlong tanong—isa para sa bawat kategorya sa itaas—na maaari mong itanong tungkol sa doctrinal mastery passage. Tingnan ang mga nakaraang halimbawa kung kailangan mo ng tulong. Sagutin ang bawat tanong na isinulat mo.

    Pag-isipang pag-aralan ang pinili mong doctrinal mastery passage kasama ang isang magulang, kapatid, o kaibigan at hilingin sa kanila na sagutin ang iyong mga tanong.