“Alma 8: Pakikinig at Pagsunod sa Ama sa Langit,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)
“Alma 8,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon
Alma 8
Pakikinig at Pagsunod sa Ama sa Langit
Maaaring mahirap sumunod sa Ama sa Langit, ngunit humahantong ito sa pinakamalaking kaligayahan. Nang manampalataya sina Alma at Amulek at sinunod nila ang tagubilin ng Diyos, pinagpala sila ng Diyos at ang mga nasa paligid nila. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na marinig at masunod ang Ama sa Langit sa iyong buhay.
Pagsunod sa Ama sa Langit
Isipin kung ano ang madarama mo kung ipagagawa sa iyo ng Ama sa Langit ang sumusunod at kung bakit ganoon ang madarama mo:
-
Ibahagi ang ebanghelyo sa isang taong tumanggi sa iyong mga paanyaya noon.
-
Kaibiganin at tulungan ang isang tao sa inyong paaralan na inaayawan o hindi tinatanggap.
-
Ano ang ilan pang mga kautusan o pahiwatig na maaaring ibigay sa atin ng Ama sa Langit na maaaring mahirap tanggapin at sundin? Bakit kaya napakahirap ng mga sitwasyong ito?
Sa kabanatang pag-aaralan mo ngayon, iniutos ng Diyos kay Alma na harapin ang isang sitwasyon na katulad sa unang sitwasyon sa itaas, at si Amulek ay naharap sa isang sitwasyon na katulad sa pangalawa. Pag-isipan sandali kung may mga kautusan o pahiwatig mula sa Diyos na mahirap para sa iyo na sundin. Sa iyong pag-aaral, alamin kung paano nadaig nina Alma at Amulek ang kanilang mga hamon at kung paano nila sinunod ang mga utos ng Diyos. Hingin ang tulong ng Ama sa Langit para malaman kung paano mo Siya mas maririnig at masusunod.
Karanasan ni Alma
Basahin ang Alma 8:8–18, at alamin ang ipinagawa ng Diyos kay Alma at kung bakit maaaring mahirap ito para sa kanya. Sikaping ilarawan sa isipan ang mga pangyayari habang binabasa mo ang mga ito. Maaari mong panoorin ang video na “Sina Alma at Amulek ay Naligtas sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Diyos” mula sa time code na 0:36 hanggang 2:22, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org, at sumabay sa pagbabasa sa iyong mga banal na kasulatan.
Karanasan ni Amulek
Basahin ang Alma 8:19–21; 10:4–11 para malaman ang sumunod na nangyari. (Maaaring makatulong na malaman na isinalaysay ni Amulek ang kanyang karanasan sa Alma 10:4–11.) Sikaping ilarawan sa isipan ang mga pangyayari habang binabasa mo ang mga ito. Maaari mong ipagpatuloy ang panonood sa video na “Sina Alma at Amulek ay Naligtas sa pamamagitan ng Kapangyarihan ng Diyos” mula sa time code na 2:22 hanggang 4:03, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org.
-
Ano ang matututuhan natin sa Alma 10:4–6 tungkol kay Amulek? Bakit kaya nahirapan siyang sundin ang Diyos dahil sa mga bagay na ito?
-
Sa inyong palagay, bakit patuloy na tumulong ang Ama sa Langit kay Amulek kahit hindi Siya sumunod noon?
Basahin ang Alma 8:26–32 para malaman kung paano pinagpala sina Amulek at Alma dahil sa kanilang mga ginawa.
-
Anong mga alituntunin ang natutuhan ninyo mula sa salaysay nina Alma at Amulek?
Ang isa sa mga alituntuning maaaring natukoy mo ay kapag naririnig at sinusunod natin ang Ama sa Langit, pinagpapala Niya tayo at ang iba. Maririnig natin ang salita ng Diyos sa iba’t ibang paraan. Halimbawa, kapwa narinig nina Alma at Amulek ang salita ng Diyos mula sa isang anghel.
Pakikinig sa Kanya
Sabi ni Amulek, “Ako ay tinawag nang maraming ulit at tumangging makinig” (Alma 10:6). Noong bata pa siya, matagal ding hindi nakinig si Alma sa Diyos (tingnan sa Mosias 27:8).
Maaari mong panoorin ang video na “Ang Pananampalataya ay Hindi Matatamo Kung Wala Munang Pagpiling Gagawin” mula sa time code na 1:40 hanggang 4:25, na matatagpuan sa ChurchofJesusChrist.org. Sa video, inilarawan ni Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol ang isang binatilyo na tapat at masunuring kumikilos ayon sa pahiwatig sa panahon ng kawalang-katiyakan.
Maglaan ng oras na isulat ang anumang impresyong maaaring natanggap mo mula sa Ama sa Langit. Pag-isipan ang magagawa mo para makakilos ayon sa mga impresyong iyon. Maaaring kabilang dito ang pagsunod sa mga partikular na kautusan o pahiwatig at anumang hakbang na dapat mong gawin. Kung mahirap sundin ang mga kautusang ito, maaari mong ipagdasal na tulungan ka ng Ama sa Langit.