Seminary
Helaman 14: Mga Palatandaan ng Tagapagligtas


“Helaman 14: Mga Palatandaan ng Tagapagligtas,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Helaman 14,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Helaman 14

Mga Palatandaan ng Tagapagligtas

binatilyong nag-aaral ng mga banal na kasulatan

Ang Ama sa Langit ay nagpapadala ng mga propeta upang tulungan ang Kanyang mga anak na maniwala sa Kanyang Pinakamamahal na Anak, tulad noong tagubilinan Niya si Samuel, ang Lamanita, na magpropesiya sa mga Nephita. Bilang bahagi ng kanyang mga propesiya, inilahad ni Samuel ang mga palatandaan na magpapahayag ng pagsilang at kamatayan ni Jesucristo. Ang lesson na ito ay makatutulong sa iyo na mapalakas ang iyong paniniwala kay Jesucristo kapag naunawaan mo ang mga palatandaang ibinigay sa atin ng Diyos.

Mga Anunsyo

Isipin ang mga kaganapan sa iyong buhay na napakahalaga na iaanunsyo mo ang mga ito sa mga kaibigan at kapamilya nang maaga. Sa maraming kultura, ang mga pormal na anunsyo para sa graduation, kasal, mahahalagang kaarawan, at iba pang mga kaganapan ay ginagawa at ipinadadala nang maaga nang ilang linggo o buwan.

  • Ano ang ilang dahilan kung bakit ipinadadala ng mga tao ang mga anunsyong ito bago ang araw ng kaganapan?

  • Ano ang ilang kaganapan na pinili ng Ama sa Langit na ipahayag nang maaga sa pamamagitan ng Kanyang mga propeta? Sa iyong palagay, bakit napakahalagang ipaalam ang mga kaganapang iyon?

Sa pamamagitan ng mga propesiya ni Samuel, ang Lamanita, inihayag ng Diyos sa mga Nephita ang mahahalagang kaganapan sa hinaharap at mga palatandaan na kasama ng mga ito.

Basahin ang Helaman 14:12, at alamin ang mga dahilan kung bakit iniutos ng Diyos kay Samuel na magpropesiya tungkol sa mga palatandaang ito.

Ang isang katotohanan na matututuhan natin ay ang malaman ang mga palatandaang ibinigay ng Diyos ay magpapatibay sa ating paniniwala kay Jesucristo.

Sa iyong palagay, paano makakaimpluwensya sa iyo ang pagsaksi sa mga palatandaang ibinigay ni Samuel para ipahayag ang pagsilang at kamatayan ni Jesucristo? Isipin kung anong mga palatandaan o karanasan ang ibinigay sa iyo ng Diyos para pagtibayin ang iyong paniniwala sa Tagapagligtas. Maaaring kabilang dito ang mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas.

Mga palatandaan ng pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas

icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Gamit ang mga sumusunod na propesiya, gumawa ng mga anunsyo para sa mga Nephita noong panahon ni Samuel tungkol sa pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas. Sikaping maipakita ang kasabikan sa pagsilang ng Tagapagligtas at ang kalungkutan sa Kanyang kamatayan. Isama rin ang mga dahilan kung bakit dapat maghanda ang mga tao para sa mga darating na kaganapang ito.

Pag-isipan ang mga sumusunod na tanong:

  • Sa iyong palagay, bakit ipinahayag ng mga palatandaan na may kinalaman sa liwanag at dilim ang pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas?

  • Paano napagtibay ng pagkakita sa mga palatandaang ito ang paniniwala ng mga Nephita sa Tagapagligtas?

Mga Palatandaan ng Ikalawang Pagparito

ang Ikalawang Pagparito

Tulad ng paggamit ng Ama sa Langit ng mga palatandaan upang ihanda ang mga sinaunang Nephita para sa pagsilang ng Kanyang Anak, gumagamit Siya ng mga palatandaan sa ating panahon upang tulungan tayong maghanda para sa Ikalawang Pagparito ng Kanyang Anak.

Upang matulungan kang maging pamilyar o maalala ang ilan sa mga palatandaan bago ang Ikalawang Pagparito, basahin ang mga sumusunod na scripture passage at itugma ang mga ito sa deskripsyon ng palatandaan. Kung gusto mong pag-aralan ang marami pang palatandaan, tingnan sa “Palatandaan ng Panahon, Mga” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan (scriptures.ChurchofJesusChrist.org).

Ang mga tamang sagot ay matatagpuan sa katapusan ng lesson.

  1. 1 Nephi 14:14

  1. Ang mga tao mula sa lahat ng bansa ay mahihikayat na magtungo sa templo ng Diyos

  1. 2 Nephi 3:6, 11, 15

  1. Isang inapo ni Jose ng Egipto (Joseph Smith) ang maglalabas ng salita ng Diyos (ang Aklat ni Mormon)

  1. Isaias 2:2–3

  1. Ang ebanghelyo ay ipangangaral sa buong daigdig

  1. Mateo 24:14

  1. Ang mga tao ng Panginoon ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng mundo at bibiyayaan ng kapangyarihan ng Diyos

  1. 2 Timoteo 3:1–7

  1. Ang mga tao ay magiging makasarili at makasalanan at tatalikuran ang Diyos

  1. Sagutin ang kahit dalawa sa mga sumusunod na tanong:

    • Paano mo nakitang natupad ang ilan sa mga palatandaan ng Ikalawang Pagparito ng Tagapagligtas?

    Bago sagutin ang sumusunod na tanong, pagnilayan kung paano nakaimpluwensya sa iyong paniniwala sa Tagapagligtas ang ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo, si Propetang Joseph Smith, ang Aklat ni Mormon, gawaing misyonero, at mga templo.

    • Paano napagtibay ng katuparan ng mga palatandaang ito ang iyong pananampalataya sa Tagapagligtas?

    • Ayon sa Helaman 14:13, 28–29, bakit napakahalaga para sa atin na maniwala kay Cristo?

    • Sa anong mga paraan naging pagpapala sa iyo ang iyong paniniwala kay Jesucristo?

Sa pag-aaral mo ng 3 Nephi 1–10 sa mga darating na lesson, mababasa mo ang tungkol sa katuparan ng mga palatandaang ibinigay ni Samuel tungkol sa pagsilang at kamatayan ng Tagapagligtas. Ang mga tao sa panahon ni Samuel na naniwala sa mga propesiya at naghanda para sa pagdating ni Cristo ay nagkaroon ng lubos na naiibang karanasan kaysa sa mga taong hindi naniwala.

Sa iyong study journal, isulat ang tungkol sa iyong paniniwala sa Tagapagligtas at sa mga karanasang umakay sa iyo rito. Maaari mo ring isama kung paano mo mapalalakas ang paniniwalang iyon (halimbawa, sa patuloy na pag-aaral ng Aklat ni Mormon o pagdalo sa templo).

Mga sagot sa aktibidad sa pagtutugma: 1-d, 2-b, 3-a, 4-c, 5-e