Seminary
Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18: Unawain ang Doktrina


“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18: Unawain ang Doktrina,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon (2024)

“Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18,” Manwal ng Titser para sa Aklat ni Mormon

Pagrerebyu ng Doctrinal Mastery 18

Unawain ang Doktrina

si Cristo na nagtuturo sa mga Nephita

Ang isang layunin ng doctrinal mastery ay tulungan kang mas maunawaan ang mga turo ng Tagapagligtas. Ang lesson na ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataong palalimin ang iyong pag-unawa sa mga katotohanang itinuro sa iba’t ibang doctrinal mastery passage ng Aklat ni Mormon.

Sino kayo?

Isipin kunwari na may isang tao na kakakilala mo pa lang na gusto ka pang mas makilala. Kung hihilingin nila sa bawat isa sa mga sumusunod na tao na sumulat ng isang pangungusap na naglalarawan ng isang bagay na positibo tungkol sa iyo, ano sa palagay mo ang isusulat ng bawat tao?

  1. Matalik mong kaibigan

  2. Magulang o tagapag-alaga mo

  3. Bishop o branch president mo

  • Paano makatutulong ang pakikipag-usap sa iba’t ibang tao na nakakakilala sa iyo para mas maunawaan ka ng isang tao?

Gayundin, ang pag-aaral at paghahambing ng mga katotohanang matatagpuan sa maraming doctrinal mastery passage ay makatutulong sa iyong maunawaan ang tungkol sa Tagapagligtas at ang Kanyang doktrina nang mas lubusan kaysa umasa sa anumang nag-iisang doctrinal mastery passage.

Pag-unawa sa mga scripture passage

icon, isulat
icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Basahin ang doctrinal mastery passage na Moroni 10:4–5, at isulat ang natutuhan mo mula rito.

    Pagkatapos ay pag-aralan ang 2 Nephi 28:30 at Eter 12:6. Isulat kung ano ang idinaragdag ng bawat isa sa iyong pagkaunawa sa Moroni 10:4–5. (Maaari mong i-cross reference o iugnay ang mga passage na ito sa isa’t isa.)

Pag-unawa sa mga paksa ng ebanghelyo

Si Jesucristo mula sa mga video ng Aklat ni Mormon
icon, isulat
  1. Gawin ang sumusunod:

    Ang paggamit ng maraming scripture passage ay makatutulong kapag gusto mong malaman pa ang tungkol sa isang partikular na paksa. Halimbawa, maaaring gusto mong malaman pa ang tungkol kay Jesucristo. Mula sa sumusunod na chart, pumili ng kahit tatlong doctrinal mastery passage na nagtuturo tungkol kay Jesucristo. Ikumpara ang natutuhan mo tungkol sa Kanya mula sa bawat passage.

Doctrinal Mastery ng Aklat ni Mormon: Alma–Moroni

Manwal ng Aklat ni Mormon para sa Seminary Teacher (2024)

Scripture Reference

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

Scripture Reference

Alma 7:11–13

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso.”

Scripture Reference

Alma 34:9–10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kinakailangan na may isang pagbabayad-salang gawin, … isang walang katapusan at walang hanggang hain.”

Scripture Reference

Alma 39:9

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Huwag nang sundin pa ang pagnanasa ng iyong mga mata.”

Scripture Reference

Alma 41:10

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang kasamaan ay hindi kailanman kaligayahan.”

Scripture Reference

Helaman 5:12

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Sa bato na ating Manunubos … ninyo kailangang itayo ang inyong saligan.”

Scripture Reference

3 Nephi 11:10–11

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Aking binata ang kalooban ng Ama sa lahat ng bagay magbuhat pa sa simula.”

Scripture Reference

3 Nephi 12:48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Maging ganap na katulad ko, o ng inyong Ama na nasa langit ay ganap.”

Scripture Reference

3 Nephi 27:20

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Lumapit sa akin at magpabinyag, … upang kayo ay pabanalin sa pamamagitan ng pagtanggap sa Espiritu Santo.”

Scripture Reference

Eter 12:6

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Wala kayong matatanggap na patunay hangga’t hindi natatapos ang pagsubok sa inyong pananampalataya.”

Scripture Reference

Eter 12:27

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Kung ang mga tao ay lalapit sa akin, … sa gayon ay gagawin ko ang mahihinang bagay na maging malalakas sa kanila.”

Scripture Reference

Moroni 7:45–48

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“Ang pag-ibig sa kapwa-tao ay dalisay na pag-ibig ni Cristo.”

Scripture Reference

Moroni 10:4–5

Mahalagang Parirala ng Banal na Kasulatan

“[Magtanong] nang may matapat na puso, na may tunay na layunin, na may pananampalataya kay Cristo … at sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo, malalaman ninyo ang katotohanan ng lahat ng bagay.”

  • Paano nakatutulong sa iyo ang bawat scripture passage na pinili mo para mas maunawaan ang tungkol sa Tagapagligtas?

Ikaw ang pipili

  1. Gawin ang sumusunod:

    Mahal ka ng Ama sa Langit at alam Niya ang kinakailangan mo sa iyong buhay, ngayon at sa hinaharap. Maaari kang manalangin sa Kanya at hilingin na tulungan kang pumili ng isang passage o paksa mula sa chart sa itaas na pag-aaralan mo. Gamitin ang mga kasanayan sa pag-uugnay at pag-aaral ng paksa na ginawa mo ngayon para malaman pa ang tungkol sa passage o paksang pipiliin mo. Maaari mong gamitin ang mga sumusunod na hakbang para magabayan ka:

    1. Hanapin ang kumpletong listahan ng mga doctrinal mastery passage at mahahalagang parirala ng banal na kasulatan na matatagpuan sa katapusan ng Doctrinal Mastery Core Document (2023).

    2. Pumili at magbasa ng kahit dalawang doctrinal mastery passage sa Aklat ni Mormon na nauugnay sa passage o paksa na pinili mong pag-aralan. Isulat kung paano nadagdagan ng bawat passage ang iyong pag-unawa sa passage o paksa na pinili mo.

    3. Pumili at magbasa ng kahit dalawang karagdagang doctrinal mastery passage mula sa iba pang mga kurso sa banal na kasulatan na nakadaragdag sa iyong pag-unawa sa pinili mong passage o paksa sa Aklat ni Mormon. Isulat kung paano nadaragdagan ng bawat passage ang iyong pag-unawa sa pinili mong passage o paksa sa Aklat ni Mormon.

Pag-isipang mabuti kung paano makatutulong sa iyo na patuloy na gawin ang mga ginawa mo ngayon sa iyong pag-aaral ng mga banal na kasulatan sa inyong tahanan.